TATLONG BESES akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago kumatok sa nakasaradong pinto ng kuwarto ni Clark. Mga nakasampong katok siguro ang nagawa ko bago bumukas ang pinto at niluwa no'n si Clark na nakatapis lang tuwalya at basa pa ang buhok. Dumadaloy pa ang tubig sa kanyang malapad na dibdib patungo sa kanyang mga abs. "Anong kailangan mo?" walang emosyon niyang tanong sa akin. Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kanyang katawan. "Ah k-kasi, gusto ko lang mag sorry, Clark." Tumikhim ako at napakagat sa ibaba kong labi. "P-Pwede mo ba akong emasahe?" Pansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya nang marinig ang tanong ko. "Ano ba talaga ang sadya mo?" Napanguso ako. "Napagod ang paa ko eh, kaya lang ayaw emasahe nina Andro at Terrence, kaya pumunta ako dito." Saglit niy