NAKABIHIS na ako ng school uniform at ready na papuntang school. Kung noon ay excited akong pumasok, ngayon ay hindi na. Hindi ko pa rin kasi matanggap na may girlfriend na ang crush ko. Ang sakit lang tanggapin!
Pababa pa lang ako ng hagdan ay tanaw ko na ang tatlo kong bodyguards. Nakatayo silang tatlo sa tabi ng main door at nakasuot ng black suit na kinanganga ko.
Dali-dali akong bumaba para makalapit sa kanila.
Oh my god! Seriously?
Huwag nilang sabihin na sasama sila sa school ng ganyan ang suot nilang tatlo? Siguradong pagtitinginan na naman ako ng mga schoolmates ko nito, dahil sa lahat ng mga estudyante ay ako lang ang may mga bodyguards!
Agad akong namaywang sa harap nilang tatlo pagkalapit at tiningnan sila isa-isa. Nagtataka pa silang tumingin sa akin pabalik habang nakakunot ang mga noo at salubong ang mga kilay na para bang nagtatanong kung bakit.
"Ayuko sa mga suot niyo kaya mag palit kayo ngayon din!"
Nagsalubong ang mga kilay nilang tatlo sa sinabi ko.
"Are you serious? Teka, ano bang problema mo sa suot namin? Gwapo naman kami sa aming suot, ah?" Andro complained, ang palangiti sa kanilang tatlo. Pero this time hindi na ito nakangiti kundi nagtataka na ang kanyang mukha at salubong ang mga kilay habang nakatingin sa akin.
I rolled my eyes and crossed my arms to my chest. "Masyado lang naman pormal ang mga outfit niyo, and I don't want to be the center of the eye of every student in the campus. Got it? So just go and change. Hurry up!"
Akala ko susunod na sila sa sinabi ko. Pero nagkatinginan lang sila at hindi pa rin umaalis sa kanilang kinatatayuan, kaya hindi ko mapigilan ang hindi mainis.
"Pasensya na boss, ha? Pero bilang bodyguard mo ay kailangang naka-uniform kami. I'm sorry but we're just doing our job," may pagkamatigas na sagot ni Clark, ang pinakaseryoso sa kanilang tatlo.
Talagang kahit sa pagtatagalog ay may pagka-russian accent ang isang 'to. Palibhasa half russian!
"Fine! I'm not going to school if you guys don't change!" Maarte akong naupo sa couch at humalukipkip bago binigyan ng masamang tingin si Clark. Pero hindi ko inaasahan ang pagngisi nito sa akin.
Aba't talaga namang! Nang-iinis ba siya?
"Hey you russian, stop grinning at me! Huwag kang umasa na papasok ako today!" inis kong sabi at inirapan ito bago tumingin sa dalawa. "Andro and Terrence, magbihis na kayo ngayon din, dahil kung hindi niyo papalitan ang mga suot niyo, then hinding-hindi talaga ako papasok sa school." Ngumisi ako at sumandal sa inuupuan kong sofa habang nakadikuwatro pa rin ang mga paa.
Akala ko ay susunod na sila, pero parang balewala pa rin sa kanila ang sinabi ko at hindi pa rin umaalis sa harap ko. Napasimangot ako. Aba't talagang matitigas ang mga ulo!
"If that's the case, I'll just call your dad to tell him that you don't want to go to school," Clark said seriously and immediately snatched his phone from his pocket.
Mas lalo akong nainis dahil sa sinabi niya.
Pakiramdam ko ay naisahan niya ako at natalo. Ayuko namang malaman ni daddy na nagmamatigas ako, syempre ayokong mag-alala si dad.
I don't have a choice.
"Argh! Whatever!" I suddenly stood up and gave Clark a bad look before I walked out of the mansion while carrying my red school bag behind me.
Pagkaupo ko pa lang sa loob ng kotse ay bumukas ulit ang pinto at agad na nagsipasukan ang tatlo kong bodyguards na kinasalubong ng mga kilay ko.
"Hey you get out! Ride in the other car, not here! My driver will drive me to school!"
"We are here to protect you, boss. So we will ride here with you," sagot ni Terrence, ang pinakamaputi at may pagka-chinito sa kanilang tatlo.
