PAGBALIK ko ay nakaupo na ang tatlo kong bodyguards kasama si Zach at may mga pagkain na rin sa ibabaw ng mesa. "Oh bakit hindi pa kayo kumakain?" tanong ko pagkaupo. "Mas masarap kasing kumain pagsabay-sabay, kaya hinintay ka namin, boss," sagot ni Terrence na kumindat pa sa 'kin. Napairap naman ako. "Tsk. Oh ngayon narito na ako, ano pang hinihintay niyo? Kumain na nga tayo!" Agad naman nilang pinagdampot ang kanilang mga kubyertos. Habang kumakain kami ay pansin ko ang pananahimik nilang apat na kinataka ko. Dati ay hindi naman sila ganito katahimik tuwing kumakain kami. Napakaseryoso din ng emosyon ng kanilang mukha ngayon. Anyari? Nang mapatingin ako kay Clark ay ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang putok nitong labi na may konting dugo pa sa gilid, at ganoon din si