Chapter 6

1532 Words
Pakiramdam ni Izzy ay kulang na lamang ay mag dugo na ang sariling mga labi dahil sa diin ng pag kagat niya doon. Ang dahilan? Hindi niya malaman kung anong dapat na isagot sa tanong na iyon ng kanyang best friend. Did you do something illegal? Ilegal na nga bang masasabi ang ginawa niya? Sa laki ng halagang nakuha niya mula kay Seth Santiago na kusa naman nitong ibinigay matapos siya nitong palayasin sa mala palasyo nitong bahay noong nakaraan ay hindi niya alam. Ni hindi niya nga rin malaman kung utang ba iyong maituturing gayong alam na alam niya kung ano ang hihingin nitong kabayaran kung sakali. Malakas na napa buga ng hangin si Izzy nang sa pag angat ng kanyang tingin ay nasalubong niya agad ang nanunukat na mga mata ni Carl. “Don’t try to look away again, it will only convince me that you did something bad, so bad and its making me worry, Isabel.” Puno ng ka seryosohan ang tinig na sabi ng kaibigan habang hindi pa rin inaalis ang matalim na titig sa kanya. Wala sa sarili namang muling nakagat ni Izzy ang pang ibabang labi saka pilit na sinalubong ang tingin nito. Pinili niyang huwag na lamang pansinin ang ang bahagyang pag buka ng kanyang bibig na agad niya rin naman isinara nang mapagtantong hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. “Seriously, Isabel… Anong ginawa mo? Saan mo nakuha ang pera?” “S-sa… Sa ti-” Nahigit ni Izzy ang sariling pag hinga habang pilit na nag iisip kung ano nga ba ang magandang gawing palusot, agad pa siyang napa yuko saka napakamot sa noo. “S-sa tingin ko hindi na importate iyon, a-ang mahalaga naman ay natapos ang operasyon ni nanay, gagaling na siya…” “That is 1.5 million, Izzy… Sa tingin ko pwede mong sabihin ang mga salitang binitawan mo ngayon kung ilang libo lamang ang pinag uusapan natin, 1.5 million isn’t a joke, and you must be tripping if you will tell me nqa basta mo lang nakuha ang ganoon kalaking pera sa loovb ng isang gaboi, come one, tell me… If you did something that’s really-really bad, baka matulungan kita…” Matulungan… Hindi mapigilan ni izzy ang pag silay ng isang mapait na ngiti sa kanyang mga labi dahil sa sinabi ng kaibigan. “Hindi ko alam kung anong tulong ang pwede mo pang ibigay o kaya naman ay kung kaya ko pa kayang tumangap ng tulong mula sa iyo, ang dami mo nang naitulong hindi lang saakin kundi pati na rin sa nanay, Carl, hindi ko na kay-” “At hindi rin naman ako umaasang papalitan mo o ibabalik mo sa akin ang mga tulong na iyon, Izzy… I am your best friend, you think I can let you suffer on your own when I am juts right here and know that I can do something?” “Hindi naman sa ganoon, alam ko rin naman iyon eh, kaya nga nahihiya na ako sa iyo, pa-pasensya na, sa tingin ko kasi kapag sa iyo pa ako lumapit, pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng mukhang ihaharap sa iyo eh…” “Okay, you’ve made your point… So saan nga galing ang pera?” Muling napa iwas ng tingin si Izzy nang mag tanong iulit si Carl tungkol sa pera. “I-iyong b-boss ko… D-doon sa coffee shop na pinapasukan ko, n-nakahiram ako sa kanya…” Pag sisinungaling niya, pilit naman nitong hinuli ang kanyang tingin. “Ng isa’t-kalahating milyon?” Puno ng pag dududa ang tinig na tanong pa nito dahilan upang balutin ng matinding konsensya ang kanyang buong sistema. “H-hindi ako gumawa ng illegal kagaya ng iniisip mo, Carl… Sa tingin mo talaga kaya kong gumawa ng masama?” “That is exactly my point, you are Isabel Vergara, my best friend for seven years, I know you more that I know my own sister… Alam kong hindi mo kayansg gumawa ng kahit na anong masama, kaya ng hindi ko malaman kung bakit ka pilit na nag sisinungaling sa akin ngayon…” Mahabang litanya nito, bakas ang pag tatampo sa tinig habang hindi pa rin inanalis ang tingin sa kanya. “H-hindi ko kasi kaya kung paanong sasabihin…. H-hindi ako gumawa ng masama o ilegal… katangahan siguro pwede pa…” Halos pabulong niyang sabi sa kaibigan habang pilit na sinasalubong ang tingin nito. “Carl, a-alam kong nag aalala ka, p-pero sa ngayon, p-pwede bang ang kasinungalingan ko nalang muna ang pang hawakan mo?” Nakikiusap niya pang sabi saka mapait na ngumiti nang mapa buntong-hininga na lamang ito. “Mahal kita, Izzy… At nag aalala ako ng sobra sa iyo… Pero pwede ka rin bang mangako sa akin? Can you promise me that if things, or whatever it is started to get ugly, you will tell me?” Hindi pa rin maalis ang pag aalala sa tinig na pakiusap rin nito, agad namang nag pilit ng ngiti si Izzy saka dahan-dahang tumango. “S-salamat, Carl…” Iyon na lamang ang tanging nasabi niya sa kaibigan. Sa kabila ng bigat ng kanilang pinag uusapan isama pa ang labis na pag aala kay Seth Santiago na hindi niya maitatangging isa pa ring estranghero ay nakuha niya pa rin namang ngumiti nang humahangos habang malaki rin ang ngiting lumapit sa kanila ang kanyang tiyong Oscar. “Izzy, gising na si ate Hilda, hinahanap ka niya…” Masayang sabi nito, pabiro namang napanguso dito si Izzy sabay napa irap. “Tiyong naman, kanina lamang ay gising na gising na rin naman si nanay ah?” “Alam ko naman, kaya lang ewan ko ba, ngayong sa tingin ko ay maayos na si ate eh pakiramdam ko isang napakalaking biyaya na ang makitang mag mulat siya ng mga mata na wala nang gaanong iniindang sakit…” Sa ikalawang pagkakataon ay muling napa ngiti si Izzy dahil sa narinig. Tama nga naman kasi ang kanyang tiyuhin. Noong hindi pa nalalapatan ng karapat-dapat na gamutan ang kanyang ina ay halos balutin ng takot at pangamba ang kanyang puso sa tuwinang pipikit ito upang matulog, naroon ang pag aalalang baka iyon na ang huling pagkakataong pipikit ang ina. Ngayon… Agad nawala ang ngiti ni Izzy at agad napalitan ng takot at pangamba nang mula sa malayo ay tila nasilayan niya ang muuka ng lalaking nag salba sa buhay ng kanyang ina. Seth Santiago? Tahimik niyang tawag sa pangalan nito habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki. Masyado man itong malayo mula sa kinaroroonan niya ay sigurado siyang si Seth Santiago iyon, malamig ang mga matang naka titig sa kanya, na para bang pinag aaralan bawat kilos na gawin niya. Wala rin siyang mabakas na kahit na anong imosyon sa mukha nito dahilan upang lalo lamang siyang balutin ng kaba. Ngayon mo na ba balak na singilin ako? Tahimik niyang tanong sabay napa talon sa gulat nang tawgin siya ni Carl. “Izzy? Are you okay? Namumutla ka…” “H-ha? Ah… Oo, ayos lang ako… Eto naman pa-para namang laging bago, eh ikaw na nga itong laging nag sasabing para na akong bangkay dahil sa putla… A-ano ba iyon?” Pilit niyang pag bibiro sabay pasimpleng muling tinapunan ng tingin ang direksyon kung nasaan ang lalaki kanina. Agad pa siyang naka hinga ng maluwag nang hindi niya na ito makita. “Hay naku, now you are spacing out, your mom is already okay and I know na gagaling na siya ng tuluyan, bawasan mo na ang pag alala mo, you know what I think? I think that you too should take advantage of this, you need to stay here with tita Hilda, ibig sabihin din niyon ay may ilang araw ka ring pahinga sa mga trabaho mo…” Mahabang sabi nito, kahit paano naman ay nakatulong iyon upang mawala ang kanyang kaba. “Oo na ho itay! Ikaw talaga, daig mo pa ang matanda kung sermonan ako… Pero tingin ko tama ka rin…” “Alam kong tama ako, ako pa ba? All I want is the best for you… Siya nga pala, dahil lutang ka kanina, alam kong hindi mo alam kung nasaan na nag punta si tiyo Oscar mo, nauna na siya sa loob so halikia na?” Wala sa sariling napa kamot na lamang ng noo si Izzy nang mapagtantong naka alis na nga ang kanyang tiyuhin. Pag pasok pa lamang sa loob ng ward ng kanyang mahal na nanay ay tila agad nang nawala ang kahit na ano pang alalahanin at pangamba sa puso ni Izzy, lalo nang ang mas masiglang ina na ang agad na sumalubong sa kanya. Bagaman at naka sandal pa rin ito sa pina angat na hospital bed ay bakas pa rin ang tila pagkawla ng labis na hirap sa pag hinga nito. Palapit pa lamang sana dito si Izzy nang agawin ang kanyang atensyon ng malakas na message tone ng kanyang lumang cell phone. Pakiramdam ni Izzy ay tila siya tinakasan ng kulay sa mukha nang mabasa ang text doon. 0949******* My driver is waiting for you in front of the hospital. Let’s have lunch, my place… Ps. This is not an invitation, it’s an order… See you, Isabel. -Seth
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD