PAGKATAPOS kong nagbihis ng school uniform ay lumabas na ako ng kuwarto ko at bumaba ng stairs. Today is tuesday, kaya back to school na naman ako. "Dad, aalis na po ako. Sa school na lang ako kakain ng almusal," pagpapaalam ko kay daddy na nakaupo sa sofa katabi ng kanyang bagong asawa. "Sige mag-iingat ka. Huwag kang lalayo sa mga bodyguards mo," sagot ni daddy na agad na ibinaba ang binabasang magazine. Nakangiti akong tumango. "I will, dad. Nasaan na nga pala si Fenna?" tanong ko nang hindi makita ang bruha sa paligid. "Nauna nang pumasok sa school, hija, si mang Lando ang naghatid sa kanya. Gusto niya na daw kasing mauna na kaya pagpasensyahan mo na ang batang 'yun, masyado lang kasi 'yun excited na makapasok ng koleheyo!" sagot ng bagong asawa ni dad sa akin. Parang nakahing