ISANG black denim shorts at red off shoulder blouse lang ang napili kong suotin at pinarisan ko lang ng white rubber shoes bago lumabas ng kuwarto.
Pagkababa ko ay nakabihis na ang tatlo kong bodyguards at tila ako na lang ang hinihintay.
Napatingin ako sa kanilang suot at saglit na natigilan.
Napakaguwapo nilang tatlo. In fairness, hindi sila naka-black suit ngayon. Naka black pants silang tatlo at naka rubber shoes. Si Andro ay naka white shirt, at si Terrence ay naka gray. Bago si Clark naman ay naka black polo na nakatupi hanggang siko.
Simple lang ang suot nila pero hindi maipagkakaila na napakaguwapo nilang tatlo. Kung hindi lang nila ako palaging binubuwesit ay masasabi kong napakaswerte ko at nagkaroon ng tatlong bodyguards na tulad nila.
Hindi ko na napigilan ang ngiti ko. "Ang guwapo niyo ngayon ah..."
"Of course I was born handsome," agad na sagot ni Andro.
I just rolled my eyes on him.
Tsk. Parang linya ko 'yun kanina ah? Pinulot lang niya.
"Kaya masuwerte ka na kami ang naging bodyguard mo, boss!" may pagmamayabang na sabi naman ni Terrence.
Nang mapatingin ako kay Clark ay tinaasan lang ako nito ng isang kilay, kaya tinaasan ko rin siya at inirapan bago nagmartsa palabas ng mansyon at sumakay ng kotse.
Pagkarating namin sa grocery store ay agad na kumuha ng cart si Andro. Sina Terrence at Clark naman ang kumukuha ng grocery at nilalagay sa cart.
Pansin kong napapatingin na sa amin ang ilang mga sales lady, o mas tamang sabihin na sa tatlong bodyguards ko sila nakatingin.
Pero ang tatlo ay parang wala namang pakialam sa mga babaeng tumitingin sa kanila at sige lang ang kuha ng dapat bilhin. Kasabay ko sa paglalakad si Terrence ng seryosong si Clark na kanina pa pasulyap-sulyap sa akin. Akala niya siguro hindi ko nahahalata ang pagsulyap niya habang kumukuha ng mga bibilhin.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Terrence.
"I'm not," walang gana kong sagot.
Hindi naman talaga ako okay ngayon dahil wala ako sa mood. Napilitan lang naman ako sumama dahil sa pagbabanta ni Clark. Baka kasi totohanin niya ang kanyang sinabi na bubuhusan niya ng semento ang swimming pool.
"Nakakatamad..." nakasimangot kong bulong at agad na napatingin kay Clark nang huminto ito sa paglalakad at tumitig sa akin.
Ano na naman kaya ang problema ng supladong 'to? Aasarin niya na naman ba ako?
Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil wala ako sa mood makipag-away. Tumingin na lang ako sa cart na tulak-tulak ni Andro.
"Hi handsome, can I get your phone number?"
Napahinto ako sa pagsunod kina Andro at Terrence nang marinig ang boses ng maarteng babae na humihingi ng number, at tingin ko si Clark ang hinihingian niya.
Pero nang mapatingin ako kay Clark ay hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang babae at nakatitig lang siya sa akin, kaya mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya at muling sumunod kina Andro at Terrence.
"Nagutom ka na ba, boss?" tanong sa akin ni Terrence habang kumukuha ng ketchup at nilagay sa cart.
"Hindi pa naman," walang gana kong sagot at muntik na akong mapahiyaw sa pagkagulat nang bigla akong lumutang dahil sa pagbuhat sa akin.
"Diyan ka na lang kung tamad kang mag lakad," ani Clark at nilagay ako cart na walang laman bago dahan-dahang itinulak.
Ang pagsimangot ko ay agad na naglaho at hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Nang mapatingin ako sa babaeng humihingi ng number ni Clark kanina ay nakasimangot na ito at nakatingin sa akin ng masama, kaya benelatan ko siya.
"What a brat!" rinig kong sabi ni Clark sa aking likuran na sinabayan pa ng mahinang pagtawa.
Pagkatapos namin bumili ng grocery ay dumaan muna kami sa isang sikat na restaurant.
"Ano kaya kung manood muna tayo ng cine bago umuwi?" Terrence suggested, katabi niya si Clark at katabi ko naman si Andro sa upuan.
"Oo nga nakakaboring naman sa bahay kung uuwe tayo agad. Ano sa tingin mo, boss?" tanong sa akin ni Andro.
Ngumiti ako. "Yeah, sure!" pagsang-ayon ko sa sinabi ni Andro bago tumingin kay Clark na seryoso lang kumakain. "What do you think, Mr. De Zego?"
Imbes na sumagot ito ay nagkibit-balikat lang at hindi man lang nag-angat ng tingin.
Tsk.. Napakasuplado talaga ng Clark na 'to. Mahal ata ang laway nito, ni hindi man lang makuhang sumagot sa tanong ko.
Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami ng mall para makapanood ng cine.
"Ako na ang bibili ng ticket." Agad na naglakad si Andro papunta sa bilihan ng ticket. Si Terrence naman ay agad na pumila sa bilihan ng popcorn.
"Clark, may tanong ako sa iyo at gusto kong sagotin mo ako," sabi ko kay Clark nang kaming dalawa na lang ang naiwan. "May girlfriend ka na ba?"
Saglit niya pa akong tinitigan at kinunutan ng noo.
"Why do you ask? Do you like me?" seryoso niyang tanong pabalik sa akin imbes na sagutin ang tanong ko.
Napairap naman ako. "Tsk... Nagtatanong lang may gusto na agad?" Hindi ko mapigilan ang mapatawa nang makita ang pag-asim ng kanyang mukha.
"Then don't ask! Hindi naman tayo close para sagutin ko ang tanong mo!"
Napaawang na lang ang labi ko. Talagang napakabastos sumagot ng supladong 'to! Magsasalita pa sana ako nang bumalik na sina Andro at Terrence.
"Romantic comedy ang binili kong ticket!" nakangiting sabi ni Andro at itinaas pa ang apat na pirasong tickets.
Pagkapasok namin sa loob ng sinehan ay agad na naupo ang tatlo kong bodyguards.
"Dito ka maupo sa tabi ko, boss," ani Andro sa akin.
Napangisi ako dahil makakatabi ko din si Clark kung uupo ako sa tabi ni Andro.
"Yeah, sure!" nakangiti kong sagot kay Andro bago naupo sa gitna nila ni Clark.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang palabas.
Tawang-tawa ako habang nanonood at panay ang hampas ko sa braso ni Clark. Alam kong nasasaktan na siya sa hampas ko pero nanatili lang siyang tahimik at nakatingin lang sa palabas.
Sina Andro at Terrence ay tawang-tawa din sa palabas pati na ang mga kasama namin sa loob ng sinehan. Si Clark lang ang nag-iisang seryoso na akala mo'y crime ang pinapanood.
"Hahaha! Nakakatawa!" natatawa kong sabi habang nakatingin sa malaking screen. Muli kong hinampas ng malakas ang braso ni Clark habang kunwari'y tumatawa.
Ngayon ay makakaganti na rin ako sa pamamagitan ng paghampas ko sa kanya. Palagi niya na lang ako binubuwesit nitong mga nakaraang araw, kaya gusto kong namnamin niya ang ganti ko ngayon. Humanda siya!
Akmang hahampasin ko ulit ang kanyang braso nang biglang nabitin sa ere ang braso ko.
"Nakakarami ka na," bulong ni Clark sa aking tainga habang hawak ang kamay ko.
"Bakit ba? Eh natatawa nga ako!" Pinilit kong bawiin ang braso ko sa mahigpit niyang hawak, ngunit kahit anong hila ko sa ay ayaw niya pa rin bitawan ang kamay ko.
“Kung natatawa ka, just laugh and don't hit me. It hurts, Rachelle.”
Lihim akong napabungisngis.
My gosh! I think nagagalit na siya at nasasaktan sa hampas ko.
"Oo na, bitiwan mo na ang kamay ko. Hindi na kita hahampasin."
Lihim akong napangisi nang binitiwan niya na nga ang braso ko. Muli kong binalik ang tingin sa palabas.
Makalipas ang ilang minuto ay muli akong tumawa habang nakatingin sa screen at malakas na hinampas ang braso ni Clark. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang kanyang pagdaing sa sakit na siya namang kinalaki ng ngisi sa labi ko. Pero hindi ko inaasahan ang paghila niya sa braso ko papunta sa kanya, kaya napasubsob ako sa kanyang malapad na dibdib.
Pag-angat ko ng tingin ay gano'n na lang ang pagkagulat ko nang unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Napakurap-kurap pa ako.
Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko na kinalaki ng mata ko at inaawang ng labi ko sa pagkagulat. Nang sandaling umawang ang labi ko ay siya namang pagpasok ng dila niya sa bibig ko at binigyan ako ng mapagparusang halik.
Para akong natuklaw ng ahas sa aking kinauupuan at hindi agad nakagalaw.
"Tapos na, boss Rachelle. I like the taste of your lips, lasang ampalaya!" bulong ni Clark sa tainga ko at sinabayan pa ng nakaka-insultong pagtawa.
Para naman ako natauhan at mabilis siyang itinulak.
Nang mapatingin ako kay Andro at Terrence ay naka-focus lang ito sa pinapanood at tila hindi napansin ang paghalik sa akin ni Clark.
"What now? Hampas pa, Boss Rachelle, dahil sisiguradohin kong may bayad ang bawat hampas mo sa akin..." muling bulong ni Clark sa puno ng tainga ko at nakupa pang haplosin ang pisngi ko na siya namang kinaiktad ko.
Saglit akong natulala at kalaunan ay napalunok. Hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang ako sa palabas.
Pero kahit nakatingin ako sa aming pinapanood ay wala pa rin doon ang attention ko kundi sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
My gosh! Bakit ganito?
Parang bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko!