"MANG ESTING!" pagtawag ni Andro sa matandang lalaki na nagpapaligo sa isang kabayo. Napabaling naman ang tingin sa amin nang matanda, at parang lumiwanag ang mukha nito nang makita sina Andro at Terrence. "Señorito Andro, kayo po pala 'yan! Bakit ngayon lang kayo ulit nakadalaw rito ni señorito Terrence? May dadayuhan ba kayong basketball game?" tanong ng matanda pagkalapit namin. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa. Talagang napagkamalan pa kaming dadayo ng basketball. Eh pano ba naman kasi naka jersey pa kaming tatlo, maliban kay Fenna na nakasuot ng blue dress. "Ngayon lang kasi nagkaroon ng oras para bumisita, Mang Esting. At isa pa, hindi kami makikidayo ng laro, ito kasi ang uniform namin ngayong araw," natatawang sagot ni Terrence sa matanda. "Gusto daw mangabayo nitong kasama