'HI RACHELLE, nung isang araw pa ako tumatawag sa number mo pero wala namang sumasagot, kaya naisipin kong hanapin ka na lang dito sa loob ng campus, buti na lang at nakita kita ngayon!" ani Gian na parang nahahapo pa. Tila pagod, siguro ay kakatapos lang ng practice nila sa basketball. "Ah kasi nawala ko ang cellphone ko eh..." pagsisinungaling ko at tipid na ngumiti. "Ano nga pala ang kailangan mo sa 'kin? Ba't mo ako hinahanap?" "Ah kasi, yayain sana kitang lumabas ngayon kung tapos na ang klase mo. Pwede ba kitang i-date, Rachelle?" napakamot pa ito sa batok na para bang nahiya pa. Hays... May pagka-torpe din pala ang isang 'to. Kalalaking tao mahiyain naman! For sure, boring 'tong maging jowa! "Naku... a-ano k-kasi eh..." Napakagat ako sa ibaba kong labi. Damn! Paano ba ako tat