Chapter 1
"Isabel Vergara, sigurado ka bang maayos ka lang?"
Kunot na kunot ang noo habang matamang naka titig sa kanyang tanong ni Carl, ang kanyang best friend.
Nag pilit naman ng ngiti si Izzy saka mabilis na tumango
"Oo naman ano, bakit naman hindi ako magiging maayos?"
"Aba, Izzy. Tumitingin ka man lang ba sa salamin? Nakikita mo pa ba ang sarili mo? Aba mukha ka nang bangkay sa sobrang putla mo."
Naka ngusong sabi pa ni Carl na siya niya namang ikinatawa.
"Grabe, bangkay naman agad? Maayos lang talaga ako, promise! Siya nga pala, maraming salamat sa palibreng kape ah? Kaya talaga ikaw ang favorite kong best friend."
Ngising asong biro niya kay Carl, napa irap naman ang binata bago itinulak palapit sa kanya ang platitong may lamang muffins.
"Nang uto ka pa, para namang may iba ka pang best friend bukod sa akin, eh ako lang naman ang nag tya-tyaga sa katigasan ng ulo mo."
Agad napa nguso si Izzy sa kasungitan ng kaibigan, ganun pa man ay tinangap niya pa rin ang meryendang inilapit nito sa kanya.
Pasado alas 3 pa lamang ng hapon at kasalukuyan silang nasa coffee shop na kanyang pinapasukan bilang waitress, mabuti na lamang at break time niya nang dumating si Carl.
"Ang sungit mo yata ngayon, may regla ka ba?"
"Mag tigil ka nga, Izzy. Nakikita mong lalaking-lalaki ako mag tatanong ka ng ganyan, isa pa hindi ako masungit, aba kahiyt sinong malapit sa iyo yata ang makitang ganyan ang itsura mo ay mag iinit ang ulo."
Naka simangot pa ring sabi nito.
"Aray ha, kapag galing sa iyo parang ang labas eh ang pangit-pangit ko."
Sabi niya saka ito inismiran.
"Hindi ko sinasabing pangit ka, Izzy. ang akin lang naman mukha ka nang wala nang dugo sa putla, nag papahinga ka pa ba? Masyado kang subsob sa trabaho at pag aaral, sa edad mong bente-dos mukha ka nang trenta anyos at Pamilyado."
Sermon pa ni Carl, nag pilit naman ng ngiti si Izzy.
"Kailangan eh, tsaka nakakapag pahinga pa naman ako ah? Pagka tapos ng trabaho.
Siya nga pala, baka naman may alam kang tangapan oh, pwede mo akong samahan?"
Biglang tanong ni Izzy na siya namang ikinasimangot lalo ni Carl.
"Eh may sasakyan ka kasi, malaki ang matitipid ko sa pamasahe."
Hindi makapal ang mukha niya, sadyang kailangan lamang at sugurado naman siyang sanay na doon si Carl.
Halos pitong taon na silang mag best friend ng binata, ang pagkakaiba nga lang ay laking mayaman ito at siya naman ay laking ikwater.
"Izzy, may dalawa ka pang trabaho, pagka tapos nito may pasok ka pa hanggang mamayang alas dos ng madaling araw at may pasok sa ikwela ng alas sais ng umaga, balak mo bang mamahinga na ng tuluyan?"
Masama ang tinging tanong sa kanya ni Carl.
"Carl, alam kong nakakapagod, ako ang nag ta-trabaho eh, at alam mo rin kung gaano ko ka kailangan ito, kung pwede nga lang huwag nang mag pahinga eh."
Pilit ang ngiting sabi ni Izzy, napa iling naman ang binata.
"Alam ko, your mother is sick and needed an expensive medications, kaya lang ang akin lang sana naman huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo, sa pag papagod mo ng sobra baka ikaw naman ang magka sakit, you need to take a break, Izzy."
Mapait na napangiti si Izzy nang marinig ang katotohanang iyon mula kay Carl.
May sakit na cancer ang kanyang mahal na ina, alam niyang sa ginagawa niyang walang tigil sa pag kayod at wala na halos pahinga, baka mas mauna pa siya sa nanay niya.
Marahas na napa buntong-hininga si Izzy bago muling nag pilit ng ngiti
"Kaya ko, Carl... kaya ko pa kahit sobrang nakaka pagod na... hangga't kaya ko pa, hindi ako titigil ilaban ang buhay ni nanay.
Kahit ano gagawin ko, madugtungan lamang iyon ng kahit kaunting panahon pa Carl."
Seryosong sabi ni Izzy saka lakas-loob na sinalubong ng tingin ang nag aalalang kaibigan
--
"Izzy, pinapatawag ka ni sir Pete sa opisina."
Agad natigil sa pag pupunas ng lamesa si Izzy nang marinig ang sinabi ng katrabaho, kasabay niyon ang tila hindi maipaliwanag na kaba.
"H-hindi naman siguro ako tatangalin sa trabaho hindi ba?"
Wala sa sariling tanong ni Izzy.
Marami siyang kailangan ngayon, at hindi doon kasama ang mawalan ng trabaho.
Kulang na kulang pa nga ang kinikita niya sa dalawa niyang part time jobs para masuportahan ang ina.
"Uyy ano ka ba, baka my importante lang na sasabihin sa iyo, huwag ka ngang mag isip ng kung ano, siya puntahan mo na at nag hihintay iyon."
Naka ngiting sabi ni Chris, mabilis naman siyang kumilos.
Nag da-dalawang isip si Izzy kung kakatok ba siya sa pinto ng opisina ng boss o ano, hindi pa rin kasi mawala ang kaba niya.
Kanina pa rin siyang nag iisip kung may nagawa ba siyang masama o pumalpak ba siya sa trabaho ngunit wala.
Malakas siyang napa buntong-hininga bago lakas-loob na kumatok.
"Come in."
Rinig niyang boses mula sa loob bago niya pinihit ang siradura.
"P-pinapatawag niyo raw po ako sir? M-may problema ho ba?"
Bakas ang pag aalala sa tinig na tanong ni Izzy, ngumiti naman sa kanya ang may katandaan nang boss, saka lamang siya naka hinga ng maluwag nang umiling ito.
"Walang problema, mayroon ka lamang tawag dito, tingin ko masyadong importante dahil dito pa sa opisina mismo tumawag, kailangan mong tawagan pabalik."
Naka ngiti pa ring sabi ng boss bago iabot sa kanya ang telepono.
Ito pa mismo ang pumindot ng kung ano roon, agad siyang natahimik nang marinig iyong mag ring.
"Hello? Izzy ikaw ba ito?"
Pakiramdam ni Izzy ay kakawala sa dibdib ang kanyang puso nang ang boses ng tiyong Oscar niya ang marinig mula sa kabilang linya.
"A-ako nga tiyong, may problema po ba? kamusta po si nanay?"
"Iyon na nga, Izzy. Sinugod na namin sa ospital ang nanay mo."
"Saang ospital, tiyong papunta na ho ako."
Pigil ang luhang tanong ni Izzy, hindi na rin siya nag aksaya pa ng panahong sumagot nang sabihin nito kung saang ospital dinala ang ina.
Mabuti na lamang ay agad ring pumayag ang kanyang boss na paalis siya.
--
Lakad-takbo na ang ginawa ni Izzy makapag hanap lamang ng daraang jeep, tila wala na rin siyang pakealan pa sa dinaraanan sa labis na pagmamadali, malakas na lamang siyang napasigaw nang may isang magarang sasakyan ang bumusina sa likod niya, hindi na rin niya nagawa pang umiwas nang tumama ang bumper niyon sa kanyang balakang dahilan upang mapasalampak siya sa kalsada.
"A-aray..."
Mahina niyang daing bago pinilit ang sariling tumayo, ngunit hindi pa man ay nakita niya nang lumabas ang bag mamaneho ng magarang sasakyang naka bundol. sa kanya.
"F#ck, are you okay? Why the hell aren't you watching where you're going? You are in the middle of the damn road miss!"
Bakas ang galit sa tinig na sabi ng lalaking sa tantsa niya ay nasa edad trenta pataas, naka suot ito ng kulay itim na tuxedo, itsura pa lamang ay mukha nang mataman idagdag pang gwapo ito.
"P-pasenya na ho, nag mamadali lang... alam kong ako ang may kasalanan, ayos lang po ako-"
"Well then get the f**k up already, Ill be late on my mee-are you sure you are okay?"
Mula sa masungit na itsura ng lalaki ay agad iyong napalitan ng pag aala nang makita nito kung paano siyang nahirapang tumayo, naka ngiwi pa siya dahil sa sakit, mayamaya pa ay nagulat na lamang siyaa at natameme nang lapitan siya nito at maingat na binuhat.
"No you are not okay, and I am sorry miss, I need to take you to the hospital."
Maotoridad na sabi nito saka walang pakealam na isinakay siya sa sasakyan.
"H-hindi na ho kailangan, p-pero pwede niyo po ba akong ihatid sa ospital, nag mamadali po kasi ako."
Nakangiwi pa ring sabi ni Izzy, sandali pang napatitig sa kanya ang gwapong lalaki bago nag salita.
"Well if you insist, which hospital?"
Agad binangit ni Izzy ang pangalan ng ospital kung nasaan ang ina, wala namang naging sagot pa ang lalaki, sa halip ay tumango na lamang bago nag madaling sumakay at pinaandar ang sasakyan.
--
"My name is Seth Santiago. Pasensya na rin dahil nabanga kita. Nag mamadali rin kasi ako, I didn't mean to be rude too, I forgot to check if you were hurt, and sure you were, are you sure you don't want to be treated?"
Seryosong sabi nito habang sa kalsada nka tingin, napa angat naman ng ulo si Izzy saka marahang umiling.
"A-ayos lang po ako, hindi na po kailangan ng doctor, ako po si Izzi Vergara."
Pagpapakilala ni Izzy, nakita niya kung paanong natigilan ang lalaki at agad na npa tingin sa kanya.
"K-kilala niyo po ba ako?"
Wala sa sariling tanong niya.
"No, are you famous?"
Walang ganang sagot nito bago nag bawi ng tingin.
"H-hindi ho, parang kung tumingin ho kasi kyo eh parang alam niyo na dati pa ang pangalan ko."
Nahihiyang sabi ni Izzy saka muling napangiwi nang sandaling kumirot ang kanyang tagiliran.
"No, I do not know you."
Iyon lamang ang sabi nito saka natahimik.
Ilang minuto lamang ay nakarating rin sila sa ospital, nag mamadaling binuksan ni Izzy ang pinto ng sasakyan saka napa titig sa lalaki nang malamang naka lock iyon.
"You have a patient here or something?"
Tanong nito, marahan namang tumango si Izzy bilang sagot, saka nangunot ang noo nang walang sabing abutan siya nito ng isang maliit na papel.
"A-ano ho ito?"
Nakita ni Izzy ang sandaling pag tagis ng bagang nito bago siya matamang tinitigan.
Uri ng titig na pakiramdam niya ay hindi niya kayang tagalan, mabilis siyang nag iwas ng tingin sa lalaki.
"That is my calling card, since you do not want to be treated, just call me anytime if you need anything."
Walang reaksyong sabi nito, napa tango lamang naman si Izzy saka napa tanga sa sunod na sinabi nito.
"It's nice to 'finally' meet you, Izzy Vergara. See you around."