SUOT ang aking school uniform ay nagmamadali na akong bumaba ng aking kuwarto habang sukbit ang aking school bag sa aking likuran.
Pagkababa ko ay agad na bumungad sa akin ang tatlo kong bodyguards na nakaupo sa sofa. Napatingin sila sa akin, maliban kay Clark na nakatingin lang sa hawak na magazine at hindi man lang nag-angat ng tingin.
Pansin ko na hindi sila nakasuot ngayon ng suit kundi naka-short at sando lang. Naka-white sando si Andro at naka-black naman si Clark at Terrence. Pambahay na pambahay ang outfit nilang tatlo.
Oh No!
Huwag nilang sabihin na ganyan ang suot nila papuntang school ngayong araw? Talagang malilintikan sila sa akin!
"Teka! Ba't ganyan ang mga suot niyong tatlo?" kinakabahan kong tanong nang makalapit.
Mabilis na nag-angat ng tingin si Clark sa akin. "Eh ikaw ba't ganyan ang suot mo?" Ngumisi pa ito sa akin.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapabuga sa hangin. Argh! This Russian Philosopher! Ang sarap lang tirisin!
Napahawak ako sa aking baywang. "Niloloko mo ba ako, ha?"
Mahinang umiling si Clark habang naroon pa rin ang ngisi sa labi. "What? Of course not. I'm just asking you, Boss Rachelle." He laughs, parang tuwang-tuwa nang makita ang pagkainis sa mukha ko.
"Relax ka lang, boss. Huwag masyadong highblood at baka tatanda ka kaagad niyan," sabi naman ni Andro at sinabayan pa ng paghalakhak na akala mo'y may nakakatawa talaga kahit wala naman.
Napapikit ako at napabuga sa hangin. Heto na naman sila at pinagluluko na naman ako!
"Naku, Ma'am Rachelle, wala pong pasok ngayong araw. Napanood ko po sa balita kagabi na holiday daw po ngayon."
Napalingon ako sa nagsalita. Si Glays na may bitbit na tray at may nakalagay na tatlong baso ng kape na umuusok pa.
Si Glays ang isa naming katulong at matanda lang siya sa akin ng talong taon. Kamag anak din siya ni nanay Pena.
Napapikit na lang ako sa inis at napapadyak bago umakyat muli sa stairs para bumalik sa kuwarto.
Pinagloloko nila ba ako? Sana sinabi nila na wala palang klase, 'di sana hindi na ako nagsuot pa ng uniform. Nakakainis!
Pagkatapos kong nagbihis ay agad akong nag-text sa dalawa kong kaibigan. Tutal wala namang pasok ngayon ay naisipan kong ayain na lang sila manood ng cine at gumala.
To Lexa and Gwen: Hi guys, manood naman tayo ng sine today, since wala namang pasok.
Makalipas ang dalawang minuto ay agad na nag-reply ang dalawa kong kaibigan.
Gwen: Naku friend, sorry, hindi ako pwede today. May importante kaming lakad ni mommy.
Lexa: Sorry, Trish. May date ako today.
Napairap na lang ako sa mga nabasa kong text ng dalawa kong kaibigan. So ibig sabihin ay buong maghapon na naman akong magmumukmok nito at magkukulong sa loob ng kuwarto.
"Hija.." rinig kong tawag sa akin ni Nanay Pena na sinabayan ng pagkatok sa pinto ng kuwarto ko.
Walang gana akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Bakit po, Nanay Pena?" I asked.
"Magpapaalam sana ako sa iyo, hija. Kailangan kasi namin pumunta sa aming probinsya ngayong araw dahil namatay daw ang nakakatandang kapatid ng asawa ko, at kailangan kong isama si Glays."
Saglit akong natigilan. "Kailan po ang balik niyo?"
"Mga isang linggo siguro kami doon, hija."
Tumango na lang ako kay Nanay Pena. So ibig bang sabihin nito ay kami na lang apat ang matitira dito sa bahay?
Naisipan kong mag swimming na lang para hindi ako maboring.
Suot ko ang black short at black sport bra. Agad akong pumunta sa may swimming pool. Pagdating ko ay agad akong tumalon sa tubig at sumisid sa pinaka-ilalim ng tubig.
Pag-ahon ko ay agad kong nakita si Terrence na papalapit. Tingin ko ay magsu-swimming din ito dahil nakasuot lan ng swim trunks at walang damit pang itaas kung kaya kitang-kita ang mga abs na naglalabasan sa katawan nito. Parang nagulat pa ito nang makita ako, pero kalaunan ay ngumiti din at patakbong lumapit sa akin bago lumusong sa tubig.
"Hi boss."
Isang pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Hi, dear Terrence. Bakit nga pala hindi mo kasama ang dalawang unggoy?"
"The two monkeys are busy," Terrence replied while laughing.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ikaw din naman, ah? Unggoy kayong tatlo! Palagi niyo na lang ako iniinis!" nakasimangot kong sabi na mas lalo lang kinahalakhak ni Terrence.
"Hindi naman ako ang nang-iinis sa iyo, boss. I'm not Clark, okay?"
Ugh! Whatever! Pari-parihas lang naman kayong tatlo.
Hindi ko na lang siya pinansin at lumangoy na lang ako papunta sa pinakadulo ng swimming pool kahit na salita pa siya nang salita ay hindi ko na pinansin pa.
"Hey boss, hindi naman kita inaasar. Look I'm not Clark, okay? Ibahin mo naman ako sa kanya." Napasimangot sa akin si Terrence.
Natigilan naman ako. Well, he's right. Hindi naman siya si Clark na palaging nang aasar sa akin. Pero naiinis pa rin ako sa kanilang tatlo. Bago pa ako makasagot kay Terrence ay naunahan na ako ng malakas na boses.
“Boss Rachelle! Boss Rachelle!”
Napalingon ako sa lalaking sumisigaw. Anong problema niya? Kung makasigaw siya akala mo'y katapusan na ng mundo!
"What's up, bro?" tanong ni Terrence sa humahangos na si Andro.
"Kailangan natin mag grocery ngayon dahil walang laman ang mga ref. Wala tayong kakainin mamaya kung hindi tayo mag go-grocery,” sagot ni Andro na parang nahapo pa sa pagtakbo.
Oo nga pala. Wala nga pala ngayon ang mga katulong namin. Pero tinatamad akong lumabas ngayon, lalo na't nag su-swimming pa ako.
"Hindi ako sasama, kayo na lang."
Napatingin sa akin si Andro nang marinig ang sinabi ko, agad itong napailing sa akin.
"Hindi ka pwedeng maiwan dito, Boss. Delikado sayo ang mag isa dito," sagot ni Andro.
"Narito naman ako, sasamahan ko na lang siya dito sa bahay. Kayo na lang ni Clark ang mag grocery," agad na sagot ni Terrence.
"Hindi pwede! Doon tayo kakain sa labas for lunch. Kung hindi kayo sasama ay magugutom kayo dito dahil wala kayong kakainin!"
Agad akong napatingin sa nagsalita, si Clark lang naman na kakarating lang habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong white short at napakaseryoso na naman ng mukha. Pero hindi siya sa akin nakatingin kundi kay Terrence.
Sumimangot ako. "Nagsu-swimming pa ako, eh.. Pwede bang mamaya na lang?"
Napabaling ang tingin ni Clark sa akin nang marinig nito ang sinabi ko.
"Tsk.. Hindi ka mabubusog sa kakalangoy riyan! Pwede ka namang mag-swimming mamaya pagbalik, but now you need to get up. Because if you don't get up there, I will pour one thousand sacks of cement on the swimming pool so you won't be able to leave completely!"
Malakas na tumawa sina Andro at Terrence dahil sa sinabi ni Clark. Napamaang naman ako na parang hindi makapaniwala sa narinig. Ano daw?
Napakuyom ako ng kamao.
Ang kapal talaga ng mukha ng Clark na 'to! Sino ba siya sa akala niya? Kung umasta siya akala niya siya ang boss dito sa bahay. Ang sarap niya talagang sapakin!
"No! I'm not leaving here! You're not my boss to listen and follow you!" pagmamatigas ko habang nakatayo pa rin sa mababaw na parte ng swimming pool.
Napatango-tango si Clark. "Ah gano'n ba? Okay!" Ngumisi pa ito sa akin bago itinaas ang hawak na cellphone para ipakita sa akin. "Kung gano'n pala ay magpapa-deliver na lang ako ng mga semento—"
“—isusumbong kita kay daddy!" malakas kong sigaw na kinatigil niya sa pagsasalita. "Sige buhusan mo ng semento itong swimming pool, tingnan na lang natin kung hindi ka sisisantehin ni dad!" Ngumisi ako habang nakapamaywang sa loob ng swimming pool.
Sina Andro at Terrence ay tahimik lang pero hindi nawawala ang ngiti sa labi habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Clark.
"Oh? Natakot naman ako sa pagsusumbong mo, mahal na prinsesa.." Tumango-tango pa ito at sinabayan ng pagtawa habang nakatingin pa rin sa akin.
Kitang-kita ko ang dalawang dimple sa kanyang dalawang pisngi habang tumatawa. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapatitig sa kanyang mukha, hanggang sa bumalik muli ang kanyang itsura sa pagkaseryoso.
"Hindi ako masisisante kahit magsumbong ka pa sa daddy mo. Kaya umahon ka na riyan bago pa ako maka-order ng semento at maging statue ka sa loob ng swimming pool, Boss Rachelle."
Saglit akong napapikit habang nakakuyom ang kamao sa ilalim ng tubig at bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko.
Malapit na talaga ako sumabog sa lintik na Clark 'to. Talagang inuubos niya ang pasensya ko!
Ngumiti ako ng peke kay Clark. "Kung aahon man ako dito ay desisyon ko 'yun at hindi dahil sa utos mo, Mr. Suplado!"
Nagtawanan lang silang tatlo na para bang may nakakatawa sa sagot ko.
Napabuga na lang ako sa hangin at napilitang umahon sa swimming pool. Kitang-kita ko pa ang paglaki ng ngisi ni De Zego dahil sa pag-ahon ko.
"Wow! You're so sexy, Boss Rachelle!" manghang-mangha na sambit ni Andro na agad akong pinasadahan ng tingin.
“Of course, Andro. I was born sexy!” mataray kong sagot bago nagmartsang paalis. Pero bago ako umalis ay sinulyapan ko muna si Clark, ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin kahit konti.
Tsk... This damn Russian.