WALA akong kibo habang nakaupo sa loob ng kotse. Alam kong nagtataka na sa akin ang tatlo kong bodyguards dahil kanina ko pa napapansin ang pagsulyap-sulyap nila sa akin.
"Boss, are you okay?" Andro asked me.
I just nodded at him.
Wala ako sa mood ngayon dahil iniisip ko pa rin si Redrose. Kanina pagkagising ko ay agad kong tinawagan ang number niya pero hindi na makontak, ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi malungkot.
Pagdating sa school ay agad na akong bumaba ng kotse at hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ng pinto dahil parang naiihi na ako.
"Huwag niyo na akong bantayan hanggang classroom, hintayin niyo na lang ako sa canteen." Nagmamadali na akong umalis at hindi na hinintay pang sumagot ang tatlo kong bodyguard.
Parang puputok na ang pantog ko, ihing-ihi na talaga ako. Dumiretso agad ako sa loob ng restroom.
Pagkatapos kong umihi ay nag-retouch muna ako bago lumabas ng restroom. Pero nagulat ako nang pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Clark. Nakasandal ito sa pader habang nilalaro-laro sa kamay ang hawak na phone.
Tsk... Ano na naman kaya ang problema niya? Hindi ba siya nahihiya sa mga studyante at kailangan niya pa talagang maghintay sa pinto ng ladies room?
Nagmukha tuloy siyang p*****t sa ginagawa niya.
"Oh, anong ginagawa mo dito, Clark? Don't tell me nambubuso ka sa mga studyante?" walang buhay kong tanong na agad na napahalukipkip at tinaasan siya ng kilay.
Ngunit imbes na sumagot siya sa tanong ko ay nagulat na lang ako nang bigla niyang kinapa ang noo ko.
"W-What are you doing?" Napakurap-kurap ako.
"May masakit ba sa iyo? Gusto mo bang mag pahinga na lang sa bahay?" Pansin ko ang paglambing ng kanyang boses.
"Ano bang tanong 'yan?" I rolled my eyes on him. "Of course I'm okay, I'm healthy, and I'm beautiful. Kaya kung maaari ay alisin mo na ang kamay mo sa noo ko. Nakakailang na!"
Napatikhim naman si Clark sa sinabi ko at unti-unti nang ibinaba ang kamay mula sa aking noo. "Mukha kang matamlay kaya akala ko ay may masakit sa'yo." Napaiwas siya ng tingin sa akin.
Gosh! Mukha akong may sakit?
"Wala akong sakit no! Sige na papasok na ako, hintayin niyo na lang ako sa cafeteria." Napabuga ako sa hangin at iniwan si Clark.
Tsk. Mukha ba talaga akong may sakit? Hays! Siguro sa kakaisip ko sa Redross na 'yun ay nagmumukha na akong zombie. Napagkamalan tuloy akong may sakit ni mister suplado. Kung bakit naman kasi hindi ako masyadong nakatulog kagabi sa kakaisip sa Redrose na 'yun.
Pagdating ko sa classroom ay nakatayo na sa harap ang professor namin at may sinusulat sa blackboard, kaya walang ingay akong naglakad papasok at naupo sa aking upuan bago nilabas ang notebook at ballpen.
"Trish, bigyan mo naman ako ng number ni Andro."
Napatigil ako sa pagsusulat at tiningnan si gwen na nakaupo sa aking tabi habang kinakalabit ang isa kong kamay.
"Wala akong number ni Andro, at ayukong magkaroon ng number nila. Sa kanya ka manghingi ng number at 'wag sa akin, okay?"
Napasimangot si Gwen at hindi ko inaasahan ang paghampas nito sa braso ko. "Ang damot mo talaga! Ang sabihin mo ay ayaw mo lang ibigay sa akin eh.. Aminin mo na kasi!"
Napaawang ang labi ko at napatingin sa notebook na sinusulatan ko. Nadungisan na ng ballpen dahil sa paghampas ni Gwen sa braso ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, bigla na akong napatayo at hinarap si Gwen.
"Ba't ba ang kulit mo? Eh wala nga sabi! Wala akong number niya! Wala! Wala! Wala! As in wala!"
Para namang nataranta si Gwen dahil sa pagsigaw ko at sumenyas na 'wag akong mag-ingay. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang marinig ang malakas na boses ng professor namin.
"Ms. Hanson and Ms. Federon! Get out of my class now!"
Napa-awang ang labi ko sa narinig.
Wala na akong nagawa kundi ang tingnan ng masama si Gwen na pangiti-ngiti pa.
"Doon kayo mag chismisan sa labas! Masyado na kayong nakaka-istorbo dito sa class ko!" pahabol na sabi ng professor namin bago kami tuluyang nakalabas ng classroom.
Pagkalabas namin ay agad kong binalingan si Gwen. "Ayan! Napalabas tuloy tayo dahil diyan sa kadaldalan mo!”
Napanguso si Gwen. "Sorry na, Trish.. Hindi naman kasi ako ang sumigaw kundi ikaw kaya tayo napalabas."
Gosh! Ang sarap niyang sabunutan. Sa akin pa talaga ibinaling ang sisi.
Akmang sesermonan ko na siya nang bigla siyang nag-peace sign at ngumiti ng matamis. "Punta na lang tayo sa cafeteria, Trish. Para mahingi ko na ang number ng bodyguard mo."
Napabuga ako sa hangin at hindi makapaniwalang tumingin kay Gwen. "Ibang klase ka talagang babae ka, dinamay mo pa ako. Argh! Whatever! Bahala ka sa buhay mo!"
Gwen smiled at me. "Sige kung ganon, maiwan na kita. Bye!"
Wala akong nagawa kundi ang mapailing habang nakatingin kay Gwen na patakbo nang umalis para pumunta sa cafeteria kung saan naroon ang mga bodyguards ko. Napailing at naglakad na lang ako papunta sa puno ng mangga kung saan may bench chair akong nakita.
Ayoko munang pumunta sa cafeteria dahil baka i-interview na naman ako ng mga bodyguards ko kung bakit ako lumabas ng klase eh kakapasok ko palang, may pagka-sumbongero pa naman si Clark, at baka isumbong pa ako kay daddy na nag-skip ng class. Kaya naglaro na lang ako sa phone ko para malibang sandali.
Nang magsilabasan na ang mga estudyante ay naisipan kong tumayo na para pumunta sa cafeteria. Nakipag-siksikan pa ako sa dami ng studyante, pero muntik na akong matumba dahil sa malakas na pagbangga sa aking likuran ng kung sinuman.
Inis akong napaharap at sisigawan na sana ang kung sino man ang bumangga sa akin, pero imbes na magalit ay napatulala ako nang makita kung sino ang taong bumangga sa akin.
Walang iba kundi si Gian Zarlox, ang crush ko.
"I'm sorry miss, hindi ko sinasadya."
My gosh! Ang guwapo niya talaga.
"Miss, are you okay?"
Napakurap-kurap ako. "A-Ayos lang ako," sagot ko at agad na tumalikod dahil baka mapansin nito ang pamumula ng pisngi ko.
My gosh! Sino ba naman ang hindi magba-blush kung makabangga mo ang crush mo?
Aalis na sana ako nang bigla niya akong pigilan sa braso, kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Ah kasi, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Napakamot pa siya batok na parang nahihiya.
Napaawang naman ang labi ko sa narinig at lihim na mapangiti. Parang gusto kong tumalon sa sobrang kilig.
"I'm Rachelle Trish Hanson," nakangiti kong sagot bago muling tumalikod at patakbong pumunta sa cafeteria.
Pero akmang papasok pa lang ako sa pinto ng cafeteria nang bigla na lang ako napaatras dahil sa tatlo kong bodyguards na parang nagulat pa nang mabungaran ako.
"Narito ka na pala, boss Rachelle. Ano uuwe na ba tayo? Wala ka nang pupuntahan?" tanong ni Andro.
Napailing ako. "Wala na. Gusto ko nang magpahinga. Let's go!" Nakangiti akong tumalikod sa kanila at dire-diretsong naglakad papunta sa parking lot.
Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ng pintuan at ako na mismo ang nagbukas at pumasok sa loob ng kotse.
Habang nasa biyahe ay pangiti-ngiti lang ako at hindi pinansin si Andro na daldal nang daldal sa tabi ko. Si Clark ang nagmamaneho at katabi niya si Terrence sa unahan habang nasa passenger seat naman kami ni Andro.
"Alam mo boss, pansin ko na kanina ka pa pangiti-ngiti diyan nang mag-isa. Mukha kang may ing-ing!" naiiling na sabi ni Andro.
"What do you mean about ing-ing, Andro?" nakangiti kong tanong.
Napangiwi si Andro. "Eh kasi boss, ang ing-ing ay 'yung taong kulang ng turnilyo."
Napakunot noo ako. "Ano 'yun? Paano?"
Napakamot si Andrp sa batok. "I mean 'yung taong kulang sa pag-iisip, 'yun bang nahihibang na. Parang ganon." Sinabayan pa ni Andro ng mahinang pagtawa at nag-peace sign pa sa akin.
Ang matamis na ngiti sa labi ko ay biglang naglaho nang marinig ang sinabi ni Andro. Tila nag-akyatan lahat ng dugo papunta sa aking ulo lalo na nang marinig ang halakhak ni Clark at Terrence sa unahan.
Inis kong hinampas sa braso si Andro. "Walang hiya ka! Hindi pa ako nahihibang no! Kaya lang naman ako ngumingiti ay dahil may dahilan ako, gago!" Malakas kong paghampas kay Andro na panay ang salag sa kamay ko.
"Bakit ano bang dahilan mo, boss? May maganda bang nangyari sa iyo ngayong araw?" tanong ni Terrence.
Panay pa rin ang hampas ko kay Andro na tumatawa lang habang pinipigilan ang kamay ko.
"Kaya lang naman ako ngumingiti ay dahil napansin na ako ng crush ko!" sagot ko sa tanong ni Terrence at pinagkurot-kurot ang pisngi ni Andro.
"Aray! Ang sakit na, boss! Tama na! Baka sabunutan ka ni Gwen pagnakita niyang tinu-torture mo ako. Crush pa naman ako nu'n."
Pagak akong natawa sa narinig. "Ah talaga lang ha?" Pinilipit ko ang tainga niya na siya namang kinahiyaw niya sa sakit. "Gusto mo isabit ko kayong dalawa ni Gwen sa gate ng school?"
Panay lang ang tawa ni Andro habang pilit na pinipigilan ang kamay ko.
"Ano naman ngayon kung napansin ka ng crush mo?" tanong muli ni Terrence.
"Syempre masaya dahil may pag-asa na ako na maging girlfriend niya," diretso kong sagot habang nakatingin kay Andro na hawak na ang dalawa kong braso.
Pero sa hindi ko inaasahan ay ang malakas na pag-untog ng ulo ko sa upuan ng kotse dahil sa biglang pag preno, at muntik pa akong mahulog sa aking kinauupuan kundi lang ako hawak ni Andro.
"Ayus ka lang ba, boss?" magkasabay na tanong nina Terrence at Andro na puno ng pag-aalala.
Hindi ko pinansin ang tanong nila at inis akong bumaling sa driver seat kung saan si Clark nakaupo. "Hoy! Nanadya ka ba! Muntik na akong mahulog dahil sa biglaan mong preno!"
Napatingin sa akin si Clark. "I'm sorry, Rachelle. Nadulas kasi ang kamay ko. Next time mag seatbelt ka dahil baka madulas ulit ang kamay ko. Anyway narito na pala tayo," seryoso nitong sagot sabay baba ng kotse.
I'm speechless.
"Anyari do'n?" nagtatakang tanong ni Andro kay Terrence na nagkibit balikat lang.
Buti na lang at kutson ang upuan, kundi ay baka nagkaroon na ako ng bukol sa noo dahil sa pagkauntog.
Inis kong binuksan ang pinto ng kotse at patakbong sumunod kay Clark papasok ng mansyon.
"Mr. De Zego, tumigil ka!"
"Tumigil ka sabi! Stop!"
Ngunit parang bingi lang ito at tila walang narinig na ngayon ay papasok na ng kitchen. Inis naman akong sumunod.
Pagkapasok ko ng kitchen ay agad akong humarang sa harap ni Clark sa akmang pagbukas niya ng ref.
"Ano bang problema mo? Bakit bigla ka na lang nagpreno?"
Nakatitig lang siya sa akin, kaya parang nakaramdam ako ng pagkailang, pero hindi ko na lang pinahalata.
"Ano? Sabihin mo ang problema mo, kasi pansin ko parang napakaseryoso mo mula pa kanina. Alam kong seryoso kang tao, pero iba ang pagkaseryoso ng mukha mo today!" Napataas pa ang kilay ko habang nakasandal sa ref. "Bakit? Na-basted ka siguro ng taong gusto mo, no?"
Napahagikhik ako nang makita ang pag-asim ng mukha niya.
"Ano, Mr. Clark De Zego? Nabasted ka ngayong araw ano? Kaya masama ang timpla ng mukha mo." Napahalukipkip ako at napailing-iling sa kanya na may kasamang satsat. "Oh... My poor Clark, basted sa taong gusto niya!" Sinabayan ko ng mahinang pagbungisngis.
Pansin ko ang pag-galaw ng panga ni Clark na parang naiinis na sa mga sinasabi ko, kaya mas lalo akong napabungisngis.
Gosh! Ang sarap niyang inisin.
"I think hindi umobra ang kagwapohan mo sa babaeng gusto mo, poor Clark.." Napailing-iling ulit ako na parang awang-awa siyang tiningan. "Kawawa ka tala—"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla akong napasinghap dahil sa paglapit ng mukha niya sa akin.
"Mamaya na lang ako iinom ng tubig, nakaharang ka kasi at baka ikaw pa ang mainom ko imbes na tubig. Crush my ass! Baka hanggang talampakan ko lang 'yun!"
Naiwan akong tulala at nakatingin lang sa likod ni Clark na palabas na ng kitchen.
Napasimangot ako at napahawak sa sarili kong dibdib, parang kinabahan ako ng konti. Akala ko kung ano na ang gagawin niya. Hays naman.
Ano bang problema ng lalaking 'yun? Bakit niya dinadamay ang crush ko?
Duh! Hindi porke't nabasted siya ng babaeng nililigawan niya, eh pwede niya nang idamay ang crush ko.
Hmp... Mainggit siya! At least pinansin na ako ng crush ko, at kabaliktaran naman 'yun sa kanya. Hays buti nga sa kanya. Eh muntik pa akong mahulog kanina sa loob ng kotse dahil sa bigla niyang preno.