Halos maihi na si Izzy sa kaba habang naka upo at nag hihintay sa loob ng taxi na kanyang sinakyan, kanina pa rin siyang naka titig sa mensaheng mula kay Seth Santiago na halos masaulo niya na yata bawat letra sa ilang ulit niyang pag babasa.
“K-kuya, malayo pa ho ba tayo?”
Tanong ni Izzy sa taxi driver, sandali siyang napangiwi nang marinig itong mapa buntong hininga, hindi naman ito masisisi ni Izzy, wala pa yatang dalawang minuto ay mag tatanong nanaman siya ng kaparehong tanong.
“Limang minuto na lamang ho ma’am, traffic ho kasi kaya medyo matagal ang biyahe, mukha hong masyadong importante at mahalagang tao ang pupuntahan niyo ngayon.”
Lalo pang napa ngiwi si Izzie dahil sa katabilan ng driver, dahil na rin marahil sa labis na kaba ay hindi niya na rin naiwasan pa ang maging masungit, matalalim niya itong inirapan dahilan upang agad itong mag bawi ng tingin.
“Hindi naman ho kayo tsismoso niyan manong?”
“Eh pasensya na ho, hindi ko ho kasi mapigilang mag tanong, sa itsura niyo ho kasi ay mukha hong masyadong mahalaga ang pupuntahan niyo, paalala lang ho ma’am na kailangan niyo hong mag ingat lalo pa at hindi na maayos ang takbo ng mundo ngayon.”
Seryosong sabi ng driver, mapait namang napa ngiti si Izzy.
“M-may nanay ka pa ho ba manong?”
“Mayroon pa ho, malakas pa siya kahit matanda na, medyo sakitin lang kung minsan, dala na rin siguro ng edad, bakit niyo ho natanong?”
Muli pang napangiti sa kawalan si Izzy, maluluha-luhang pinili niya na lamang na sa bintana tumingin.
“K-kung ganoon ho eh maswerte kayo manong, matanong ko lang ho, hangang saan po ba ang kaya niyong gawin para sa nanay niyo?”
“Aba’y kahit ano ho siguro ma’am, nag iisa lamang naman ho ang nanay natin, kahit ano gagawin at ibibigay ko masuklian lamang ang hirap niya saakin noon.”
Proud na sagot ng driver, napatango naman si Izzy bago ito binalingan.
“Tama, ganoon rin ho ako manong, gagawin ko ho ang lahat para sa nanay ko, kahit na ano.
Kung tinatanong niyo ho kung anong sadya ko doon sa pupuntahan ko, pupunta ho ako roon para sa buhay ng nanay ko.”
--
Wala sa sariling nahigit ni Izzy ang pag hinga nang hindi pa man tuluyang nakaka baba sa taxi ay agad niya nang natanaw na nag lalakad palabas ng malaking building ang taong kanyang sadya sa lugar na iyon.
Naka pang business attire pa ito na tila ba isang napaka importanteng meeting ang pupuntahan, hindi niya tuloy mapigilang manliit sa sarili lalo pa at ang kulay itim na uniporme niya sa coffee shop ang kanyang suot, may mga mantsa pa yata ng kape at kung ano-ano pa iyon.
“Maam, nandito na po tayo.”
Pukaw sa kanya driver ng taxi, sandali pa siyang napalunok bago inabot rito ang kanyang bayad, ilang sandali pa ang ginugol ni Izzy bago nag lakas loob na bumaba ng sasakyan.
Dahil hindi malaman kung paanong ayos sa sarili ang gagawin, nag kasya na lamang si Izzy sa pag suklay ng magulo niyang buhok gamit ang kamay saka mapait na napa ngiti sa isiping kahit ano naman yata ang gawin niyang pag aayos ay wala pa rin namang mag babago, mag mumukha pa rin siyang katulong oras na lapitan niya ang lalaki.
“Isabel Vergara, it’s nice to see you again.”
Pakiramdam ni Izzy ay kakawala sa kanyang dibdib ang puso nang bigla na lamang mag salita sa kanyang likuran ang lalaking kanina lamang ay pinagmamasdan niya mula sa loob ng taxi.
“S-sir Seth Santiago, m-magandang gabi po.”
