Mabilis na napamulat ng mga mata si Izzy nang marinig ang sunod-sunod na mga katok sa pinto, babangon na sana siya upang pag buksan iyon nang agad ring matigilan matapos mapansin ang mabigat na brasong nakadagan sa kanyang baywang. Kinakabahan at dahan-dahan niyang sinulyapan ang katabing tila panandalian nawala sa kanyang isipan nang makatulog siya kanina. Sa kabila ng pagkataranta dala ng kung sino man ang tao sa labas ay hindi niya pa rin napigilan ang sariling mapa ngiti nang sandaling mapagmasdan gwapong mukha ng katabi, mahimbing ang tulog nito, maamo ang mukha at tila ba hindi aakalaing isa ito masungit at madalas ay walang reaksyon ang mukha sa tuwinang gising. Ilang sandali pa ang ginugol niya sa pag titig kay Seth Santiago, kung hindi pa nga lamang niya narinig ang muli nanama