Hindi ko maiwasan ang mapabuga sa hangin. Bakit feeling ko ay parang sila palagi ang nasusunod? Eh 'di ba nga ako ang boss nila? Argh! Talagang nakakainis!
Tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa, dahil mas lalo lang akong maiinis pagkausap sila.
Clark is driving the car and Terrence is next to him, while Andro is next to me in the backseat.
Nag-headset na lang ako at nakinig ng music sa aking phone.
When we arrived at the university, Terrence opened the door for me, so I immediately got out of the car.
Tulad nga ng inaasahan ko, nasa akin na naman ang halos lahat ng mata ng mga estudyante sa loob ng campus.
Sanay naman ako sa mga tingin nila sa akin, pero this time, lahat ng tingin nila ay nasa likuran ko na, o mas tamang sabihin na sa tatlo kong bodyguards sila nakatingin.
"Wow, who are those three handsome guys?"
"They look like models!
"OMG! Sobrang gwapo nila at ang hot pa!"
Rinig na rinig ko ang mga sinasabi ng bawat studyanteng nadadaanan namin.
Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong lalaki? Kung makapagsabi sila ng gwapo sa mga bodyguards ko ay para silang maiihi na sa sobrang kilig. Hays... Ang lalandi nila!
I stopped walking and faced my three bodyguards behind me. Napahinto din silang tatlo sa paglalakad at napatingin sa akin na para bang nagtatanong kung bakit.
"Just wait for me in the cafeteria and don't follow me anymore," I told them before I continued walking, but I immediately stopped when the half russian spoke.
"I'll go with you inside your classroom. I need to make sure you're safe," Clark said.
Hindi ko mapigilan ang mapabuga sa hangin. Ang kulit din ng isang 'to!
"Hays... Bahala nga kayo! Sumunod kayo kung gusto niyo!" Muli kong pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa nakarating ako sa aming classroom. Diretso akong pumasok sa loob at naupo.
Kitang-kita ko pa ang pagkausap ng professor namin sa tatlo kong bodyguards, hanggang sa umalis na si Clark kasama si Terrence, si Andro nalang ang naiwang pumasok sa loob ng classroom kasama ang professor.
"Ms. Hanson, isa lang ang maaari kong papasukin sa mga bodyguards mo, dahil baka maka-isturbo na sila sa class ko kung silang tatlo ang papasok."
Tumango lang ako sa professor at hindi na nilingon pa si Andro na agad na naglakad papunta sa may likuran ko.
Panay naman ang kalabit sa akin ni Gwen habang nagle-lecture ang professor namin.
"Trish, siya ba ang bago mong bodyguard?" bulong na tanong ni Gwen sa akin na tinaguan ko lang.
"Omg! Ba't ang gwapo niya? Pakilala mo naman ako sa kanya, Rachelle!" Hinapas pa ako ni Gwen sa braso ko.
"Tsk... Huwag ka ngang maingay," saway ko at pinanlakihan siya ng mata. Napanguso na lang si Gwen sa akin at tumahimik na.
Si Lexa ay sa kabila ang kanyang upuan kaya malayo-layo siya sa puwesto namin ni Gwen.
Pansin kong panay ang paglingon ng mga classmates kong babae sa aking likuran na akala mo'y naroon ang subject na kanilang sinusulat, kaya naman panay ang pagtikhim ng professor namin habang nagdi-discuss.
When our professor left, my two friends immediately came to me.
"Trish, may mga bago ka pa lang bodyguards?" tanong ni Lexa. "At ang popogi nila!"
"Yes," walang gana kong sagot. "At ayukong pag-usapan ang tungkol sa kanilang tatlo dahil nabubuwesit lang ako!"
Gwen frowned and hit me in the arm with her bag. "Ang harsh mo naman, girl! Ang gwapo kaya nila! Pakilala mo naman ako oh, please?"
Tsk. Ano naman kung gwapo sila? Nabubuwesit pa rin ako sa kanila.
Nang mapalingon ako sa aking likuran ay ganon na lamang ang pag-awang ng labi ko nang makita si Andro na napapalibutan na ng mga babae kong classmates. At ang loko, parang nakikipag-flirt pa!
"If you don't want to introduce me to him, then I'll be the one to introduce myself to your handsome bodyguard!" may pagka-maarteng sabi ni Gwen bago tumayo at lumapit kay Andro na napapalibutan pa rin ng mga babae kong classmates.
Damn! I don't know if he can still be called a bodyguard in his current situation. He's such a damn flirt!
"Let's go to the cafeteria, Rachelle."
Napabalik ang tingin ko kay Lexa na nakaupo sa tabi ko.
"Wait, aayusin ko lang ang gamit ko." Agad kong inayos ang aking mga notebooks at ipinasok sa aking bag.
Hindi nga pala ako kumain ng almusal kanina sa bahay dahil ayoko'ng makasabay ang tatlo kong bodyguards, kaya para tuloy akong nakaramdam ng pagkagutom ngayon.
Naglakad na kami papuntang cafeteria habang nasa likuran namin ni Lexa si Gwen at Andro na panay ang hagikhik. Pagpasok pa lang namin sa cafeteria ay ganoon na lang ang pagsimangot ko nang makitang wala ng bakanteng upuan. Hanggang sa napadpad ang tingin ko sa pinakasulok, kung saan naroon sina Clark at Terrence na seryoso lang nakaupo habang kinakalikot ang kanilang mga cell phone. 'Yung mga estudyante sa loob ng cafeteria ay panay ang lingon sa kanilang dalawa, pero parang wala naman atang pakialam ang dalawa kong bodyguards sa kanilang paligid, at mas naka-focus lang sa kanilang cell phone.
Ayuko sanang tumabi sa kanila, pero no choice ako kundi pumunta sa table na inu-ukupa nilang dalawa. Ayuko namang tumayo habang kumakain at baka mangatog pa ang mga tuhod ko.
Terrence immediately stood up when he saw me and gave me a sweet smile before pulling the chair for me. Buti na lang at sakto sa anim ang upuan.
"Hi, ako nga pala si Alexa Delereo at kaibigan ko si Rachelle. Kayo ang mga bodyguards niya, right?" pagpapakilala ng kaibigan kong si Lexa at naglahad ng kamay kay Terrence.
"Nice to meet you, my name is Terrence Gilbert," magalang na pagtanggap ni Terrence sa kamay ni Lexa.
"At ako naman si Gwenche Federon, Gwen for short. Nice to meet you guys!" nakangiting sabi naman ni Gwen bago tumabi ng upo kay Andro.
Napairap nalang ako sa pagpapakilala nila sa isa't-isa.
"Mamaya na nga kayo magpakilala sa isa't-isa," reklamo ko." Nagugutom na ako at ayukong tumayo, kaya ipag-order mo na lang ako. Clark, right?" tanong ko sa supladong seryoso lang nakaupo habang nasa cell phone pa rin ang attention. Nang marinig nito ang sinabi ko ay saka nag-angat ng tingin at ibinulsa ang hawak na phone.
"Trish, ang harsh mo!" Siniko pa ako ni Lexa, pero hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako sa suplado kong bodyguard.
Napatikhim si Clark bago tumayo nang wala man lang kangiti-ngiti at napakaseryoso pa rin ang mukha na akala mo'y isang robot.
"What do you want to eat?" seryoso niyang tanong sa akin.
Ngumisi ako. "Gusto ko ng fried chicken, pizza, burger, fries, macaroni salad, buko salad, kare-kare, adobong manok, spaghetti, popcorn, ice cream, at samahan mo na rin ng pineapple juice, strawberry juice, buko juice, orange juice, lemon juice and other soft drinks."
Pansin ko ang pag-awang ng mga labi nilang apat kasama na ang dalawa kong kaibigan. Pero si Clark ay seryoso lang nakatitig sa akin na para bang binabasa ang nasa isip ko.
"And I want you alone to buy everything I said, Mr. Clark De Zego."
Pansin ko ang saglit na pagsalubong ng kanyang mga makapal na kilay.
Lihim akong napangisi.
Ngayon ay makakaganti na rin ako sa pambu-bwisit niya sa akin kaninang umaga. Hmm. . . akala niya siguro ay hindi ako marunong gumanti. Tsk.. Kawawang De Zego. Gagawin kitang slave ko ngayon.
Humanda ka!