Tarantang pag bati ni Izzy sa lalaki, agad niyangnakagat ang pang ibabang labi ngmakitang hindi man lang ito ngumiti, sa halip ay nanatili itong seryoso at walang reaksyon.
“P-pasensya na po dahil sa biglaan kong pagtawag sa inyo, m-mayroon lamang po sana akong ipapakiusa-“
“Let’s not talk here.”
Tila tinatamad na putol nito sa sasabihin niya, napa tanga naman dito si Izzy.
“P-po?”
“I said let’s not talk about whatever you need here, we are in public and I refuse to have a word with you here, if you don’t mind, please come with me.”
Bagama’t tila may kasungitan sa tinig ay pormal pa ring sabi ng lalaki, nanatili namang tahimik si Izzy at piniling tumango na lamang bilang sagot.
“Very well, follow me then.”
--
Halos maihi si Izzy sa kaba habang tahimik na naka sunod at marahang nag lalakad sa wala pa ring reaksyong si Seth Santiago.
Hindi niya tuloy mapigilang mapa-isip kung marunong man lamang ba itong ngumiti, sa itsura at tindig kasi nito ay tila ito basta na lamang mananapak kapag nag biro ang kausap.
‘Ganito kaya ang epekto ng kayamanan sa isang tao? Nagiging parang tuod na’t mukhang nawawalan ng pakiramdam?’
Tahimik niyang bulong sa sarili, sa kabila ng nararamdamang kaba ay hindi pa rin napigilan ni Izzy ang pag silay ng isang tipid na ngiti sa labi dahil sa mga isiping iyon.
Ngiting agad rin namang nawala at napalitan ng mas matinding kaba nang huminto sa paglalakad ang lalaki sa tapat ng isang malaki at magarang pintoan.
“Relax, Isabele. I am not gonna do anything bad to you, I could feel how nervous you are on every pores of your skin.”
May inis sa tinig na sabi ng lalaki bago binuksan ang pinto, sandali pa siyang namangha nang wala man lang itong ginamit na susi o kahit na ano maliban sa hinlalaki.
Nag mukha tuloy siyang taong mula na napunta sa syudad.
“Are you just gonna stand there?”
Pukaw sa kanya ng masungit na lalaki, wala namang imik na nag madali na lamang sa pag pasok si Izzy kahit pa halos matumba-tumba siya dahil sa panginginig ng tuhod.
“Sit over there, and wait for me.”
Utos nito sa malamig na tinig bago nag lakad papasok sa isang pinto, tila naman isang pipi na tumango na lamang si Izzy bago sumunod, samantalang ang mga mata niya naman ay hindi halos matigil sa pag ikot sa pag tingin sa malaking bahay ng lalaki.
‘Gaano nga kaya kayaman ang taong ito?’
Tahimik na tanong niya nanaman sa sarili saka muling pasimpleng pinaikot ang mga mata sa kabahayan.
“Magandang gabi po ma’am, gusto niyo po ba ng maiinom?”
Mabilis na napa ayos ng upo si Izzy nang marinig ang tinig ng babae, naka suot ito ng unipormeng pang katulong at tila ilang taon lamang rin ang tanda sa kanya, ganoon pa man ay tila mas nag mukha pa rin itong tao kumpara sa kanya.
“T-tubig lang po, maraming salamat.”
“Ayaw niyo ho ba ng juice o kaya ay kape?”
Naka ngiting tanong ng babae, nahihiya naman siyang umiling bilang sagot, iyon lamang at iniwan na rin siya nito.
Wala pang limang minuto ay bumalik rin ito agad dala ang hiling niyang tubig, agad niyang tinangap iyon at nag pasalamat, dahil sa panunuyo ng lalamunan dahil na rin marahil sa matinding kaba ay inisang lagok niya lamang iyon, maubo-ubo pa siya nang mabilaukan nang bigla na lamang sumulpot sa harap niya si Seth Santiago, nakapag palit na ito ng isang fitted na kulay puting sando at itim na jogging pants.
‘Shuta, ang matso... tao pa ba ang isang ito?’
Namamanghang bulong niya sa sarili, hindi niya alam kung ilang beses siyang napalunok nang sariling laway, kakaubos lang ng tubig sa hawak niyang baso ngunit tila nauuhaw siya ulit.
“Stop staring at me.”
Walang reaksyong saway nito sa kanya dahilan upang agad siyang mapa bawi ng tingin.
“P-po? P-pasensya na po, h-hindi ko naman po kayo tinititigan eh.”
“Also drop the ‘po’, I know I am way older than you but there is no need for you to make me feel old, you are 22 and I am 35, not a huge difference isn’t?”
Mahabang litanya nito saka naupo sa pang isahang sofa sa tapat niya.
Sandaling katahimikan, mayamaya pa ay bahagyang naningkit ang kanyang mga mata nang mapag tanto ang sinabi nito.
“P-paano niyo nalaman ang edad ko?”
Puno ng pag tataka niyang tanong, pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang puso sa kaba nang makitang ngumisi ang lalaki.
“Lucky guess...”
Sagot nito sa isang malamig na tinig.
“Yet we are not here to talk about how old or how young we both are, state your business, Isabel Vergara.”
Deretsahang tanong nito, kung kanina ay sasabog ang kanyang puso sa kaba ngayon naman pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga.
Ilang sandali rin ang ginugol niya sa pag iisip kung paano niya nga bang sasabihin sa masungit na nilalang sa harap niya na kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kanyang ina.
Marahas niyang nahigit ang pag hinga kasabay saka mariing napapikit, sa kanyang pag mulat ay ang mapanuri at ang malamig na tingin ng lalaki ang bumungad sa kanya.
“A-alam kong hindi tayo magkakilala sir, ako lang ang babaeng ta-tatanga-tangang nabanga niyo sa kalsada kanina, p-pero g-gusto ko ho sanang humingi ng malaking tulong sa inyo para sa nanay kong nasa ospit-“
“How much, Isabel?”
Putol nito sa sasabihin niya, naroon pa rin ang mapanuring tingin nito na buong-tapang niyang sinalubong.
Para kay nanay...
Paalala niya sa sarili.
“M-malaking pera ho ang kailangan ng nanay ko para sa operasyon, h-hindi ko ho p-puwedeng hingin bilang tulong lahat iyo-“
“How much does your mother need, Isabel.”
Mariin niyang nakagat ang pag ibabang labi nang muli nanamang putulin ng lalaki ang sasabihin niya.
Nahigit ni Izzy ang kanyang pag hinga saka pabulong na nag salita.
“I-isa’t kalahating m-milyon ho, s-sir.”
Lakas-loob niyang sabi, nanatili namang tahimik ang lalake, tila siya isang naka bukas na libro na pinagaaralan nito, pilit ring binasa ni Izzy ang reaksyon ng kausap ngunit wala siyang nabasang kahit na ano maliban sa pagiging misteryoso nito.
“Money is not a problem with me, Isabel. I could earn that amount in just a few weeks maybe a month, I am not concerned about the money, in fact I can take care of all medical expenses that your mother needs... however...”
Seryosong sabi nito, hindi na halos huminga si Izzy sa labis na kaba sa pag hihintay sa kasunod nitong sasabihin, at kung maari lamang niyangiuntog ang sariling ulo sa marmol na sahig ay ginawa niya na matapos marinig ang kasunod ng sinabi nito.
“What can you do to pay me back, Isabel Vergara?”
“K-Kahit ano s-sir Seth, k-kahit ano gagawin ko kapalit ng tulong niyo para sa nanay ko.”
Puno ng kaseryosohan at matapang niyang sagot, mas lalo namang tumalim ang titig nito sa kanya kasabay ng tanong na hindi niya inaasahan.
“Anything huh? Then that basically mean you will do anything I want you to do...”
Seryong tanong nito habang hindi pa rin inaalis ang malagkit at matalim nitong titig sa kanya.
Mabilis namang tumango si Izzy bilang sagot.
“Hm, I don’t have anything in mind, Isabel Vergara, so let me ask you instead, what can you give a man who already has everything?”
Muli pang napalunok si Izzy bago sinalubongang tila puno ng panganib nitong mga tingin.
“I-Isang gabi, Seth Santiago... Isang gabi sa piling niyo, wala akong ibang maibibigay kung hindi ang sarili ko, desperada man kung pakingan pero katulad ng sinabi ko kahit ano gagawin ko para sa nanay ko...”
Buong tapang niyang sabi kahit pa siya mismo ay hindi rin sigurado.
“M-maari mo akong angkinin ng isang buong gabi, tulungan mo lamang ang nanay ko.”