HABANG nakahiga ako sa aking kama ay rinig ko ang sunod-sunod na pagtawag ni daddy sa akin habang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Nanatili akong tahimik at hindi man lang pinagbuksan ng pinto si dad hanggang sa hindi ko na narinig pa ang boses nito. Makalipas ang ilang minuto ay nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si daddy, bitbit pa ang susi. Ngumiti sa akin si dad pero agad akong sumimangot sa kanya at tumalikod nang higa. "Hey, princess, 'wag ka nang magtampo." Naupo si dad sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok ko. "Buntis ang tita Flora mo, at hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang sa kung saan, kaya habang nasa ibang bansa ako ay dito muna sila mananatili sa bahay para may kasama ka rin. Alam kong malungkot ka tuwing umaalis ako dito sa bahay dahil pal