Malakas na lamang na napa buntong-hininga si Izzy nang mabasa ang text message na iyon, sa tingin niya ay hindi niya na rin kailangan pang mag tanong kung sino ang nag padala niyon lalo at wala namang ibang taong nag ti-text sa kanya ng ganon bukod kay Seth Santiago. Wala sa sariling napa irap si Izzy matapos muling basahin ang message saka piniling ibinulsa na lamang ang cellphone. “Hindi naman yata mag wawala ang amo mo kung hindi ko pansinin ang text message niya ‘di ba?” Sabi ni Izzy, sinadya niya pang lakasan ang sariling tinig upang marinig ng nasa kabilang linya. Muli pang napairap sa kawalan si Izzy nang hindi man lang siya tapunan ng tingin ng driver. “Nandito na tayo.” Mayamaya pa ay rinig niyang sabi ng mang Robert. Sa halip na sagotin pa ang masungit na driver ni Seth Sa