Chapter 7

1564 Words
s**t… Tahimik na pag mumura ni Izzy matapos mabasa ang maikling text message na iyon na pinadala ng lalaking bagaman at tinulungan ang kanyang ina ay alam niya pa rin masama ang ugali. Seth Santiago… Sa lahat naman ng araw bakit ngayon pa nito naisipang ayain siyang mag ‘lunch’ sa bahay nito? Ngayon pa kung kailan wala siyang maidadahilan sa mga kasama. Malakas na napa buga ng hangin si Izzy sabay inilipat ang tingin sa naka ngiting ina. Gumanti naman siya ng ngito dito bago dahan-dahan itong nilapitan habang pasimpleng ibinubulsa ang kanyang cell phone. “May problema ba, anak?” Bakas pa rin ang pang hihina sa boses n tanong ng ina. “W-wala ho nay… M-maayos na po ba ang pakiramdam niyo?” “Medyo maayos na, masakit lang ng kaunti ang sugat ko pero maayos naman na ang pag hinga ko…” “M-mabuti naman po kung ganoon, hayaan niiyo, pag labas mo po dito, sigurado akong wala ka ang daramdaming sakit, alam ko po na mag tutuloy-tuloy na ang pag galing niyo, ‘nay…” Pilit pa rin ang ngiting sabi niya sa ina, sa kung anong dahilan ay agad binalot ng matinding konsensya ang buong pagkatao ni Izzy nang makita ang saya sa mga mata ng ina. Konsensyang pilit niyang itinatago sa likod ng malaki niyang ngiti na agad ring nadagdagan nang muli itong mag salita. “Oo, sana nga ay ganoon ang mangyari, pipilitin ko rin naman ang mag pagaling nang hindi naman nakaka hiya doon sa charity na sinasabi mong tumulong sa atin…” Wala sa sariling nahigit ni Izzy ang pag hinga nang bangitin nito ang kasinungalingan niya, sabay napatingin kay Carl na bagaman at nanatiling tahimik ay bakas pa rin ang pagka dismaya sa mga mata nito. “At siya nga pala, pwede mo bang tawagan ang namumuno sa charity na nilapitan mo, anak? Gusto ko sanang ako mismo ang mag hatid ng pasasalamat sa kanila.” “Naku maganda nga iyan, ate Hilda, hayaan mo at pati ako qay makiki pasalamat na rin sa kanila. Hindi biro ang isa’t kalahating milyong tulong sa pag papagamot mo, mabuti na rin na iparating natin sa kanila ang malaki nating pagpapasalamat.” Masayang dugtong pa ng kanyang tiyong Oscar na labis namang ikinabahala ni Izzy. Sinong tao naman kaya ang kanyang tatawagan gayong wala naman talagang ganoong charity? Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng kasinungalingan ay iyong napakahirap pang lusutan ang napili niyang sabihin sa kanyang pamilya? Dahil sa kawalan ng maisasagot ay wala sa sariling napakamot na lamang ng noo si Izzy, tila nahata naman iyon ng kanyang best friend, anong pasasalamat niya nang saluhin siya nito. “Naku ‘nay Hilda, tiyong Oscar mukhang mahirap pong tawagan ang namumuno sa charity na nilapitan ni Izzy, pero hayaan niyo ho at susubukan kong gumawa ng paraan para makausap niyo sila.” “Aba… Ikaw ba ay kasama nitong si Izzy sa pag lapit at pag hingi ng tulong doon?” Tanong ng ina, sandali pa silang nagka titigan ni Carl bago ito mabilis na tumango. “Oho, sinamahan ko ho si Izzy, alam niyo naman ho itong anak ninyo, masyadong mahiyaiin pag dating sa pakikipag usap ay agad tumitiklop…” Pagsisinungaling ni Carl dahila upang tila lalong tumindi ang nararamdamang konsensya ni Izzy. Pakiramdam niya kasi, dahil sa malaking kasinungalingan niya na hyindi niya man gustuhin ay nadadagdagan nang nadaragdagan ng marami pang kasinungalingan, maging ang kanyang best friend na si Carl na kung tutuosin ay wala namang kaalam-alam sa mga nangyayari ay nadadamay pa sa ginawa niyang kalokohan. Sa ikalawang pagkakataon ay muling napa buga ng hangin si Izzy kasabay ng muli nanamang pag tunog ng kanyang celphone. Ngunit sa pagkakataong ito ay ibang numero na ang tumawag. ”H-hello po?” Nag tataka niyang sabi nang sagutin iyon. “Hello po, si ma’am Izzy po ba ito?” Sabi ng hindi pamilyar na tinig sa kanilang linya. “O-opo, ako nga po, sino po sila?” “Eh ma’am si Robert ho ito, driver po ako ni sir Seth Santiago, na-pagutusan ho kai akong sunduin kayo, nanito po ako sa may labasan, sa itim na sasakyan ho. Nag hihintay po kasi si sir eh…” Mahabang sabi nito, muli namang napamura si Izzy dahil sa tila paalalang iyon. Tila nawala kasi sa kanyang isipan ang text ni Seth kanina. “O-opo… Papunta na po, s-sandali lang…” Halos pabulong niyang sabi bago nag mamadaling pinatay ang tawag. “May poblema ba?” Nag aalalang tanong ng ina, mabilis namang umiling si Izzy sabay nag pilit ng ngiti bago sumagot. “W-wala ho, sa- sa trabaho lang..” Pagsisinungaling niya nanaman. ”Ah, akala ko naka leave ka hangang makalabas si ate Hilda?” “I-iyon nga rin ho ang akala ko eh, k-kinulang daw ho kasi ang staff ng coffee shop ngayon, k-kailangan ko pong mag punta doon, p-pero sa tingin ko naman ay hindi naman po ako mag tatagal doon, s-sayang rin naman ho kasi ang ilang daang kikitain ko doon.” Kulang na lamang ay kagatin ni Izzy ang sariling dila dahil sa pagsisinungaling, kung pwede niya lamang naman kasing sabihin ang totoo sa mga ito na hindi siya malalagay sa alanganin, kaya lamang ay hindi ganoon kadali iyon. Kaya’t ayaw niya man, mapipilitan at mapipilitan pa rin siyang mag patuloy sa pag sisinungaling sa mga ito. “Oh ‘di siya sige, mag madali ka na sa pag punta at baka hinihintay ka ng boss mo, ako na muna ang bahala kay nanay mo.” Sabi ng kanyang tiyong. “Ihahatid na kita.” Agad siyang binalot ng pagkataranta sa alok na iyon ni Carl kasabay ang sunod-sunod na pag iling. “H-hindi na… Marami namang jeep ang nadaan dito eh, mag jeep nalang ako para maka tipid ka na rin sa gasolina.” Tanggi ni Izzy sa best friend na labis naman nitong ipinag taka. Hindi naman na iyon pinag tuonan pa ng pansin ni Izzy, sa halip ay nag mamadali na lamang na nilapitan ang ina sabay hinalika ito bago nag mamadali nang umalis. -- Agad nahigit ni Izzy ang pag hinga nang pag labas pa lamang ng ospita ay isang magara ang halos nangingintab sa kinis na kulay itim na sasakyan agad ang sumalubong sa kanya. Sa itsura niyon, unang tingin pa lamang ay malalaman mo nang hindi lamang basta mapera ang may ari, sinama pang halos halat yat ng taong nadaan ay napapa tingin sa sasakyan. “Taray… Kung hindi ko lang alam na kay Seth Santiago ito, iisipin kong may artista o hindi kaya naman ay presedente ang nandito ngayon…” Naiiling niyang sabi habang pilit na sinisipat ang tao sa loob, nag mukha tuloy siyang desperadang tsismosa dahil doon. “Ma’am Isabel Vergara?” “Ay kabayo!” Malakas niyang sigaw dahil sa gulat sabayy napaikot upang harapin ang may ari ng malalim at malaking tinig na iyon. Mabilis niya ring pinigil ang sarili na huwag mapa ngisi nang makita ang ayos at suot nito. “Ikaw po ba si Isabel Vergara?” Sersyosong tanong ng lalaki, sa tangkad nito ay napilitan pa siyang tumingala. “O-opo, ako nga po… Member ka po ba ng hawi boys?” “Hawi boys?” Nag tatakang tanong nito, puno naman ngg kaseryosohan napa tango so Izzy. “Opo, hawi boys, iyong mga llaking taga hawi ng fans sa tuwinang may artistang daraan.” Hindi mapigili ni Izzy ang huwag kabahan nang mapasimangot ang malaking lalaki. “Robert po, driver ni sir Seth, naghihintay po siya, kailangan na nating umalis.” Walang ganang sabi nito dahilan upang mapasimangot si Izzy, ganoon pa man ay wala na rin naman na siyang nagawa kung hindi ang umatras nang buksan nito ang pinto ng mamahaling sasakyan. “S-sasakay po ako diyan? Si-sigurado po kayo, kuya?” Naka ngiwi pa ring sabi ni Izzy habang titig na titig sa loob ng sasakyan. “M-mukha po kasing mas malinis pa ang loob ng sasakyan kesa sa kwarto ko sa bahay, b-baka po madumihan…” Dagdag niya pa saka lalong napa ngiwi nang manatiling tahimik ang lalaki. “P-pwede po akong mag taxi nalang?” Kulang na lamang ay may humuning kuliglig sa paligid bilang sound effect sa pananahimik ng lalaki, dahilan upang mapabuntong-hininga n lamang si Izzy saka hahihiya at dahan-dahang pumasok sa loob ng sasakyan. Nang maayos nang maka upo ay nag mamadali nang isinara ni Robert ang pinto niyon bago mabilis na sumakay na rin. Ilang sandali pa ay umandar kna rin iyon. Habang sakay ng sasakyan, pilit pinipigil ni Izzy ang pag hinga, kasabay ng pilit na pag layo ng kanyang likod sa sandalan ng upuan sa takot na baka maging iyon ay madumihan, tulooy ang nag kanda hirap na siya sa pag kapit sa kung saan sa tuwinang madaraan sa lubak ang sasakyan. “You can sit down, Isabel… Pwede ka ring sumandal, nothing’s gonna happen to the car seat, and will you please try to relax? You are all tensed.” Pakiramdam ni Izzy ay halos mawalan ng kulay ang dati niya nang maputalang mukha nang marinig ang pamilyar at baritonong tinig na iyon mula sa front seat ng sasakyan. “S-Seth Santiago???” Agad siyang binalot nang kaba nang tapunan siya nito ng tingin saka ngumisi. “Nice to see you again, Izzy…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD