"Akala ko ba nagda-diet ka, Rachelle? Kaya mo bang ubusin ang lahat ng inorder mo?" hindi makapaniwala na tanong ni Lexa.
"Oo nga naman," pag-epal ni Gwen. "Kaya mo ba talagang ubusin lahat ng sinabi mo?"
Napabuga ako sa hangin dahil sa pagka-epal ng dalawa kong kaibigan. Seriously? Gusto ko silang batukan. Hindi ba pwedeng tumahimik na lang silang dalawa? Baka masira pa ang plano kong pagpapahirap kay Clark dahil sa kadaldalan nilang dalawa. Hays naman!
"Ano ba naman kayong dalawa, syempre para sa atin lahat ng order ko. My treat today!"
Para namang nag heart-heart ang mga mata ng dalawa kong kaibigan dahil sa sinabi ko. Tsk... Mga kuripot nga naman.
"Sige na, Clark. . .bumili ka na doon at baka ma-late pa kami sa susunod na subject," taas kilay kong sabi kay Clark habang nakangisi.
"I'll go with him, boss. You have too many orders and Clark can't carry them all alone. At 'yung ibang mga order mo ay alam kong wala nun dito sa canteen at kailangan pang bumili sa labas," sabat ni Terrence na agad namang sinang-ayunan ni Andro.
I rolled my eyes. Panira talaga!
"At sino naman ang magbabantay sa akin kung sasama ka sa kanya? Hindi pwedeng si Andro lang ang magbabantay sa akin, dahil baka pagbalik niyo dito ay patay na ako!" pagdadahilan ko.
Hindi pwedeng masira ang plano kong pagpapahirap sa lintik na Clark na 'to. Tingnan na lang natin kung hindi siya susuko sa pagiging bodyguard niya. May pangisi-ngisi siyang nalalaman sa akin kanina.
"Hey, boss. Ano naman ang akala mo sa akin? Mahina? Damn! Mabilis 'tong kumilos at kayang-kaya kitang protektahan nang ako lang mag-isa," reklamo ni Andro.
I was about to answer him when the half russian suddenly spoke.
"Don't you worry guys, I'll just ask for the delivery. My cousin has a restaurant, and I know they have all your orders, Boss Rachelle." Clark grinned at me before he stole the cell phone from his pocket.
Damn!
Sira na. Sirang-sira na ang plano ko!
Hindi ko mapigilan ang mapakuyom ng kamao sa inis na napapadyak ng paa sa ilalim ng mesa.
Bakit ba lagi niya nalang ako naiisahan? Kainis!
Mga ilang minuto ang lumipas nang dumating ang delivery boy sa loob ng canteen at bitbit na lahat ng inorder ko.
Tahimik akong kumain, habang tuwang-tuwa naman ang dalawa kong asungot na kaibigan sa panlilibre ko at panay ang daldal at tanong sa mga bodyguards ko ng kung anu-ano. Akala siguro nila ay nilibre ko talaga sila, pero wala eh, sira na ang plano ko.
"Thanks for the treat, Trish. I'm so full," ani Gwen habang naglalakad kami papunta sa isang classroom para sa last subject.
"Birthday mo ba ngayon kaya ka nanlibre?" tanong naman ni Lexa.
"Matagal pa ang 20th birthday ko," walang gana kong sagot.
Naiinis pa rin ako hanggang ngayon. Siguro kailangan kong mag-isip ng mabisang plano para hindi na ako maisahan ng supladong 'yun.
Pagkatapos ng klase ay naghiwa-hiwalay na kaming tatlo nina Gwen at Lexa.
Nakaupo na ako sa loob ng kotse kasama ang tatlo kong bodyguards. Si Terrence ang nagmamaneho at si Andro naman ang sa tabi niya, habang katabi ko naman sa backseat ang supladong si Clark na seryoso lang nakaupo sa aking tabi.
Hay naku, parang may sariling mundo ang isang 'to. Hindi ata napapanis ang laway nito.
"You know what, Clark, you can be a statue for being so serious. Ni hindi ka man lang ngumingiti. Buhat mo ba ang mundo? Hindi ba napapanis ang laway mo sa lagay na 'yan?"
Napatawa si Andro at Terrence sa sinabi ko, pero hindi man lang naapektuhan ang suplado sa tabi ko at seryoso pa rin ang mukha.
Gwapo sana pero walang emosyon. Hays!
"Narito naman ako na laging nakangiti, boss!" sagot ni Andro.
I just rolled my eyes on him.
Maya-maya ay napabaling ang tingin ko sa unahan nang marinig ang sunod-sunod na pagmumura ni Terrence. Itatanong ko na sana kung bakit, pero agad akong naunahan ni Clark.
"What's the matter?" Clark asked.
"I think the white van is following us," Terrence declared.
Sabay pa kaming napalingon ni Clark sa likuran. At tama nga ang sinabi ni Terrence dahil kitang-Kita ko ang isang puting van na sumusunod sa amin.
"Just drive faster," utos ni Clark at agad ipinasok ang isang kamay sa loob ng kanyang coat.
Binilisan naman ni Terrence ang pagpapatakbo ng kotse.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang paglabas ng baril ni Clark at Andro sa kani-kanilang suit.
Oh god! Huwag nilang sabihin na babarilin nila ang sumusunod sa amin?
Bago pa ako makapagtanong ay mabilis na inilabas ni Andro at Clark ang kanilang kalahating katawan sa nakabukas na bintana ng kotse, at agad na pinaputukan ang van nasumusunod sa amin.
I was shocked.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Pero mas lalo akong nagulat nang nagpaputok din ang kotseng sumusunod sa amin.
I screamed.
Napasigaw ako sa takot at pagkagulat dahil sa dami ng balang tumatama sa kotse na para bang patak lang ng ulan.
Nanginginig kong kinapa ang aking katawan para malaman kung may tama ba ako. Pero kahit anong kapa ko ay parang wala namang tumama sa akin at wala ding masakit sa katawan ko.
Nang mapatingin ako sa bintana ng kotse ay ganoon na lamang ang pag-awang ng labi ko nang makita na hindi man lang ito nabasag. Saka ko napagtanto na bulletproof pala ang kotse.
Wala pa rin tigil ang pagpapalitan nila ng putok. Si Clark at Andro ang lumalabas ng bintana para paputukan din ang kotse, habang nagmamaneho naman ng mabilis si Terrence.
Nanginginig na rin ang buong katawan ko sa takot, dahil sa lahat ng pagtatangka sa buhay ko ay ito ata ang pinakamalala at talagang may habulan pa at palitan ng putok ng baril.
Nanginginig ako habang kagat-kagat ang hinlalaki ng kamay ko dahil sa takot. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paghila sa akin, kaya agad akong napasubsob sa matigas na dibdib.
Parang nabawasan ang takot sa aking dibdib habang nakayakap sa taong humila sa akin. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkayakap ko sa kanyang baywang habang nakasubsob sa kanyang dibdib ang aking mukha. Amoy na amoy ko ang mabango niyang suit.
Makalipas ang isang minuto ay naramdaman ko na ang paghinto ng kotse at wala na rin akong narinig na putok ng baril.
"We're here."
Agad akong napamulat ng mata nang marinig ang pagsalita ni Terrence.
Pag-angat ko ng tingin ay agad na bumungad sa akin ang napaka-seryosong mukha ni Clark na nakatitig sa akin.
Para akong natauhan at mabilis na bumitaw ng yakap sa kanya.
Shit! Hindi ko alam na siya pala ang kayakap ko mula kanina.
"Scared, huh?" nakasinging bulong sa akin ni Clark at sinabayan ng nakakainsultong pagtawa.
Napatikhim naman ako at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya. "I'm not scared, idiot!"
Rinig ko ang halakhak ng dalawa kong bodyguards sa unahan na para bang pinagtatawanan ako.
Hindi ko na hinintay pang pagbuksan nila ng pinto at dali-dali na akong bumaba ng kotse.
Nagmamadali akong pumasok sa mansion at umakyat sa aking kwarto para hindi nila maabutan at pagtawanan na naman.
Sino ba naman ang hindi matatakot kung paulanan ng bala ang iyong sinasakyan? Tsk . . .palibhasa mga matatapang sila. Ang yabang!
Hindi na ako lumabas ng kwarto ko at nagpa-akyat na lang ako kay nanay Pena ng pagkain para sa dinner. Ayukong bumaba dahil ayokong makita ang tatlong tipaklong na 'yun.
Nakahiga na ako sa kama at nakapikit na para sana matulog na nang namang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may dumating na mensahe. Agad ko itong inabot sa ibabaw ng table para makita kung sino ang nag-text.
From Unknown Number: Are you okay?
Hindi ko na lang pinansin ang text dahil baka na wrong send lang. Akmang ibabalik ko na ulit sa table ang phone ko nang may dumating na namang mensahe.
Unknown: Sleep well. Goodnight, my love!
Napakunot-noo ako. Baka isa 'to sa mga kaibigan ko at nagpalit lang ng numero.
Me: Who are you?
After 2 minutes.
Unknown: It's me.
Me: Do I know you?
Unknown: Maybe not, maybe yes?
Parang kumulo ang dugo ko dahil sa text niya. Ano daw? Maybe not, maybe yes? Baliw ata to, eh.
Hindi na ako nag-reply sa kanya at agad na nahiga sa aking kama para sana matulog na. Pero kahit anong pilit kong matulog ay hindi pa rin ako dalawin ng antok.
Naisipan kong lumabas na lang ng kuwarto ko.
Tahimik na ang paligid. Siguro ay tulog na rin 'yung mga katulong at ang mga tatlo kong bodyguards. Nakapatay na rin kasi ang mga ilaw sa buong bahay at tanging buwan na lang ang nagsisilbing liwanag. Hindi ko na binuksan pa ang ilaw dahil aninag ko naman ang nilalakaran.
Pagpasok ko sa kusina ay agad kong binuksan ang ref at kinuha ang isang bote ng tubig at agad kung tinungga ng inom. Pagkatapos kong uminom ay binalik ko ulit ang plastic bottle sa loob ng ref at isasara ko na sana ang ref pero hindi masara kahit anong pilit ko.
"Anong problema ng bwisit na ref 'to at ayaw magsara?" naiinis kong tanong sa aking sarili at inis na sinipa ang ref, dahilan para mapahiyaw ako sa sakit.
Rinig ko ang pagtawa mula sa aking likuran.
Mabilis akong lumingon para makita kung sino. Pero paglingon ko ay agad na tumama ang mukha ko sa matigas na dibdib.
Inis akong napaangat ng tingin, pero dahil sa may kadiliman ay hindi ko masyadong maaninag nang mabuti ang mukha ng taong nakatayo sa harap ko. Pero alam kong isa siya sa mga bodyguard ko.
Napatingin ako sa kamay niya na nasa taas at nakahawak sa ref. Tila uminit ang ulo ko sa nakita. Ibig sabihin ay siya pala ang pumipigil sa ref kanina kaya hindi ko masara dahil pinipigilan niya. At ngayon ay pinagtatawanan niya ako? Aba't talagang ang lakas din ng loob ng lalaking 'to!
Nasaktan pa ang paa ko dahil sa pagsipa ko sa ref na inakala kong sira 'yun pala pinpigilan niya.
"Gago ka, ikaw pala ang pumipigil sa ref. How dare you!" inis kong sabi at itinulak siya, pero balewala lang sa kanya ang pagtulak ko at nakatayo pa rin siya sa harap ko.
"Hoy ikaw! Umalis ka nga bwisit ka! Pinapainit mo ang ulo ko!" Pilit ko siyang tinutulak sa matigas niyang dibdib.
“Crazy girl,” bulong niya sa tainga ko at sinabayan ng mahinang pagtawa.
Mas lalo akong nainis. Base sa kanyang boses ay alam kong siya si Clark. At siya lang naman ang mahilig mang-inis sa akin.
Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang ilaw na kinagulat ko. Nang mapatingin ako kay Clark ay tila nagulat din sa biglang liwanag.
Pero mas lalong nagulat ang taong nagbukas ng ilaw nang makita kami.
"Jesus Christ! Mga batang ito!" gulat na sambit ni Mang Lando, ang aming hardinero at asawa ni nanay Pena.
Alam kong iba ang iniisip samin ni Mang Lando. Akala niya siguro ay naghahalikan kami ni Clark. Base kasi sa aming posisyon ay mapagkamalan talaga kaming naghahalikan. Nakayuko lang naman si Clark sa akin habang nkatukod ang isang braso sa ref, at ako naman ay nakatingala sa kanya. Kaya kung titingnan kami sa likuran ay para kaming naghahalikan.
"Mali po ang iniisip niyo, mang Lando! Wala po kaming ginagawang masama!" mabilis kong paliwanag kay Mang Lando at inapakan ang isang paa ni Clark. Rinig ko pa ang pag-aray niya dahil sa ginawa ko.
Dali-dali akong umalis sa tabi ni Clark para sana umalis na, pero agad din akong napahinto nang magsalita siya.
"Tama po si boss Rachelle, Mang Lando. Mali po ang iniisip niyo dahil hindi ko naman po siya hinalikan, kundi siya ang humalik sa akin!"
Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. What the f*ck!
Nang mapatingin ako kay Mang Lando ay palipat-lipat na ang tingin nito sa aming dalawa ni Clark.
Damn! Baka maniwala si Mang Lando sa mga sinasabi niya. Nakakahiya!
Alam kong gusto niya lang akong inisin kaya niya 'yun sinabi dahil alam niyang mananalo siya. Parang hobby niya na ata ang inisin ako.
Pwes nagkamali siya dahil hindi ako magpapatalo sa kanya this time. Kala niya ha!
Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa kanya habang matamis na nakangiti. Kita kong natigilan siya sa pagngisi ko na lihim kong kinahalakhak.
Pagkalapit ko sa kanya ay agad kong hinawakan ang kwelyo ng damit niya at hinila na kinayuko niya ng konti. Mga two inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin at langhap na langhap na namin ang hininga ng isa't-isa.
Nagtataka siyang napatingin sa akin. "W-what are you doing?"
Napangisi ako sa pagkautal niya.
“Masama ang mag sinungaling, Mr. Suplado. Kaya gagawin kong totoo para sa'yo...” malandi kong bulong sa tainga niya at binigyan siya ng Smack Kiss sa pisngi.
Gusto kong tumawa ng malakas nang makita ang kanyang reaction na parang natuklaw ng ahas at parang natigalgal sa kanyang kinatatayuan.
“Naku naman mga batang 'to talaga! Oh siya kukuha lang ako ng maiinom,” ani Mang Lando na umiling pa bago lumapit sa ref kung saan kami nakatayo ni Clark.
"Goodnight, Mr Suplado. Sana mapanaginipan mo ako mamaya sa pagtulog mo," malandi kong bulong sa kanyang mukha bago tuluyang umalis at iniwan siyang tulala.
Tawang-tawa naman ako habang umaakyat ng hagdan para bumalik na sa aking kuwarto.
"What's up, Boss?" tanong ni Terrence na pababa ng hagdan.
Ngumiti ako. "Nothing, my dear Terrence," sagot ko kay Terrence na nakatingin sa akin nang may pagtataka.
Akala siguro nito ay nababaliw na ako at natatawa na mag isa. Well, nakaganti lang naman ako sa supladong 'yun.
Hanggang sa makapasok na ako sa loob ng aking kuwarto ay hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa labi ko tuwing naaalala ang reaction ni Mr. Suplado.
Siguro wala pang nakakahalik na babae sa kaniya kaya ganoon na lang ang reaction niya.
Tsk... Kawawang De Zego.
Gwapo sana pero mukhang torpe naman pagdating sa mga babae.