PAGDATING namin sa kuwadra ay agad kong sinalubong si Fenna ng dalawang magkasunod na sampal sa magkabilaang pisngi na kinalaki ng mga mata nito sa pagkagulat. "Bakit ka ba nanampal?!" sigaw sa akin ni Fenna at napahawak sa sariling pisngi. "Tinatanong mo kung bakit kita sinampal? Alam mo ba ng dahil sa ginawa mo ay muntik na akong mamatay!?" pabalik kong sigaw habang nakapamaywang. "Pasalamat ka nga at dalawang sampal lang ang binigay ko sa'yo eh! Dahil kung tutuusin ay kulang pa 'yan kumpara sa ginawa mo kanina na muntik ko nang ikahulog sa bangin!" Napakunot noo ako nang biglang umiyak si Fenna. "Hindi ko naman sinasadya 'yun, Rachelle! Kailangan mo pa ba talaga akong sampalin ng dalawang beses? Hindi ko alam na napakasama mo pala! Ang sama mo!" maluha-luha nitong sambit. Napaaw