“Tiyong, kamusta raw ho ang lagay ni nanay? May doctor na ho ba kayong nakausap? May nag aasikaso na ho ba sa kanya?”
Sunod-sunod na tanong ni Izzy sa kanyang tiyo Oscar, nakababatang kapatid ng kanyang ina nang maabutan niya itong naka tayo sa tapat ng pinto ng ward ng ospital kung nasaan ang ina.
“Wala pa ring sinasabi ang mga doctor, Izzy. Naroon pa rin sila sa loob at nilalapatan ng lunas si mama mo-“
Hindi na pinatapos pa ni Izzy ang sasabihin ng tiyohin, sa halip ay nag mamadali na lamang siyang pumasok sana sa loob ng silid, ngunit hindi pa man ay mabilis na siyang pinigilan ng kanyang tiyong Oscar.
“Alam mong bawal tayo sa loob, Izzy. Dating gawi hindi ba? Dito lang tayo sa labas mag hihintay.”
Malumanay ang tinig na paalala nito sa kanya, nanlulumo namang napaupo na lamang si Izzy sa marmol na sahig ng ospital.
“M-magiging maayos naman si nanay ‘diba tiyong?”
Maluha-luhang tanong ni Izzy, nag pilit naman ng ngiti ang tiyohin bago sumagot.
“Oo naman, Izzy...
Tiyak kong magiging maayos si ate Hilda, hindi ba nga at nangako sa iyo si nanay mo na siya pa ang sasama sa iyo sa pagtatapos mo sa kolehiyo?
Baka ngayon mahina pa siya, tapos mamaya eh makukuha na agad niyong mag biro, katulad ng palagi niyang ginagawa tuwing dadalhin natin siya rito.”
Sa kabila ng labis na pagaalala ay nakuha pa rin namang ngumiti ni Izzy, sana nga ay ganoon, hindi niya itatangging hindi pa siya handang maiwan ng mahal niyang ina.
Lalo pa at sila na lamang dalawa, solong anak si Izzy, pitong taon siya nang mamatay sa aksidente sa kalsada ang kanyang ama, ngayon naman ay ang kanyang ina ang may sakit.
“Sana nga tiyong, sana nga...”
Pabulong na sabi ni Izzy saka wala nang nagawa kung hindi ang tahimik na lamang na umiyak.
--
Halos kalahating oras na rin silang nag hintay sa labas ng ward, nag hihintay ng balita mula sa mga doktor sa publikong ospital na iyon, pakiramdam ni Izzy, habang tumatagal ang bawat oras ng kanilang pag hihintay ay lalo lamang siyang hindi makahinga sa kaba.
Magiging maayos ka pa ma...
Magiging maayos ka pa ma...
Tahimik na dasal ni Izzy habang naka salampak pa rin ng upo sa sahig.
Halos manakit na rin ang kanyang lalamunan sa pag pigil ng iyak, mayamaya ay hindi na rin siya naka tiis pa at nagmamadali nang tumayo upang pilit na silipin ang ina sa loob ng silid, wala naman siyang makita o marinig man lamang dahilan upang lalo siyang kabahan.
Kulang na lamang ay mapatalon siya sa gulat nang mayamaya pa ay bigla na lamang bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang isang doctor.
Agad nanlumo si Izzy nang makita ang itsura nito.
“Izzy...”
Agad na tawag sa kanya ng doctor, kilala na rin naman siya nito, halos mag a-apat na taon na rin silang pabalik-balik sa kaparehong ospital, simula rin noon ay ang doktor na ang tumiingin sa kanyang nanay.
“D-Doc Martin, kamusta po ang nanay ko?”
Puno ng pagaalalang tanong ni Izzy, tinitigan naman siya ng doctor na para bang sinasabing may hindi magandang balita, ayaw mang mag isip ni Izzy ng negatibo nunit hindi na rin niya mapigilan.
“Sumunod kayo sa akin sa opisina, Izzy. Doon natin pag usapan?”
Malumanay ang tining na sabi ng doctor, mabilis namang tumango si Izzy bilang pag sangayon.
--
“Mag a-apat na taon na rin nating na dugtungan ang buhay ng nanay mo sa mga mahal na gamutan, maalubha na sakit ng nanay mo at alam mo naman iyon Izzy, hindi ba?”
Agad nahigit ni Izzy ang pag hinga matapos marinig ang panimulang sinabi ng doktor, ganun pa man ay pinili niya na lamang ang tumahimik at marahang tumango.
“Ngayon binigyan natin siya ng karagdagan pang mga gamot na iniinom niya naman nitong mga nakaraang buwan kasabay ng kanyang chemo therapy, ganunpaman, ikinalulungkot kong sabihin na ang mga gamot na ibinibigay natin sa kanya ay hindi na umi-epekto, nagkalat na rin ang cancer cell sa katawan niya, Izzy.”
Pakiramdam ni Izzy ay gumuho ang kanyang mundo matapos marinig ang impormasyong iyon, ayaw niyang mawalan ng pagasa, lalaban siya hanga’t kaya niya pa.
“K-kung ganoon po doc, a-ano pa po kaya ang pwede nating gawin para kay nanay?”
Pigil ang luhang tanong ni Izzy, maging ang kanyang tiyong Oscar ay tahimik lamang na isnag sulok at nakikinig.
“Isa na lamang ang pwede nating gawin para sa pasyente, operasyon na ang kailangan ng nanay mo Izzy, kaya lamang ang problema, ang ospital natin ay hindi gumagawa ng ganoon, kailangan natin siyang ilipat sa mas malaki at maayos na ospital, iyon lamang ay mas malaking halaga ng pera ang kakailanganin niyo.”
Deretsahang sabi ni Doc Martin, tila naman nabingi si Izzy sa narinig.
Iyong mahal na mga gamot ng kanyang ina kahot paano ay naigagapang niya iyon...
“Magkano ho kaya ang kakailanganin doc?”
Tanong ng kanyang tiyong Oscar na hindi na naka tiis pa at kusa nang lumapit.
Lalo lamang namang nanghina si Izzy nang marinig ang sagot ng doctor.
--
“S-saang kamay ng diyos naman kaya natin kukunin ang ganoon kalaking halaga, Izzy?
Ang hirap na ngan hanapin ng limang-libo paano pa ang isa’t kalahating milyon na kakailanganin sa opersyon ni ate Hilda?”
Puno ng pagaalalang tanong sa kanya ng kanyang tiyong Oscar.
Napabuntong-hininga naman si Izzy saka napatitig sa baso ng kapeng iniinom.
“H-hindi ko alam tiyong, pero g-gagawan ko ng paraan...”
“Siguraduhin mo lamang na kung ano man ang nasa isip mo eh hindi ka mapapahamak ha? Sapat nang ang nanay mo lamang ang narito at may sakit, huwag naman sanang pati ikaw eh ma-“
“M-mag iingat ho ako tiyong, sa totoo lamang naman ay hindi ko alam kung ano ang gagawin, p-pero ako na ho ang bahala...
H-hindi rin naman po ako gagawa ng kahit na anong ikapapahamak ko eh.
Tsaka huwag niyo po akong alalahanain, ang mahalaga ngayon ay ang lagay ni nanay.”
Mahabang litanya ni Izzy kasabay ng sandaling pag iisip ng iilang kakilalang mamaari niyang malapitan.
Agad na sumagi sa kanyang isipan ang bestfriend na si Carl Medina, kung mayroon man siyang taong pwedeng mahingan ng tulong ay si Carl iyon.
Nagmamadaling kumilos si Izzy upang sana kunin sa knayang bulsa ang kanyang lumang cellophone, balak niyang tawagan sana angbestfriend, ngunit agad ring nangunot ang kanyang noo nang makitang malalaglag sa sahig ang isang maliit papel.
Seth Santiago- President
Santiago Industries
Tahimik niyang basa sa pangalang naka sulat sa papel na nasa sahig pa rin, sa ibaba niyon ay ang numero at ang email ng lalaking naka banga sa kanya kanina.
“Santiago Industries?”
Wala sa sariling sabi ni Izzy.
“Ano ang meron doon? Natangap ka ba sa trabaho doon? Mahirap makapasok sa kumpanyang iyan, Izzy.”
Biglang sabi ng tiyong Oscar, napa angat naman ng tingin dito si Izzy.
“H-hindi ho tiyong, hindi ko nga alam na may ganitong kumpanya pala.”
“Ano ka ba, sa ilang taon mong pag hahanap ng trabaho, hindi mo ba narinig ang Santiago Industries kahit isang beses lang? Malaking kumpanya iyan, Izzy.
Kaunti lamang ang nakakapasok riyan dahil sa higpit.”
Sagot pa nito na tila ba masyadong maraming alam tungkol sa nasabing kumpanya.
Pero hindi iyon ang tumatakbo sa isipan niya.
‘Ibig sabihin ang naka banga sa akin kanina ay presidente ng isang malaking kumpanya?’
“Since you don’t want to be treated, call me anytime if you need anything.”
Mula sa kung saan ay tila echong muli niyang narinig ang sinabi ng lalaki kanina.
Sandali niyang pinakiramdaman ang sarili, mayamaya pa ay nagmamadaling dinampot ang papel sa sahig.
“Saan ka pupunta, Izzy?”
“M-mayroon lang akong tatawagan sandali, tiyong. Kung sakaling magising si nanay at hanapin ako, sabihin mo babalik ako kaagad.”
Sabi niya saka mabilis nang tumakbo palabas ng ospital na iyon.
--
Kasalukuyan siyang naka tambay sa isang karenderya sa tapat ng ospital, kulang na lamang rin ay matunaw na ang calling card niyang hawak dahil sa lagkit ng pag titig niya roon.
“Tatawagan ko ba?”
Tila isang baliw na tanong niya sa sarili.
“kung tatawagan ko naman, ano naman ang sasabihin ko?”
Dagdag niya pa.
Baka isipin pa ng lalaki na masyadong makapal ang kanyang mukha kung dito siya manghihingi ng tulong para sa kanyang ina gayong hindi naman sila nito magkakilala.
“Pero pakapalan na ng mukha ito Izzy, para kay nanay kailangan mong suungin lahat.”
Paalala niya sa sarili, mariin pa siyang napakpikit bago nag pipindot sa keypad ng kanyang cell phone.
Nahigit niya pa ang pag hinga bago lakas loob na pinindot ang call button.
Isang ring pa lamang ay halos manginig na siya sa kaba nang marinig ang baritonong boses ng sumagot sa kabilang linya.
“Hello? Who is this?”
“H-hello po? Si sir S-Seth Santiago po ba ito? A-ako po ito, si Isabel Vergara ho, iyong nabanga niyo po kanina.”
Halos hindi na makahinga sa labis na kabang tuloy-tuloy na sabi ni Izzy.
“Yes this is Seth Santiago, what do you need?”
Mariing nakagat ni Izzy ang pang ibabang labi nang marinig ang sagot ng lalaki, may kasungitan ang tinig nito na tila ba sinasabing- ang lakas naman ng loob mong tawagan ako.
Ganoon pa man ay pikit-mata pa ring nag sabi ng kailangan si Izzy.
“P-pwede ko po ba kayong makausap tungkol sa isang importanteng bagay? M-may ipapakiusap lamang po s-sana ak-“
“Where are you?”
Agad na putol nito sa kanyang sasabihin, mabilis namang sinabi ni Izzy ang lugar kung nasaan siya.
“Okay, stay there, I’ll be there in 15 minutes.”
Iyon lamang at pinagbabaan na siya nito agad.
Napa tanga na lamang naman si Izzy kasabay ng pagkataranta.
Kung bakit ba naman ganoon na lamang kabilis kausap ang lalaking iyon.
Hindi pa man naibaba ang cell phone ay tumunog na iyon, mabilis niya iyong sinagot nang makita ang Seth Santiago ang tumatawag.
“Actually no, if you are in position to travel, just take a cab and meet me in my condo, it’s close to where you are, I will text you the address.”
toot-toot