MATINEE IDOL

4864 Words
Chapter 3 Hihiga na sana ako nang tumunog ang iphone ko. "Hellow. Napatawag ka bespren? "OMG! Makinig ka! Hindi ka maniniwala pero this is it!" kinikilig na bungad ni Tzekai. "Ano nga nga! Daming pasakalye." "Nag-open ka ba ng fanpage natin para kay idol?" tanong niya. Halata ang kilig sa boses . "Hindi pa. Anong meron?" "Pwes! Magbukas ka. Bilis. Buksan mo ang laptap mo ngayon din at basahin mo ang message sa akin ng nagngangalang Edu Morales. Nagpakilala siya bilang Talent Manager ni Mark Kym. This is na talaga. Whoooh!" may kasunod pang sigaw. "Wait! Huwag mo akong binibigla ng ganyan bespren at nanginginig ako." sagot ko. Mabilis kong binuksan ang naka-off kong macbook. Parang ang napakatagal sa pakiramdam ko ang sandaling pag-i-start-up nito. Nanlalamig ang aking mga kamay. "Nabuksan mo na ba? Basahin mo ang message niya, dali." "Huwag mo akong inaapura puwede? Kapag natataranta ako nahihirapan akong huminga. Relax okey? Hindi natin hinahabol ang oras dito." Sagot ko pero sa totoo lang ako yung atat na atat mabasa kung ano ang sinulat ng nangngangalang Edu Morales na binibida niya. Kaagad kong pinindot ang f*******: icon sa desktop. Pinindot ko ang messages at nanlalaki ang mga mata ko habang binabasa ko ang conversation ni Tzekai at Edu. "Nandiyan ka pa ba?" tanong ko nang mahimasmasan. "Oo. Ano bilib ka na ba? Iniimbitahan niya tayo kahit sampu lang daw. Admins at members ng "Markian" para sa guesting ni idol sa Gandang Gabi Vice sa Linggo." "Nabasa ko nga. Paano ka naman nakakasigurong hindi nanloloko ang nagmessage na ito sa'yo. Baka mamaya pinapasakay lang niya tayo." Nagdadalawang isip pa din ako. "Di mo ba nabasa na hiningi niya ang number ko?" "Oo, binigay mo nga and your conversation ends there. Maliban na lang kung tinawagan ka niya." Huminga ako ng malalim. Ayaw ko paring mag-expect kahit sa totoo lang ay sinasabayan ko ang pag-uusap namin ni Tzekai ng isang panalangin sa Diyos na sana ito na. Napakatagal na akong fan at sana makita ko lang naman sana siya ng malapitan. "Tinawagan lang naman niya ako." casual ang pagkakasabi ni Tzekai. "At nagconfirm lang naman ako na pupunta tayo with our banner and all. Magpopost ako sa fan page natin ng mga walong puwedeng sumama sa atin. Bespren, this is na!" kinikilig parin siya Hindi ako makasagot. Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Nangatog ang tuhod ko. Umupo ako at huminga ng malalim. "Hello! Ced? Nandiyan ka pa?" "Oo. Sandali lang at ina-absorb ko pa ang lahat. Nanginginig ako bespren. Ito na ba talaga to?" "Yes, ito na to. Bukas pagawa na tayo ng cute banner natin at go na tayo sa GGV sa Linggo. My God! Kinikilig ako! Sige na. Bye! Need ko ng mahabang beauty rest. Malay mo mapansin ako ni idol. Bye!" "Ilusyonada ka din e." Naputol na ang linya. "Yes! Yes! Whoooo! Yes!" napapasuntok ako sa hangin sa sobrang saya. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Noon ko naranasang tumawa mag-isa. Nang naglaon ay bumagtas ang luha ng kaligayahan sa aking pisngi. Halos hindi ako makatulog magdamag sa sobrang excitement. Dumating ang araw na pinakahihintay namin ni Tzekai. Hawak namin ang pinagawa naming banner para kay Mark Kym. Bago kami pinapasok kanina ay kinausap muna kami ni Sir Edu, ang Manager ni idol para ma-orient niya kami sa dapat naming gagawin. "Basta, hindi lang si Mark ang suportahan ninyo kundi kasama ng kaniyang kalove-team na si Erin Keith. Sa tuwing may nakakakilig silang sasabihin, sumigaw kayo. Sa tuwing may gagawin sila, masigabong palakpakan. Kaya ko kayo kinontak para magbigay ng suporta kung talagang idol niyo si Mark." "Hay naku mother, kahit hindi mo sabihin gagawin namin iyan. Basta para kay idol." Sagot ni Tzekai. Tumaas ang kilay ni Sir Edu. "Anong tawag mo sa akin? And you are?" nagsalubong na ang kaniyang kilay. Mukhang hindi niya nagustuhan ang itinawag ni Tzekai sa kaniyang mother. Siniko ko ang bespren ko. "Sorry, sir. Tzekai po, ang President ng Markian, yung kausap niyo sa phone at sss? And this is Cedrick, my Vice President." Tumingin sa akin si Sir Edu. Malagkit ang kaniyang mga tingin. Yumuko ako. "Next time, piliin mo ang itawag mo sa akin Tzekai ha? Hindi ako katulad ng iniisip mo. Palalampasin ko ngayon pero hindi na sa susunod." Muli akong tinignan ni Sir Edu pataas at pababa. "Cedrick, right?" "Po?" nagtataka kong sagot ng tinawag niya ang pangalan ko. "May balak ka bang mag-artista?" diretso ang kaniyang pagkakatanong. Namula ako. Hindi ako sanay na tinatanong ako ng ganoon kahit pa maraming nagsasabing artistahin ang hitsura ko. "Wala po. Okey na po ako sa pagiging fan." "Straight ka o?" hindi na niya kailangan pang ituloy ang kaniyang sasabihin. Sa pagnguso palang niya kay Tzekai ay alam ko na kung ano ang tinutumbok niya. "Sir Edu, akala ko ba walang husgahan. Hinihusgahan ba ninyo ang bespren kong katulad niya ako kasi magkasama kami? Kung may dalawa sa ating tatlo na halata ang pagkasirena hindi ho ang bespren ko iyon. At nasisiguro ko hong alam ninyo kung sino ang isang tinutumbok ko." palabang sagot ni Tzekai. Muli ko siyang siniko. Namula si Sir Edu sa sinabing iyon ni Tzekai. Namayani ang sandaling katahimikan. "O pa'no, huwag kalimutan ang sinabi ko sa inyo. Pumasok na kayo at magsisimula na." Nilakasan ni Sir Edu ang huling bilin niya para marinig ng iba pang mga fans nina Erin at Mark na pinangalanan nilang "Kymerin", ang kay Erin naman ay "Erinian" at kami naman ay "Markian". Maayos kaming pumasok at nasa bahaging gitna ang grupo namin ni Tzekai. Sa bahaging harap naman ang mga Kymerin. Tumayo kaming lahat nang pumasok na si Vice Ganda at nagpalakpakan para sa kaniyang opening number. Nagsimula na ding lumakas ang kabog ng aking dibdib. Nang matapos ang number ni Vice Ganda ay pinatugtog na ang Gandang Gabi Vice theme song... Tarararara... Bongga, Bonggang gabi na to... Buhay, para magkulay dapat, may konti ring problema Luha, puwedeng maging muta Kung di ka, di ka laging masaya... Sinabayan namin ang kantang iyon. Nagkakangitian kami ni bestfriend habang isinasayaw namin ang kanta. "Kinikilig ako bestfriend. Hawakan mo ang kamay ko, sobrang lamig na!" bulong ni Tzekai sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ouch! Mas malamig pala ang kamay mo!" bawi niya nang maramdaman niya ang sobrang panlalamig na ng aking mga palad. Ni hindi nga ako makapagsalita sa nerbiyos. "Palakpakan naman natin ang G Force sa mainit na number kasama ako." Simula ni Vice. Nagpalakpakan din kaming lahat. "Thank you much for joining me." Humakbang siya paharap at tumingin sa aming na mga nasa studio. "Speaking of mainit na number, nag-iinitan din ng mga magagandang tao dito sa studio, gandang gabi sa inyo!" muli kaming sinenyasan na pumalakpak kaya isa muling masigabong palakpakan. Iyon yata talaga ang role mo kapag nasa audience ka. Kahit hindi kailangan palakpakan ay kailangan palakpakan. "At ngayon palang ay summer na summer na dito sa GGV dahil may hatid kami sa inyong mainit na kuwentuhan, kasama ang mga super special na mga bisita ko ngayong gabi, eto ha, tried and tested na ang babaeng ito pagdating sa baliwan, ngayon naman, game na game na naman siya sa next level na kalokahan, the Philippine sweetheart, Erin Keith." Nang ipinakita sa screen ang picture ni Erin ay nagsigawan ang kaniyang mga tigahanga at napilitan na din lang akong pumapalakpak. Hindi naman sa ayaw ko kay Erin kundi hindi lang din ako sanay na may loveteam na ngayon ang iniidolo ko mula noong grade six palang ako. "At ang makakasama niya ay walang iba kundi ang lalaking pinagpapantasyahan kong makahabulan sa beach, ang super crush kong prinsipe ng teleserye, siguradong maraming maiinggit sa kilig na ibibigay sa akin ni, Mark Kym Santiago!"dumagundong ang mas malakas na hiyawan. Lalo na nang ilabas ang kaniyang sobrang gwapong litrato. Hindi ko napigilan ang hindi sumigaw na may kasamang palakpak at padyak ng paa. Noon ko lang naramdaman iyon. Ganoon pala ang feeling kapag idol mo na ang tatawagin. Wala akong pakialam sa mga katabi ko o kahit sino pang makakapanood sa akin na sumisigaw ako at nawawala sa sarili para sa aking idol. "Oh see, wala pa man din, pangalan palang 'yan ha, kung magsigawan kayo para gusto ninyong magiba ang studio. Taray super tili." Palakpakan muli kami! "Ngayon palang, kahit hindi pa man summer ay sobrang nag-iinit ng kilig at halakhakan dito sa trending capital show ng bansa at ang pinakamagandang bisyo tuwing Linggo ng gabi, ito ang..." iniharap niya ang kaniyang mikropono sa amin at sabay sabay kaming sumigaw ng...Gandang Gabi Vice!" Unang tinawag si Erin Keith at nagtayuan kaming lahat at nagtilian ang kaniyang mga fans. Namangha ako nang makita ko siya kasi nakapaganda niya at balingkinitan. Nagtinginan kami ni Tzekai. "Ganda pala niya bestfriend. Bagay na bagay sila ni Mark Kym." Hinawakan ni Tzekai ang braso ko at nakita ko sa kaniya ang sobrang saya. "Gusto ko na siya para kay idol." Hindi ako sumagot. Bumunot ako ng malalim na hininga. Hindi ko tuloy masyadong narinig ang pag-uusap nila ni Vice sa nararamdaman kong kakaiba. "Kumusta naman at mukhang hindi mo naman pinaghandaan talaga ang gabing ito." "Kailangan ba naka-gown kapag sumalang sa GGV? Mahirap naman kung ma-outshine ng guest ang host di ba?" palabang banat ni Erin. "Hayan, ito lang talaga yung show na inookray nila ang host. Alam mo bang andami naming nabubuwisit sa'yo ngayon at alam mo na kung bakit. Ano bang bago sa'yo ngayon bukod sa tumataas na rating ng panggabi ninyong tambalan ni Mark Kym na Apoy sa Dalampasigan na sadyang kinainisan ko dahil sa'yo talaga napunta ang project na ito samantalang matagal na akong naglulumuhod na makatambal ko si Mark Kym. Anong bang meron ka na wala ako?" "Kailangan pa bang sabihin at ipamukha sa'yo Vice? Alam ko nakakabit sa pangalan mo kung anong meron ako ngunit hindi ko alam kung makikita mo iyon kapag haharap na tayo sa salamin. Ipasok nga ang salamin nang makita ni Vice ang meron ako na wala siya nang di na siya muli pang magtanong." Ang palaban paring sagot ni Erin. Nagpalakpakan ang kaniyang mga fans. Ngumiti ako ng pilit. Di ako natawa. "Hoy huwag kang ganyan. Ano ka, maganda na ako sa lagay na'to. Kung yang sa'yo ay gandang natural, ito naman ay ang gandang pinagsusumikapan." Tawanan muli. "At ngayon, huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa, tawagin na natin ang isa sa ating mga guest sa gabing ito, ang lalaking nagpapainit sa inyong gabi, ang unkabogable , si Mark Kym Santiago!" Nagtayuan kaming lahat. Kasama ding tumayo ang mga balahibo ko at pakiramdam ko mas malakas pa ang kabog ng aking dibdib kaysa sa hiyawan at palapakpakan ng mga tiga suporta ni idol. Tumitili si Tzekai sa tabi ko na parang sinasaniban. Lalong naging maingay ang paligid nang nabungaran na namin si Mark na papasok. Nanlaki ang mga mata ko. Malayong-malayo na ang hitsura niya noon. Matipuno ang katawan na binagayan ng maputi ng bahagya sa morenong kutis, nangungusap na mga mata, may katangusang ilong at ang may kalusugan niyang mga labi. Pinagsaklob ko ang dalawang palad ko at nilagay ko sa aking labi na hindi mapigil sa pagsigaw ng pangalan ni Mark Kym. Pinatigil kami sa pagtili. Pinaupo. "Magada at mainit na gabi Mark Kym. Grabe ang tilian ng mga tao nang pumasok ka. Anong pakiramdam na maraming naghahangad na makasama ka at isa na ako doon." "Magandang gabi Vice at sa lahat ng mga narito ngayon." Muli kaming nagsigawan. "Ano ulit yung tanong mo Vice?" "Nahihiya na tuloy akong ulitin yung tungkol sa paghahangad kong makasama ka. Hindi ka ba naiinitan. Mainit di ba Erin?" "Naku! Luma na yung mga ganyang parinig Vice, hindi mo pa diretsuhin si Mark na maghubad ng jacket kaysa sa ganyang may mga pasakalye ka pang nalalaman. Hindi bagay sa'yo gurl." Sagot ni Erin. "Eto naman makapaglaglag. Kontrabida ka talaga kahit kailan sa buhay ko. Hindi ka ba naiinitan, Mark? Hi hi?" Na-excite ako. Tumayo si Mark. "Mainit nga. Hinawakan niya ang kaniyang Jacket. Hinubad niya iyon at sumamang tumaas ang kaniyang suot na t-shirt. "O my god! Hihimatayin yata ako neto!" lumuhod si Vice sa harap ni Mark Kym. Titig na titig sa magandang abs ni Mark. Nakaramdam ako ng inggit. "Grabe, kilig much! Naku alam kong napakaraming naiingit ngayon sa akin diyan." Ngunit sandali lang iyon dahil humarang si Erin at tumayo siya sa gitna nina Vice at Mark. Kalahating dangkal lang ang layo ng mukha ni Vice sa kepay ni Erin. "Lason ka naman ate. Kahit kailan talaga ano, panira ka sa mga kaligayahan ko sa buhay. Ansarap mong ipatumba gurl." Reklamo ni Vice. Nagsigawan kaming lahat. Naglakad si Mark Kym at iwinasiwas niya ang sinuot niyang jacket. Tanda na ibabato niya iyon sa mga audience. Nagtilian muli kami. Humanda kami ni Tzekai para makuha iyon. Handa kaming makipagpatayan makuha lang iyon. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha ni Mark. Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko. Higit pa sa paghanga. Nang naibato niya ito ay mabilis si Tzekai na tumalon at nang maabot niya ito ay hindi siya pumayag na hindi niya iyon makuha. Naglulundag sa tuwa ang bespren ko. Mangiyak-ngiyak na niyakap ang jacket ni Mark. Dahil sa ginawang pagwawala ni bespren ay nahagip ako ng tingin ni Mark. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagkagulat. Napako ang mga tingin namin sa isa't isa. Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng aking mundo. Siya man din ay parang natulala na hindi niya alam kung ano na ang susunod niyang gagawin. Pakiramdam ko parang kaming dalawa lang ang naroon. Nawala sa pandinig ko ang ingay sa paligid. t***k lang ng aking puso ang gumuguhit sa katahimikang nilikha ng aking imahinasyon. Yumuko ako. Hindi ko alam pero parang hindi ko matagalan na titigan siya. Natutunaw ako sa hiya. Hanggang sa nakaupo na kaming lahat at nagpatuloy sina Vice, Erin at Mark na mag-okrayan at magtawanan ay nawala na ako sa aking sarili. Madalas pa din kaming nagkakatitigan ni Mark. Lagi ko siyang nahuhuli na nakatitig sa akin. "Parang biglang nasa kabilang istasyon ang utak mo, Mark." Puna ni Vice. Hindi ko alam kung kiligin ako sa madalas na pagkakatitigan namin o maasiwa ako. Lalo pa't pinagpapawisan na ako kahit malamig naman ang buong studio. "Ganito na lang. Tatawag tayo ng isa sa audience na magiging karibal mo kunyari kay Erin. Kunyari ay idadaan sa kanta ang panliligaw. Humanap tayo ng makakatapat mo. Dapat yung mahihirapan si Erin na pumili." Tumayo si Vice. Inilibot niya ang kaniyang paningin. Nagsimulang naglalaki-lakihan si Tzekai. Binago niya pati ang kaniyang boses sa pagtili. Too late, kasi kasingkapal ng foundation ni Erin ang foundation niya at kasinkintab nang mamantikang mukha ng Manager ni Mark ang lip gloss na ginamit niya. "Ayyyy!" tumili si Vice. "May nahanap na ako. Halika!" lumingon ako sa likod ko ngunit mga babae lahat ang nasa likuran ko. "Ako ho?" paninigurado ko. "Hindi, siya! May nakikita ako sa likod mong hindi mo nakikita! Nakakaloka ka! Guwapo ka na sana e." Tawanan ang lahat. Napangiti ako. Tumayo ako. Lalong lumakas ang sigawan. Napalunok ako. Hindi ako sanay na pinagkakaguluhan. Ayaw na ayaw kong pinagtitinginan ako ng lahat. Pagkabababa ko ay agad ipinasok ni Vice ang kaniyang kamay sa pagitan ng kamay ko. "O anong say mo ngayon Erin. Bilis kong makahanap ng pantapat di ba?" pagyayabang ni Vice. Lalo akong pinagpawisan nang nasa tapat ko na si Mark. Titig na titig siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala. Ako man ay saglit na tumitig sa kaniya at sumunod kong naramdaman ay hindi na ako makahinga ng maayos. "Anong pangalan mo? Ang guwapo! Artistahin." Ngumiti ako. Gusto kong sumagot kaagad pero naunahan ako ng hiya. "Anong pangalan mo?" inulit ni Vice. "Ako ho?" wala sa sariling tanong ko. "Hindi! Hindi ikaw! Siya! Si kuya cameraman. Naglolokohan ba tayo dito kuya? May katabi ka bang hindi ko talaga nakikita?" Tawananan at palakpakan ang audience. "Cedrick po." Maiksi kong sagot. Huminga ako ng malalim. Nagulat ako sa sumunod na pangyayari nang masabi ko ang pangalan ko. Lahat ng tao sa studio ay parang hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Ako man din ay hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaction. Mabilis akong niyakap ni Mark. Si Erin at Vice ay biglang walang maapuhap na sasabihin. Nanaig ang pagkagulat sa lahat. "Anong nangyayari dito? Bakit may yakapang nagaganap? Nakakadiri ha? Hindi ako sanay." Patutsada ni Vice. Nang humupa ang pagkasabik namin sa isa't isa at lumuwang pagkakayakap namin ay nakita ko sa gilid ng mga mata ni Mark ang luha. Mabuti sa kaniya napigilan niya, ang mga luha ko kasi tuluyan ng umagos sa aking pisngi. "Hindi ka maniwala Vice pero sobrang tagal ko na siyang hinanap. Kababata ko siya sa Nueva Vizcaya noon. Almost 8 years na siguro ang nakakaraan. Mula nang nagkahiwalay kami noong mga bata kami, hanggang ngayon, alalang-alala ko pa siya kasi siya lang yung naging kaibigan ko at kalaro noon doon. Saglit lang kaming nagkasama noon pero sobrang hindi ko makalimutan kung paano niya ako tinanggap bilang tropa. Nakita ko na siya kanina kaso nagdadalawang isip ako pero noong sinabi niya ang pangalan niya, iyon 100% sure na ako na siya nga ang matagal ko nang gustong makita na kababata ko" Mahabang paliwanag ni Mark. Nakita ko sa mukha ni Vice ang pagkabigla ngunit nanaig pa din sa kaniya ang pagiging kuwela. "Sige na, ipadala mo na lang ang kuwento ninyong dalawa sa MMK, sa ngayon harutan muna tayo sa GGV. Okey lang ba mga tol?" "That's it! 'Yan ang naalala kong tawagan namin noon. Tol! Kasi tropa kami nito. Tropang walang iwanan, pagkain ng isa, isusubo naming dalawa." Inakbayan niya ako. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya sa akin. Nangatog ang tuhod ko. Gusto kong himatayin lalo na na sobrang bango niya at ramdam ko ang init ng kaniyang katawan na dumampi sa akin. "Ano ba 'yan? May connection pa din kahit doon sa tol na itinawag ko sa inyo? Nakakaloka! Pero bet ko yung sinabi mong pagkain ng isa, isusubno ninyong dalawa. Bilis Cedrick! Kainin mo ako ng isubo din ako ni Mark!" sigawan ang lahat. "Bigla akong nahiya sa banat ko." pambawi ni Vice. "Anlandi mo naman te!" singit ni Erin. "Ayyy sorry nandiyan ka pa pala. Gumawa ka ng sarili mong show at doon ka magpakain. Huwag kang inggitera!" sagot ni Vice. Alam kong maraming gustong sabihin sa akin si Mark lalo na kung sinusulyapan niya ako habang nakaakbay siya sa akin ngunit nasa show kami at kailangan parin niyang maging professional. "Usap tayo mamaya after the show. Hintayin mo ako sa lobby." Bulong niya sa akin at inilayo niya ang mic na hawak niya sa bunganga niya para hindi ma-air ang sinabi niya. Tumango ako saka ngumiti ng tipid. Hinimas niya ang balikat ko saka tinapik ng tatlong beses. Muli kaming nagktitigan at nagngitian. Kailangan kong huminga ng malalim dahil baka makalimutan kong gawin iyon at bigla akong himatayin. "Tapos na ang kumustahan mga tol? Puwede na nating ituloy ang show?" Tawanan ang lahat. "Ganito ang gagawin natin. Kunyari dalawa kayong manliligaw kay Erin. Gagawa kayo ng isang bagay na sa tingin ninyo ay matutuwa siya at kayo ang sasamahan niya for a date." Ninerbiyos ako. sa Edad kong labing-anim ni hindi ko pa naranasang manligaw o kaya ay magkaroon ng crush. Tanging si Mark lang kasi ang nasa utak ko mula paggising hanggang sa aking pagtulog. "Mauna tayo kay Cedrick. Bibigyan kita ng 1 minute." "Kakantahan ko ho siya?" sagot ko. "Mukhang hindi narinig ang sinabi ko kanina. Yun nga ang gagawin, haranain si Erin. Sige anong kakantahin mo?" "Just the way you are ni Bruno Mars po." "Sample, sample, sample!" sigaw ng mga nasa audience. "Shunga naman ng mga audience ko." tumawa siya. "Siyempre no, kakantahin niya. Anong gagawin niya, tutula ng just the way you are? Nakakaloka kayo ha!" Nagtawanan din ang mga audience. Bago ko sinimulan ang pagkanta ko ay tinignan ko muna si Mark. Kinindatan niya ako saka siya nagthumbs up. "Yan ang tropa ko. Sige nga tol, iparinig mo nga sa kanila ang makalaglag panga mong boses." Pagbibigay niya ng suporta. Huminga ako ng malalim. Nilingon ko si Tzekai na kanina pa nagtititili. Napansin siya ni Vice. "Sandali lang Cedrick ha. May napapansin kasi ako kanina pa." Naglakad si Vice patungo sa kinaroroonan ni Tzekai. "Anong problema mo 'te?" Mabilis na bumaba si Tzekai at kinuha ang mikropono sa kamay ni Vice. "Oh my God! Bespren, totoo nga ang sinabi mo! Di ako makapaniwala. Ikaw na! Ikaw na talaga! Grabe na to! Magkakababata nga kayo ni idol! Go Go lang! Kilig much ako! Hi sa mga Markian diyan na nanood ngayon, sige lang sa paglike sa f*******: fan page namin for Mrak Kym. Nandito na kami whoooo!" tili niya." Ako nga pala si Tzekai, Vice, President ng Markian Fans Club at bestfriend ni Cedrick! Grabe! Sobrang saya ko ngayon! Whoooooo! Puwedeng makuhaan ko ng picture si idol at bestfriend! Saka Vice..." Nilayo na ni Vice ang mic kay Tzekai ngunit tuluy-tuloy pa din ang pagsasalita ang aking bestfriend. Nangiti ako. Nagkatinginan kami ni Mark at tuluyang napatawa sa nakikita naming reaction ni Tzekai. "Anong nangyayari sa mga guest at audience natin sa gabing ito. Nasasapian ba lahat? Nakakaloka. Wala pa akong natatanong napakarami na niyang nasabi. High ka yata 'te. Uminom ka ba ng gamot mo o nasobrahan ka ng tinira. Mamaya na 'te ha? May show pa tayo e." Nang muling ilagay ni Vice ang mic sa bunganga ni Tzekai ay magsisimula na naman sana siyang magsalita ngunit binawi agad ni Vice ang mic at naglakad bumalik sa amin. Nagtawanan ang lahat. "Okey. Sa totoo lang sobrang riot ang gabing ito. Sige na Cedrick, nagsisimula na ang isang minuto mo." Hinawakan ko ang mic. Nanginginig ako sa nerbiyos. Tumingin ako kay Mark. Tumango siya sa akin saka kumindat. Waring sinasabi niyang kaya kong gawin ang lahat. Nagsimula akong kumanta. Oh, her eyes, her eyes make the stars look like they're not shinin' Her hair, her hair falls perfectly without her tryin' She's so beautiful And I tell her everyday Lumapit ako kay Erin. Dinama ko na lang ang aking pagkanta para tuluyang mawala ang hiyang nararamdaman ko. Nakatitig si Erin sa akin. Namangha siya sa aking pagkanta. Habang kumakanta ako ay narinig ko ang sigawan ng mga naroong audience. Nagpalakpakan silang lahat. Nakita kong napatayo din si Mark Kym at pumapalakpak kasama ng mga audience. Lalong tumaas ang kumpiyansa ko sa aking sarili dahil sa ginawa niyang iyon. Yeah, I know, I know when I compliment her, she won't believe me And it's so, it's so sad to think that she don't see what I see But every time she asks me do I look okay? I say Inilahad ko ang kamay ko kay Erin. Inabot niya ang kamay ko at tinuloy ko ang aking pagkanta. Tuloy pa din ang sigawan ng lahat ngunit nangibabaw ang kay Tzekai at Mark Kym. When I see your face There's not a thing that I would change 'Cause you're amazing Just the way you are "Wow! As in wow!" namangha si Vice. "Artistahin ka at may boses pa. Nakakakilig naman. May girlfriend?" tanong ni Vice. "Wala pa po. Bata pa, 16 lang ho ako at nag-aaral." "Ayy defensive agad. Hindi tuloy lumusot ang susunod kong tanong. Basta kung nagbago ang isip mo ha? Ora-orada maging single ako para sa'yo." Hiyawan ang lahat lalo na nang inakbayan niya ako at inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Grabe kang bata ka! Nakakainlab ka ha!" "Okey! Ngayon naman si Mark Kym. Naku Mark, kailanga mong tapatan iyon para ikaw ang piliin ni Erin?" "Kung si tol ang piliin niyang i-date, ayos na ayos sa akin iyon Vice." "Anong feeling ng kinakantahan ng dalawang sobrang guwapo Erin?" "Sa akin na lang iyon Vice, kahit sabihin ko sa'yo hindi mo talaga siya ma-feel." Sagot ni Erin. Muling dumagundong ang tawanan lalo na sa naging reaction ni Vice na parang biglang sinilaban ng pagkahiya. "O huwag ng pahabain pa ito at mauubusan na tayo ng oras, magsisimula na ang isang minuto mo, Mark. Kumindat muli si Mark sa akin at sinimulan ang pagkanta. You're insecure Don't know what for You're turning heads when you walk through the door Don't need make up To cover up Being the way that you are is enough Tilian ang mga fans. Sinabayan ni Mark iyon ng paggiling ng katawan. Lalong nagwala ang lahat. Ako man ay parang sinilaban ng init sa katawan dahil sa galing niyang gumiling. May tumakbong Kimerin at iniabot ang bulaklak kay Mark Kym habang kumakanta. Kinuha ni Mark iyon. Everyone else in the room can see it Everyone else but you Ibinigay niya ang bulaklak kay Erin. Hinalikan niya ito sa kamay. Kumindat sa mga fans. Lalong nagwala ang mga audience. Sanay na sanay talaga siyang magpakilig. Kinilig din ako sa kaniyang ginagawa. Baby you light up my world like nobody else The way that you flip your hair gets me overwhelmed Tumayo sila ni Erin. Isinayaw niya ito at pinaikot-ikot. Palakpakan uli ang mga guest. Mas malakas at nagwawala na sila. But when you smile at the ground it aint hard to tell You don't know Oh Oh You don't know you're beautiful "Sino ang pipiliin mo ngayon Erin?" tanong ni Vice nang tuluyan nang natapos ang palakpakan at kilig ng audience. "Ang hirap Vice e. Puwedeng palakasan na lang ng palakpak sa audience?" "E kung ganoon din naman pala ang labanan at hindi ikaw ang mamili sana pala sa audience na lang kumanta ang dalawang ito. Sana din pala, ako na ang kanilang hinarana. Ang arte! Kapag ba maganda kailangan mag-inarte? Kapag ba baklang katulad ko, kung anong inartehan o pinagpilian ng magandang babae, iyon ang pagtitiisan ko?" Tulad ng inaasahan, mas nagiging malakas ang palakpak kay Mark Kym. Ngunit ang nakakagulat ay may mga pumalakpak at sumigaw din naman para sa akin. Okey na sa akin 'yun. "Salamat Cedrick. At dahil diyan, puwede mong halikan si Erin." "Ikaw talaga ang nagdedesisyon, gurl? Ano ka, bugaw na din ngayon? Walang pasabi?" si Erin. "Joke lang Cedrick." Bawi niya. Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang bumeso sa akin. "Salamat Cedrick." "Oh yakap ka na kay tol bago bumaba Cedrick" si Vice. Tumingin ako kay Mark. Nakabuka na ang dalawa niyang kamay para yakapin ako. Lumapit ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Nagkayakapan kami ng mahigpit. "Happy to finally see you tol. Sobra." Bulong niya sa akin. Naramdaman ko ang labi niya sa aking tainga. "Hintayin mo ako sa lobby. Gagawan ko ng paraan para maisingit kita sa sobrang hectic ng schedule ng shows ko ngayon." "Salamat at naalala mo pa ako." mabilis kong sagot. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likod at tatlong tapik bago lumuwang ang kaniyang pagkakayakap. Ngumiti ako bago ako tumalikod sa kaniya. Kumindat siya sa akin. Kinilabutan ako sa kindat at nakakapanlambot niyang ngiti. Wala ako sa sarili kong tumalikod. "Iyon na 'yun Cedrick? Paano ako? Walang hug o kiss? Dekorasyon na lang ako dito?" si Vice. Tumawa ako. Hawak ko pa pala ang mic. Bumalik ako at niyakap ko si Vice, Nang ibeso ko siya ay mabilis niyang iniharap ang kaniyang bibig sa akin. Mabuti maagap akong inilayo ang labi ko at kung hindi sapol sana ang labi niya sa labi ko. "Sayang, akala ko dadampi na!" "Salamat Cedrick!" "No, Vice, ako dapat ang magpasalamat. Dahil sa GGV nagkita muli kami ng tropa ko." maikli kong sagot. Namumula pa din ako sa hiya. "Palakpakan natin si Cedrick guys!" Bago ako bumaba ay bineso ako ni Vice at inihatid ako ng sigawan at palakpakan ng audience hanggang sa tabi ni Tzekai. Nagwawala pa din si bespren at kinilig siya ng sobra-sobra. Parang hindi nauubusan ng energy at boses. Pagakatapos ng show ay nagpakuha kami ni Mark Kym ng litrato kay Tzekai. Nang kinukunan na kami ay naramdaman ko ang palad niya na nakahawak sa kamay ko. Patago niyang pinisil iyon. Bumilis ang t***k ng aking puso nang maramdaman ko ang init ng kaniyang palad na nakahawak sa aking palad. Dahil sa dami ng taong gustong magpakuha ng picture kay Mark ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap. Ni hindi na ako makalapit. Siya man ay hindi na din makaalis pa. Tanging nagawa ko ay ang pagmasdan siya mula sa malayo na pinagkakaguluhan ng mga fans. Hirap na hirap talaga akong abutin na siya. Naghintay kami ni Tzekai sa lobby. 15 minutes, okey lang. Nagkukuwentuhan naman at nagkakasiyahan kami ni Tzekai sa mga nangyari sa show. 30 minutes wala pa din pero nakita naming dumaan siya kasama ang Manager niya at si Erin at dinudumog pa din siya ng mga fans. Magkahawak kamay sila ni Erin. Hindi ko alam kung kailangan kong magselos sa nakita ko. May kung ano akong naramdaman. Bago siya tuluyang nakalayo ay nakakuha siya ng pagkakataon para makita ako at sumenyas siyang hintayin lang ako doon. Gusto kong lumapit pero hindi ako makasingit. Sa ikinilos niya, alam kong gusto niyang tumakas doon sa gitna ng mga nagkakagulong fans ngunit hindi din niya magawa. Isang oras. Nagsimula na kaming mainip. Tinignan ko ang picture namin na kinunan ni Tzekai. Kuhang kuha ni Tzekai ang madamdaming pagyayakapan namin at ang huling litrato naming magkahawak ng kamay. Kinilig ako. Dalawang oras. Hindi na siya bumalik. Pabalik-balik na ang guard sa amin para paalisin kami dahil pinagbabawal nga daw ang tumambay ng ganoong na katagal doon. Nakuha lang naman ang guard sa paulit-ulit na pakiusap ni Tzekai. Hanggang sa higit dalawang oras na at tuluyan na kaming nawalan ng pag-asa ni bespren. "Hayaan mo na best. Ganoon naman talaga kapag sikat at dinudumog na ang kabigan mo. Alam ko may valid reason naman siya kung bakit hindi ka na niya sinipot. Maaring may trabaho pang naghihintay ang kababata mo. Tara na." seryosong pakikisimpatya ni Tzekai sa nararamdaman kong pagkabigo. Huminga ako ng malalim. Siguro nga nag-expect lang ako. Iba na nga talaga ang mundong ginagalawan ng kababata ko. Hindi na niya hawak ang kaniyang oras at buhay. Pag-aari na siya ng publiko. Palabas na sana kami ng gate nang biglang may humawak sa aking kamay. Nakasumbrero ito na pinatungan niya ng jacket na may hood, nakasuot ng malaking salamin na sakop ang kalahating mukha. "Bilis! Let's go. Sumunod kayo sa akin!" boses iyon ni Mark. Tumalon ang puso ko sa sobrang saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD