Chapter 2

1923 Words
WALA pa rin akong kibo habang nasa loob na ng kotse at pauwe na sa bahay. Alam kong nagtataka na sa akin ang driver namin dahil hindi ako makulit ngayon at hindi maingay. Tuwing sasakay kasi ako sa kotse ay gusto kong may malakas na sounds, 'yung tipong parang nasa loob lang ng bar sa sobrang lakas. Pero ngayon wala akong kibo habang nakaupo lang sa backseat ng kotse. Iniisip ko parin ang crush ko. Hindi ako makapaniwala na may girlfriend na siya at 'di hamak na mas maganda naman ako kumpara do'n. Hindi naman sa mayabang ako at nagbubuhat ng sariling bangko, pero 'yun talaga ang totoo. Mas maganda naman ako sa babaeng 'yun. Pagkahinto ng kotse ay agad na bumaba si Mang Lando, ang driver namin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Bumaba habang sukbit ang bag kong nasa likuran ko. Pero pagkababa ko ng kotse ay may nakita agad akong kotseng itim na nasa garahe. Daddy is here! Hindi ko mapigilan ang mapangiti at patakbong pumasok sa nakabukas na main door ng bahay. At tama nga ako dahil nakita ko agad si daddy pagkapasok ko pa lang ng pinto. Nakaupo si Dad sa couch at nakasandal habang nakapikit ang mga mata at parang inaantok. "Daddy!" malakas kong tawag at tumakbo papunta kay daddy. Agad namang naimulat ni Dad ang kanyang mga mata at ngumiti nang makita ako. Sinalubong ako ni dad ng yakap. I miss my dad so much! "Daddy, where's your pasalubong for me?" parang bata kong tanong. Napatawa si dad. "Nasa kuwarto mo na, princess. Hay naku . . .nagmana ka talaga sa mommy mo." Ginulo-gulo pa ni dad ang buhok ko na kinasimangot ko. Habang nakayakap ako kay daddy ay nakarinig ako na parang may tumikhim. Kaya mabilis akong bumitaw kay dad at napalingon para makita kung sino. Saka ko lang napansin na may nakaupo sa kabilang couch na tatlong lalaking nakasuot ng black suit. "Who are they, dad? Are they your new models?" tanong ko kay daddy habang nakatingin sa tatlong lalaki. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagbungisngis ng isa sa kanila na kinakunot ng noo ko. Wala namang nakakatawa sa tanong ko! "They are your new bodyguards, princess. Manang Pena called me yesterday that you almost got in trouble because of your escape to the bar the other night. And your bodyguard called me a while ago that you already fired him." I just pouted on what daddy said. Alam ko naman na makakarating talaga sa kanya ang pagtakas ko, kaya hindi na ako nagulat. "But daddy, I don't like bodyguards. Gosh! Too much attention in school, dad. It's embarassing to my schoolmates!" I complained. Even though the three of them are handsome, I still don't want to have a bodyguards. I am not a president at all. "Please, princess. Gusto lang kitang protektahan. Ayukong mangyari sa iyo ang nangyari sa mommy mo," pagpupumilit ni dad. Hindi na ako umangal pa. Kahit labag sa loob ko ay kailangan kong tanggapin. "Look at them darling, they are good looking. Tulad ng sinabi mo na ayaw mo ng pangit, kaya ayan na, sinunod ko na ang gusto mo. And they are also good when it comes to fighting. So I know they can protect you." I just rolled my eyes. So what if they are handsome? Ugh! Tiningnan ko silang tatlo at sininyasang tumayo gamit ang hintuturo ko. Kahit nagtataka ang mga mukha nila ay dahan-dahan naman silang tumayo mula sa pagkakaupo. "Gusto kong magpakilala kayo sa akin one by one." I said as I rolled my eyes. Nanatili akong nakaupo sa couch. Nakadikuwatro ang aking mga paa at nakahalukipkip ang dalawang braso sa aking dibdib. Napatayo naman sila ng tuwid sa sinabi ko at saglit na tumingin kay daddy bago nagsalita. "I'm Andro Defredo, 26 years old at your service, madamé." Pagpapakilala ng isang maputing lalaki