Chapter 7

3269 Words
ALAS SINGKO na ng hapon nang makauwe kami sa bahay kasama ng tatlo kong bodyguards. Ngayon ay nakahiga na ako sa aking kama at kanina pa pabaling-baling ng higa. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay narito pa rin nakalapat sa labi ko ang labi ni Clark. Lintik na supladong 'yun. Sino ba siya sa akala niya para halikan ako? Ang kapal talaga ng mukha niya! Napabuga ako as hangin at bumangon. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa nilang. Tulog na kaya sila? Nang mapatingin ako sa aking pambisig na relo ay 8:23 PM na. Naisipan kong lumabas na lang at bumaba para humanap ng pwedeng kainin para sa dinner. Ngunit pagpasok ko ng kitchen ay agad akong napahinto sa pinto nang makita ang tatlo kong bodyguards. Naka-topless silang tatlo na kinaawang ng labi ko. Nakatalikod si Andro habang may hinuhugasan sa lababo. Si Terrence naman nakayuko at parang may hinihiwa sa lamesa habang nakatayo, at si Clark naman ay nakatalikod at may hinahalo sa isang kawali, at tingin ko ay nagluluto. Nakatalikod silang tatlo kaya hindi ko maiwasang pagmasdan ang malalapad nilang likod. My gosh! Anong meron? May cooking show ba? May paligsahan? Ba't napaka-hot nilang tatlo? Tumikhim ako para kunin ang attention nila, at nagtagumpay naman ako dahil sabay-sabay pa silang lumingon sa akin. "Good evening, my beautiful boss," nakangiting bati sa akin ni Terrence. "Nagutom ka na ba?" tanong naman ni Andro. Ngumiti ako at lumapit sa lamesa. "Anong niluluto niyo?" "Adobo boss," sagot ni Terrence at pinaghila pa ako ng upuan. "Alam kasi namin na hindi ka marunong magluto, kaya kami na lang ang magluluto kaysa magutom tayo," natatawang sabi ni Andro. Umupo ako at inirapan siya. "Marunong ako magluto, no! Baka mapa-wow ka pa sa sarap pagmatikman mo ang luto ko!" Well, hindi naman talaga ako marunong magluto. Ayuko lang talaga na magpatalo sa kanila. "Sige nga ikaw ang magluto nitong manok, tingnan natin kung marunong ka ba talaga," turo ni Andro sa manok na nasa ibabaw ng lamesa. Napatikhim naman ako at akmang sasagot na, nang biglang lumingo si Clark. "Huwag mo nang hamonin si boss brat, baka masunog pa ang buong bahay kung siya ang magluluto. Kawawa tayo kapag nangyari 'yun!" Umiling-iling pa ito na may kasamang satsat. Pakiramdam ko ay umakyat na naman lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko. Talagang palagi na lang akong iniinis ng Clark na 'to. Panira! Tumayo ako at namaywang. "Hoy Clark, makinig ka sa sasabihin ko!" Tinuro ko siya. "Mas masarap akong magluto kaysa sa iyo! Akala mo kung sino ka, ang yabang-yabang mo!" Ngunit ngumisi lang si Clark sa akin nang nakakaloko, kaya mas lalo lang nag-init ang ulo ko. "Makinig kayong tatlo! Kayang-kaya kong pritohin 'yang mga hotdog niyo kaya 'wag kayong magyabang!" inis kong sabi habang nakapamaywang at nakatingin kay Clark ng masama. Nagtaka ako nang bigla silang humagalpak ng tawa sa sinabi ko. Teka, anong nakakatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Parang wala naman. “Maawa ka sa junior namin, you brat!” natatawang sabi ni Andro. Saka ko lang na-realized ang ibig nilang sabihin kung bakit sila natawa. Magsasalita pa sana ako para sabihin na 'yung hotdog sa lamesa na binabalatan ngayon ni Terrence ang tinutokoy ko, kaso hindi na ako makapagsalita dahil sa lakas ng halakhak nilang tatlo. Napapadyak na lang ako sa inis at mabilis na nag-walkout. Narinig ko pa ang pagtawag ni Terrence sa akin pero hindi ko na pinansin pa at diretso lang ako sa paglabas ng kitchen dahil sa pagkainis. Argh! Bakit ba ako nagkaroon ng mga ganitong bodyguards? My gosh! Puputi agad ang buhok ko sa kanila. HINDI na ako lumabas pa ng kuwarto ko at nagkulong na lang sa loob. Siguro ay titiisin ko na lang ang gutom ngayong gabi dahil ayukong makita ang tatlo kong