Mabilis lumipas ang dalawang lingo, namalayan na lamang ni Izzy na palabas na ng ospital ang kanyang ina. Hindi pa rin tuluyan ang paggling nito pero kahit paunti-unti ay mas mabuti na rin kaysa noong hindi pa ito na o-operahan. Malaki ang suot na ngiti sa labi ni Izzy nang lapitan niya ang inang ngayon ay nagawa nang maka upo. “Naayos mo ba ang lahat ng mga gamit natin, anak?” “Tapos ko na ho ‘nay, hintayin nalang natin na makabalik si tiyong, aalis na rin tayo mayamaya.” Masayang sagot niya sa ina sabay inayos abng balabal na suot nito. “Mabuti naman kung ganoon, uwing-uwi na talaga ako… Nga pala nak, natawagan mo na ba ulit iyong si sir Santiago? Ang sabi ko kasi sa kanya nong dumalaw dito ay ipaalam ko agad sa kanya kung makakalabas na tayo.” Agad napa ngiwi si Izzy sa tanong na