na parang palangiti. Pansin ko kasi na parang kanina pa hindi naaalis ang ngiti sa kanyang labi. Tsk. Madamé my ass. "I'm Terrence Gilbert, 27 years old at your service, my princess!" Pagpapakilala naman ng isa na may pagka-chinito. Tingin ko ay hindi siya pure pinoy base sa itsura niya. "Pilipino ka o hindi?" Tanong ko habang nakatingala sa kanyang mukha. "H-huh?" I rolled my eyes. Is he deaf? "I'm asking you if you are a Filipino or not. Now answer me!" May pagkamataray kong sabi na kinatikhim nilang tatlo. "Half Japanese, half Brazilian, half Canadian and a half Filipino," Terrece replied. "Wow amazing!" Napatango-tango ako at napataas ang isang kilay. "Pero paano nangyari 'yun? Ang dami namang half-half." I rolled my eyes and flipped my long hair. Rinig ko ang muling pagbungisngis ng nagngangalang Andro. Napatikhim din si Dad sa aking tabi dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko sila pinansin at nakatingin parin ako kay Terrence at hinihintay ang kanyang sagot. "My mother is a half brazilian and a half filipino, and my father is a half Japanese and a half Canadian." Hindi ko maiwasan ang mamangha sa sinabi ni Terrence. Kaya pala kakaiba ang itsura niya dahil ang dami niyang half. Tanging pagtango lang ang nagawa ko bago tumingin sa isa pang lalaki na parang hindi filipino dahil sa green eyes niya. "I'm Clark De Zego, 27 year old at your service, my queen." Pagpapakilala naman ng isang matangkad at moreno'ng lalaki. Kulay green ang kanyang mga mata. Makapal ang kanyang kilay at may dalawang dimple sa magkabilaang pisngi. Kita ko ang dimple niya kanina nung ngumiti siya. "And what kind of half are you?" Mataray kong tanong na kinatikhim nito bago sumagot. "Half Turkish, half Russian and a half Filipino. My mother is a half Russian and- "—oo na tama na," pagputol ko sa paliwang niya at nag-iwas ng tingin dito. I don't like his green eyes. Parang nanghihigop ang kanyang mga mata. Agad ko silang binigyan ng tatlong mahinang palakpak at siniyasan nang maupo. "Okay good. From now on, tawagin niyo akong BOSS." Ngumuti ako ng peke at sumandal sa couch. "Marunong naman siguro kayong mag Tagalog kahit ang dami niyong half-half, right?" Sabay naman silang tumango sa tanong ko. Ngumiti ako sa kanila. Hindi ko alam kung matatawag bang ngiti ang lumabas sa labi ko. Pakiramdam ko kasi ay parang ngiwi na ang kinalabasan. Eh kasi naman, ayuko talaga ng mga bodyguards. Aaminin kong napakaguwapo nilang tatlo at napaka-hot nila. Pero kasi ayuko parin talaga ng bodyguards. "Sa guessroom ang magiging kuwarto niyo. Ipinaayos ko na kay manang Pena." Agad na nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay Dad. No way! "W-What do you mean, dad?" Kinakabahan kong tanong kahit alam ko na ang sagot. "They will live here to watch over you and ensure your safety. Mamaya ay aalis na naman ako papuntang China para makipagkita sa bago kong investor." I think I lost all my energy in my body dahil sa narinig mula kay Dad. Ibig sabihin ay makakasama ko sa iisang bahay ang mga bago kong bodyguards? Oh god! I think I don't have a choice but to accept these-my new bodyguards of mine. Paano na ako makakagimik nito kasama ang mga friends ko? At ano nalang ang mangyayari sa buhay ko kasama ang mga tipaklong na 'to? At talagang tatlo pa sila. Damn! After the conversation, I immediately went up to my room and lay in my bed even though I'm still in my school uniform. Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising ako nang maramdaman ko ang paghaplos sa aking buhok. When I opened my eyes, I saw daddy sitting on the side of my bed and I also saw him simply wiping his tears. "Daddy? Are you crying?" He immediately smiled at me. "I'm not crying, darling. I just miss your mommy, and I'm just worried about you. Pakiramdam ko kasi, napapabayaan na kita." I pouted. "Huwag niyo pong isipin na napapabayaan niyo na ako. Naiintindihan ko naman na busy lang kayo sa work niyo, daddy. I can take care of myself. Ako kaya si Rachelle Trish Hanson, ang nag iisang anak niyong Astig!" Daddy just laughed at what I said, that's why I also laughed too. Sometimes there are times when daddy gets emotional especially when mommy's name is mentioned. I really missed my mom too. Pagkalabas ni dad ay muli akong natulog dahil talagang inaantok pa ako. I just woke up when Nanay Pena calling me from outside of my room. So even if I'm lazy to get up, I still forced myself. I took a bath first before I went out of the room and went downstairs. Alam kong wala na si Daddy dahil ngayong gabi ang flight niya papuntang china. I feel sad again. It's like I've only been with dad for a few hours but he left immediately. Well, this is life what really is. Sometimes happy, sometimes sad. Pagkababa ko ay agad kong nakita ang tatlong malalapad na likod na puro naka white t-shirt habang nakaupo na sa harap ng lamesang may pagkain at tila ba ako nalang ang hinihintay. Pagkalapit ko sa kanila ay agad akong naghila ng upuan at naupo. Walang sabi-sabi akong sumubo ng pagkain. Hindi ko na sila tinapunan pa ng tingin dahil gutom na ako kaya agad kong binakbakan ang pagkain sa lamesa. Wala na akong pakialam kung nakatingin sila sa akin, basta kakain ako at wala akong pakialam sa kanila. "Oh, thanks god. Finally I'm full," nakangiti kong sabi bago inabot ang tissue at pinunasan ang aking labi. Tatayo na sana ako para umalis dahil tapos na akong kumain, pero nang mapatingin ako sa kanilang ay hindi pa nagagalaw ang kanilang mga pagkain at pawang nakaawang ang kanilang mga bunganga habang nakatingin sa akin na para bang hindi makapaniwala. "So what's the problem? Baka pasukan na ng langaw 'yang mga bunganga niyo!" Agad naman silang napaiwas ng tingin at parang pinipigilan ang ngumiti, maliban nalang sa nagngangalang Andro na nakuha pang humalakhak. Si Terrence naman ay pinipigilan ang matawa at tipid naman ngumiti 'yung nagngangalang Clark, the most serious among the three of them. "Anong nakakatawa?" Hindi ko mapigilan ang mainis. Hindi ko alam kung ano ba ang nakakatawa. Sabay pa silang napailing sa tanong ko. "You are so cool when you eat, boss. I thought you were like a princess when you act, but you're different!" Andro said while laughing and gave me a thumbs up. "Para siyang pusa ang cute habang kumakain," sabi naman ni Terrence bago sumubo ng pagkain. Hindi ko mapigilan ang mapubaga sa hangin. Ugh! What's their problem? "I'm allergic to cats, pero parang napasubo ata ako sa lagay ko ngayon," matigas na sabi naman ni Clark sa tamad na boses. Parang nahirapan pa sa pagtatagalog. Damn! Anong problema nila sa akin? Gosh! They are irritating. Pati ba naman ang kilos ko sa pagkakain ay kailangan nila pang pansinin? Oh god! I stood up. "Hey! The three of you listen to me carefully!" Namaywang ako sa harap nila at tiningnan sila isa-isa. "Huwag kayong makampanti kung ayaw niyong pahirapan ko kayo!" I shouted to them and immediately walked out. My god! It's their first day here at home and they already make my head hot! Pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yung pinagtatawanan ako sa hindi malamang dahilan. I feel insulted. Ano bang pakialam nila kung ganoon ako kumain? Parang nakakalimutan ata nila na nasa teritoryo ko sila. Tsk. Baka nakakalimutan nilang ako ang boss nila, at baka gusto nilang pahirapan ko silang tatlo. Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD