"Flowers for you, sweetheart!" Napabaling ang tingin ko kay Zach nang ilahad nito sa akin ang tatlong piraso ng pulang rosas. Nakaakbay pa rin ang isang braso nito sa akin. Nakasimangot akong humarap sa kanya at tinanggap ang rosas bago binaklas ang kanyang braso sa balikat ko. "Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa school namin? Dinadalaw mo ba ang mga bodyguards ko?" "Hindi lang naman mga bodyguards mo ang gusto kong makita kundi pati na rin ikaw. Buti na lang pala agad akong dumating, kundi baka sumama ka nang makipag-date sa lalaking 'yun." Napairap ako. "Tsk. He's my long time crush, pero sinira mo. Tatanggihan ko lang sana siya ngayong araw, pero agad kang dumating at sinabi mo pang boyfriend kita. Ang harsh mo sa crush ko!" Napangiti si Zach at pumantay sa 'kin sa paglalakad.