bodyguards, kumukulo lang ang dugo ko sa kanila. Nag-headphone na lang ako at nakinig ng music habang nakasandal sa headboard ng kama ko. After 20 minutes. Habang naka-headphone ako ay pansin ko ang paggalaw ng doorknob, kaya mabilis kong tinanggal ang headphone sa tainga ko. "Sino yan?" I asked. "Ako 'to, boss. Kakain na daw tayo at kailangan mo nang lumabas riyan para hindi ka magutom." Agad kong binato ng unan ang pinto pagkarinig ko sa boses ni Andro. "Ayukong kumain, kaya makakaalis ka na!" inis kong sagot. Nang hindi ko na narinig pa ang boses ni Andro ay nahiga na ulit ako sa aking kama, at akmang ilalagay ko na sana ulit ang headphone sa tainga ko nang may kumatok na naman sa aking pintuan. Inis akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Pagkabukas ko ay mukha agad ni Terrence ang bumungad sa akin. "Boss, kailangan mong kumain. Nakahanda na sa baba ang pagkain at ikaw na lang ang hinihintay." I rolled my eyes on him. "Ayuko ngang kumain, wala akong gana. Kaya makakaalis ka na," patay malisya kong sagot. Isasara ko na sana ang pinto nang bigla itong pigilan ni Terrence. "Kung ayaw mong bumaba ay hahatiran na lang kita ng pagkain dito sa kuwarto mo," wika nito bago umalis at iniwan ako sa pintuan. Napabuga na lang ako sa hangin at napailing. Siguro ay wala silang mapagtripan kaya kinukulit na naman akong lumabas. Hays! Nakakabuwesit! Akmang hihiga na ulit ako sa aking kama nang may kumatok na naman. Napapikit na lang ako sa inis at muling naglakad palapit sa pinto para buksan ang kung sino mang kumatok. Gosh! ganito ba talaga sila kakulit? Siguro kung may high blood lang ako ay baka matagal na akong patay. Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong natigilan. Mukha na ni Clark ang bumungad sa akin na ubod ng seryoso. "Ano? Aasarin mo na naman ba ako?" Tinaasan ko siya ng kilay, pero nakatingin lang siya sa akin ng walang emosyon. Pero muntik na akong mapatili sa gulat nang bigla niya akong binuhat. “Ano ba! Ibaba mo ako!” Nagpumiglas ako. "Tsk... Huwag kang malikot kung ayaw mong ihulog kita!" pagbabanta niya sa seryosong boses. Natigilan naman ako. Baka totohanin niya ang kanyang sinabi dahil napakaseryoso talaga ng mukha niya. Well, ngumingiti lang naman siya 'pag nang-aasar sa akin. Hindi na ako nagpumiglas pa at tumahimik na lang. Wala pa naman dito si daddy at mga katulong, kaya kawawa ako kung sakaling totohanin niya ang kanyang sinabi na ihuhulog ako, for sure magkandabali-bali ang boto kapag nangyari 'yun. Napakataas pa naman nitong stairs. Pagkababa namin ay agad kong nakita si Terrence at Andro na nakangiti sa akin habang nakaupo sa harap ng lamesang may nakahain na pagkain. Pero teka, anong meron? Nakapatay lang naman ang ilaw at tanging kandila lang ang nakasindi, at may apat na baso pa ng red wine. Agad akong inupo ni Clark sa bakanting upuan at naupo na rin siya sa tabi ko habang sa kabila naman ang dalawa. Nagtataka akong tumingin sa kanila. "Anong meron?" I asked. "Dinner with a candle lights," agad na sagot ni Andro at ngumiti pa sa akin. Napatango-tango naman ako. "Para naman tayong nag di-date nito." Pero napangiti lang sila sa sinabi ko at sinimulan nang kumain, kaya kumain na rin ako at lihim na napangiti. Gosh! Romantic dinner! Ano kaya ang sumapi sa mga tatlo kong bodyguards ngayon? s**t! Parang kinikilig ako sa effort nilang tatlo. Napaka-romantic! Pero nakaka-dalawang subo pa lang ako nang bigla akong natigilan sa aking narinig. Wo-oh, oh-oh Bálame como si fuera la última vez Y enséñame ese pasito que no sé Un besito bien suavecito, bebé Taki taki Taki taki, rumba! Muntik ko nang mailuwa ang pagkain sa bibig ko dahil sa narinig. What the f*ck! Seriously? Taki taki? Nang mapatingin ako sa kanilang tatlo ay sige pa rin ang subo nila ng pagkain na tila walang pakialam. Gosh! Romantic na sana, sinira lang ng kanta. Argh! Agad kong hinanap kung saan nanggagaling ang tugtog. Pagsilip ko sa ilalim ng lamesa ay saka ko lang nakita ang maliit na speaker kung saan nanggaling ang kantang Taki taki. Tuluyan nang nasira ang mood ko. Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umakyat sa aking kuwarto at hindi na sila pinansin pa. Palagi na lang nila inisira ang mood ko. Nakakainis! Habang nakahiga ako sa aking kama ay bigla namang tumunog ang cellphone ko na nasa aking tabi. Kumunot ang noo ko nang makitang new number ang nag-text. 09********* I know that you really want to see me, but I'm sorry, as of now I can't show myself to you. I rolled my eyes. I think pinagti-tripan na naman ata ako ng mga friends ko. Me: f**k you! I know you are Gwen? or maybe Lexa? But please stop bullshiting me! I'm not in the mood right now! Then I click the send button. Malakas akong napabuga sa hangin. Talagang dumagdag pa sa pambu-bwesit ang mga kaibigan ko, eh bwesit na bwesit na nga ako sa tatlo kong bodyguards tapos dadagdag pa sila. My gosh! Parang mas lalong umiinit ang ulo ko tuwing pumapasok sa isip ko ang mga bodyguards ko na wala nang ibang ginawa kundi mang-bwesit! After five minutes, the new number replied. 09********* It's me, your Redrose. Natigilan ako sa nabasa at nabitiwan ko rin ang hawak kong phone. Tama ba ang nabasa ko? O baka dinadaya lang ako ng mga mata ko? Of course I know who Redrose is. Siya lang naman ang palaging nagliligtas sa buhay ko tuwing nasa panganib ako, pero kahit anino niya ay hindi ko pa nakikita. Muli kong dinampot ang cellphone ko sa kama para makita ulit ang text message. Kasabay ng paghawak ko sa cellphone ko ay siya namang pagtunog muli nito. 09******** Can we talk? Napaawang ang labi ko sa nabasa. Nagmamadali akong bumaba sa aking kama at binuksan ang glass window ng kuwarto ko, pero pagdungaw ko sa bintana ay tanging madilim na paligid lang ang nakita ko at ang ilaw ng poste na nasa gilid ng kalsada, ni wala akong makita kahit anino ng tao. Muli akong bumalik sa aking kama at naupo bago dinampot muli ang phone. Me: I'm not in the mood, but if you really want to talk to me then come here and show me your face! Then I click the send button again. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako habang nakasandal sa headboard ng kama at naghihintay sa reply niya. Of course I really want to see him, matagal ko nang gustong makita ang taong palaging nagliligtas sa buhay ko. Hindi ko inaasahan na ite-text niya ako ngayon. Sana lang hindi ito prank. Akmang hihiga na ako sa kama nang biglang namatay ang ilaw sa loob ng kuwarto ko. Blackout ba? Maya-maya ay narinig ko ang tunog ng pagbukas ng bintana ng kuwarto ko na siyang kinalunok ko ng tatlong beses. Nanginginig kong kinapa ang phone ko para makita kong may tao ba dahil parang may pumasok sa bintana. Hindi ko naman makita dahil madilim, pero parang may narinig akong tunog. Nang makapa ko ang phone ko ay agad kong hinanap ang buhayan ng flashlight, pero nang akmang pipindotin ko na ang flashlight button ay naramdaman ko na lang na parang may umupo sa kama. Napasigaw ako sa gulat at biglang napatayo sa aking kama. "Aaaahh! Tulooooong! Tulo—" Hindi ko na natapos ang pagsigaw ko nang biglang may kamay na tumakip sa bibig ko. Sabay pa kaming napahiga sa kama ng taong may gawa nu'n, ako sa ilalim at siya naman sa ibabaw ko. "Shhh.. It's me..." bulong ng boses lalaki sa tainga ko. "I'm your Redrose." Napatigil naman ako sa pagpupumiglas dahil sa narinig. Unti-unti nang binitiwan ng lalaki ang pagtakip sa bibig ko. "R-Redrose? Ikaw ba talaga 'yan?" pautal kong tanong habang nakahiga pa rin sa kama. "You're not kidding me, right?" Mahinang tumawa ang lalaki. "I'm not kidding, sweetheart. I am really your night and shining armour," bulong nito habang hindi pa rin umaalis sa ibabaw ko. Napalunok ako. "A-Anong k-kailangan mo sa 'kin? b-bakit ka narito?" Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa 'kin dahil ngayon lang 'to nangyari, ngayon niya lang ako kinausap at ngayon lang siya pumunta dito sa loob ng kuwarto ko. Dati kasi ay hindi naman siya nagpaparamdam sa akin, sumusulpot lang siya 'pag nasa panganib ako, kaya hindi ko alam kung lalaki ba siya o babae. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako palaging pinu-protektahan. He chuckled. "Stop pretending, sweetheart.. I know that you really want to see me so bad, that's why I'm here. Aren't you happy?" Napagat ako sa pang-ibaba kong labi. Damn! Anong sasabihin ko? Hindi ko maintindihan pero parang bigla akong kinilig. Hindi man lang ako nakaramdam ng kahit konting takot man lang. Bakit parang masaya ako sa nalaman na isa pala siyang lalaki? My gosh! I think I'm not normal. "Huwag mong sabihin na natulog ka na, sweetheart?" he whispered again. Para naman akong natauhan at napatikhim. "C-Can I see your face? I want to see you..." pautal kong sambit sa mahinang boses. Langhap na langhap ko ang kanyang mabangong hininga na tumatama sa mukha ko. "Maybe next time, sweetheart. Not now but soon..." he whispered again. "I'm here because I just want to inform you that I will leave tomorrow morning." Kumunot ang noo ko. "Saan ka naman pupunta?" "Russia." Hinaplos nito ang pisngi ko na siyang namang kinaiktad ko. "Huwag kang lalayo sa mga bodyguards mo habang wala ako para hindi ka mapahamak. I promise, babalik agad ako within 2 wee—" Napatigil ang lalaki sa pagsasalita dahil sa malakas na katok mula sa pinto ng kuwarto ko. "Rachelle! Buksan mo 'tong pinto!" malakas na sabi ng boses ni Clark habang kinakalabog ang pinto. Sa gulat ko ay agad kong naitulak ang lalaki sa ibabaw ko na siyang kinahiga naman nito tabi ko. Rinig ko pa ang sunod-sunod nitong pagmura na parang hindi ata inaasahan ang malakas kong pagtulak sa kanya. "Rachelle! Ano ba! Sisirain ko 'tong pinto paghindi mo binuksan!" muling sabi ng malakas na boses ni Clark. "Boss, ayos ka lang ba?" tanong ng boses ni Terrence. "Boss! Sumagot ka! Bakit ka sumisigaw kanina? Ayos ka lang ba?" nalakas na tanong naman ng boses ni Andro at sinabayan pa ng malakas na kalabog sa pinto. Mabilis naman akong bumangon at akmang tatayo na pero agad akong napatigil dahil sa dilid ng paligid, wala akong makita. Hindi ko na alam kung saan ko na naihagis ang phone ko. "Damn! I need to go, sweetheart.." sabi ng lalaki, at hindi ko inaasahan ang paghalik nito sa aking pisngi na kinasinghap ko sa gulat. Hindi ko alam na nakakakita pala sa dilim ang lalaking 'to. Talagang alam niya kung saan nakapuwesto ang pisngi ko dahil nakuha niyang halikan. "S-sandali!" pagpigil ko sa lalaki at kumapa sa dilim. "Narito ka pa ba?" tanong ko nang hindi ko na siya makapa sa taas ng kama. "I really need to go, baka maabutan pa ako ng mga bodyguards mo.." sagot nito, base sa kanyang boses ay nakatayo na malapit sa bintana. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Hindi na sumagot pa ang lalaki, at nagulat na lang ako dahil sa biglang pagbukas ng pinto at kasunod nito ang pagliwanag sa buong kuwarto dahil sa pagbuhay ng ilaw. Gulat akong napatingin sa tatlo kong bodyguards. Napaawang ang labi ko at agad na nagpalinga-linga sa loob ng kuwarto ko, but redrose was not there anymore. Parang nakahinga ako nang maluwang kahit papaano. Patakbong lumapit sa akkin ang tatlo kong bodyguards na puno ng pag-aalala ang mga mukha. "Ayos ka lang ba?" magkasabay nilang tanong sa akin. Para naman akong robot na tumango sa kanila. "Ah, eh." napangiwi ako. "A-Ayos lang naman, guys... I'm okay..." Nag-thumps up pa ako sa kanila. "Eh bakit ka sumisigaw kanina?" tanong ni Andro habang nakakunot ang noo. "Ayos ka lang ba talaga? Sigurado ka?" tanong naman ni Terrence na agad na naupo sa tabi ko. Napatikhim ako at pinilit na ngumiti sa kanila. "B-Baka dinadaya lang kayo ng inyong mga t-tainga." Napaiwas ako ng tingin. My gosh! Hindi nila pwedeng malaman ang nangyari. "Bakit nakabukas pa ang bintana mo?" Napaangat ako ng tingin nang narinig ang tanong ni Clark. Nang mapatingin ako sa bintana ay ganoon na lang ang pag-awang ng labi ko ng makitang nakabukas nga. My gosh! What should I do? "Bakit hindi ka makasagot? Bakit bukas pa ang bintana mo ng dis-oras na ng gabi?" muling tanong ni Clark sa seryosong boses na para bang kinikilatis ako ng mabuti. Napatikhim naman ako. Para akong naubusan ng dapat isagot. Hindi ako makapag-isip ng idadahilan dahil sa mga tinging binibigay nila sa akin. Kaya ang ginawa ko na lang ay malakas akong humalakhak. Tawa ako nang tawa kahit hindi naman talaga ako natatawa, pero napatigil ako sa pekeng pagtawa nang mapansin na parang hindi naman sila naapektuhan sa pagtawa ko. "Ano'ng nakakatawa? Para kang baliw diyan!" inis na sabi ni Clark. Napailing-iling naman si Andro. "Baka sinapian, kawawa naman." "I think we need to call the albularyo," seryosong sabi ni Terrence. Napasimangot naman ako, pero pinilit ko pa rin ang ngumiti ng peke sa kanilang tatlo. "Kaya lang naman ako tumawa dahil naluko ko kayo, kasi ang totoo niyan, kaya ako sumigaw kanina ay dahil gusto kong isturbohin kayo, at kaya nakabukas ang bintana ay dahil gusto kong makalanghap ng sariwang hangin habang natutulog." Muli akong tumawa ng malakas at napahawak pa sa sarili kong tiyan para magmukhang totoo ang pagtawa ko. "Ang dali niyo pa lang maluko! Oh my gosh!” I laughed again. Sabay namang napailing sina Andro at Terrence, maliban na lang kay Clark na seryoso lang habang nakatayo at matalim ang tingin sa akin. "Hayss naman.. Makaalis na nga, inaantok na ako!" naiiling na sabi ni Andro bago lumabas ng kuwarto. "Sige boss, goodnight..." tamad na sabi ni Terrence bago sumunod kay Andro palabas. "May sasabihin ka pa?" taas kilay kong tanong kay Clark. Parang wala atang balak lumabas. "Ano'ng ginawa sa iyo ng taong pumasok dito sa kuwarto mo?" Mahina akong tumawa sa tanong niya. "Ano bang pinagsasabi mo? Eh wala ngang pumasok dito sa kuwarto ko!" pagsisinungaling ko. Seryoso pa rin ang tingin ni Clark sa akin na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Kanino galing 'yun?" Napatingin naman ako sa tinuro niya, at ganoon na lang ang pag-awang ng labi ko nang makita ang pulang rosas sa tabi ng unan. "Where did you get that, Rachelle?" mariin na tanong ni Clark at pansin ko ang pag-igting ng kanyang panga na tila ba may kinaiinisan. "B-Binigay 'yan sa akin ng crush ko kahapon sa school." Tumihikhim ako bago ngumiti sa kanya ng peke. "Ano? Nasagot ko na ba ang tanong mo?" Tinuro ko ang pinto. "Pwede ka nang lumabas." Napataas ako ng kilay dahil parang wala pa ata siyang balak lumabas. "Ano pang hinihintay mo? Labas na! Inaantok na ako!" Humikab ako bago nahiga sa kama nang patalikod kay Clark. "You can't fool me, Rachelle. Pwede mong maluko si Terrence at Andro, but not me!" Napaigtad na lang ako sa gulat dahil sa malakas na pagsara ng pintuan. Parang nakahinga ako nang maluwang nang tuluyan nang nakalabas si Clark, pero kahit ganon pa man ay hindi ko pa rin mapigilan ang hindi kabahan dahil sa sinabi niya. Tsk! Ba't parang galit siya? Well, hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Redrose. Hindi nila pwedeng malaman dahil wala naman akong balak na sabihin sa kanila. Muli akong napangiti at niyakap ang unan. My gosh! Kinikilig pa rin ako! I think Redrose was handsome based on his sexy voice. Nakakapagtaka kung sino siya at kung bakit niya ako pinu-protektahan. Ano kaya ang rason niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD