APKF-5

2293 Words
Jheanne's Pov Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa may puson at dibdib ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata upang tingnan ang bagay na nakapatong sa katawan ko. Ngunit ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ko si Ubi. Nakadantay ang mahahaba niyang bias sa puson ko, at nakasiksik naman ang mukha niya sa may kilikili ko habang ang braso niya ay nakayakap sa dibdib ko. "Waaaaaah!" malakas kong sigaw sabay sampal sa braso niya, at marahas na bumangon. Nagulantang siya sa ginawa ko at napaupo sa kama na natutulala. Samantalang napalundag naman ako at nag-iinit ang pisngi na napapatayo sa gilid ng kama. "Bakit ka nakayakap sa akin, Ubi, huh? Manyak ka no?" singhal ko sa kaniya. Napayakap ako sa aking sarili. Walang buhay ang mga mata niya na binalingan ako. Umiling siya, hindi sang-ayon sa sinabi ko. "Hindi ako manyak...malamig kasi–" aniya sabay yuko. Nakaramdam naman ako ng pagkapahiya sa sinabi ko sa kaniya kanina. Hindi ko dapat iyon sinabi sa kaniya. Humulma rin ang palad ko sa may balat niya gawa sa malakas kong pagsampal roon. "Pasensya na, Ubi, nagulat lang ako. Sige matulog ka na ulit." sambit ko. Pero umiling siya sabay tayo. Naglakad ito palabas ng silid ko. Nakagat ko ang hintuturo ko habang sinusundan siya ng tingin. Hindi rin ako nakatiis, sinundan ko na rin siya. "Ubi, sorry na!" habol ko sa kaniya. Mukha kasing nasaktan siya sa sinabi ko. Pumasok siya sa banyo, at pagkalabas niya ay nakahilamos na siya. Napabuntonghininga na lamang ako habang nakatingin sa kaniya. Habang nagmamasid ako sa kaniya ay napansin ko ang pagbabago ng kilos niya. Para bang experto siya sa bawat galaw niya sa loob ng condo ko. Iyon bang tila sanay ito. Napaawang pa ang labi ko nang kunin niya ang rice cooker, nagsaing siya. Tapos kumuha siya ng dalawang tasa at nilagyan iyon ng brewed coffee. Bawat galaw niya ay napapanganga ako. Nang balingan niya ako at i-abot sa akin ang tasa ay wala sa loob na tinanggap ko iyon. Pakiramdam ko ay nag-ibang tao siya. Hindi kaya dahil sa ginawa ko kanina sa kaniya? Baka nahiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya? "Sino ka ba talaga, Ubi?" tanong ko sa kaniya. Natigilan siya sa sinabi ko. Tiningnan niya ako, at napansin ko na napakunot siya ng noo. Hanggang sa unti-unti siyang napayuko at napahawak sa kaniyang noo. Napansin ko rin ang panginginig ng mga kamay niya. "Ubi, okay ka lang?" Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso. Nag-angat siya ng tingin, tinitigan niya ako. Hanggang sa umiwas siya ng tingin at mukhang nagulat pa ito sa hawak na tasa nang makita niya ito. Nangunot ang noo ko sa pag-iiba ng kilos niya. "Ano ka ba, Ubi? Natatakot na ako sayo huh. Paiba-iba ka ng mood eh. Diyan ka na nga muna at maliligo lang ako. Aalis tayo ngayon, punta tayo ng opisina ko." naiiling kong wika. Iniwan ko siya sa kusina. Nagtungo ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas ako ng kuwarto ko. Pinuntahan ko si Ubi sa kusina, naroon pa rin siya nakaupo at nakatulala. Hinayaan ko na lang siya. Nagluto na lang ako ng almusal namin. "Kain na, Ubi. Aalis tayo ngayon. Magpa-file ako ng leave sa office. Kaya dalian mo na riyan." untag ko sa kaniya. "Kailangan ko ba talaga sumama?" Napabuntonghininga ako. "Oo, eh. Kailangan kita, Ubi. Kailangan ko ng makakasama upang kayanin na harapin ang lahat. Kailangan kong magpanggap na okay ako pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kaya pakisamahan mo na lang ako ha. Magpanggap ka lang na nobya mo ako, Ubi, iyon lang ang hinihingi ko sayo. Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa lahat ng gusto mo." pahayag ko. Saglit siyang nag-isip pero kalaunan ay napatango rin. Ngumiti ako, "Salamat, Ubi." ... Papasok kami ni Ubi sa Affinity Manpower. Lahat ng mga tao na madadaanan namin ay napapatingin sa amin. Taas noo ako, at pinakita sa kanilang lahat na okay ako. Hinawakan ko pa ang braso ni Ubi, hindi siya tumutol. Diretso lang ang lakad niya. And guess what, ang guwapo-guwapo niya sa suot na polo shirt. Pinabili ko iyon sa katulong ko na naglilinis sa condo ko. Saktong maaga itong dumating kanina upang linisin ang unit ko nang magpasya ako na utusan itong pumunta sa malapit na Mall. Wala kasing damit si Ubi na magagamit kaya nagpabili na muna ako ng iilan, at mamaya na lang kami ulit magdagdag. Naka-polo shirt siya, pantalon na maong, at sapatos. Ang kisig niyang tingnan. Parang hindi na siya iyong pulubi na dinala ko sa condo ko. "Good morning po, Ma'am Jhe!" Bati sa akin ng isa sa mga kasamahan ko na si Zsa. Tipid ko siyang nginitian. Panay rin ang titig niya kay Ubi. Alam kong gusto niyang magtanong sa akin, chismosa rin kasi ang isang 'to. "Ma'am, kumusta na po kayo?" tanong pa sa akin ng isa ko pang kasamahan na engineer rin. Si Albie. "I'm good. Nariyan ba si Boss?" balik-tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Oo. At kasama niya si..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin. Napabuntonghininga ako. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko. Mukhang alam ko na kasi ang taong tinutukoy niya. Si Hugo. Iisang company kaming tinatrabahuhan ni Hugo. Katulad ko ay engineer rin siya. Sa tingin ko ay siya ang kasama ni Boss sa opisina nito. "Nasa loob ba si Hugo?" diretsang tanong ko kay Albie. Ni hindi nga ako nautal. "Oo." Nilagpasan ko si Albie. Hinawakan ko sa braso si Ubi at hinila. Dinala ko siya sa opisina ko at pinaupo muna sa isang silya ko roon. Nanginginig ang katawan ko, knowing na narito si Hugo at alam kong magkikita kami. Hindi ko alam kong ano ang magagawa ko sa kaniya sa paghaharap namin na ito, pero isa lang ang naisip ko. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Ipapakita ko sa kaniya na mabilis rin akong nakapag-move on. Hindi ko namalayan na naiiyak na pala ako habang nakaupo ako sa couch ko. Napakurap nalang ako ng may kamay na humawak sa pisngi ko upang pawiin ang luha na iyon. "U-Ubi..." sambit ko. Si Ubi ang may gawa niyon. Gamit ang palad niya ay pinahid niya ang luha ko. Napangiti ako. "Huwag ka na umiyak." wika niya na titig na titig sa akin. "Hayaan mo na ako, Ubi. Okay lang ako." ani ko. Muli siyang naupo sa kinauupuan niya kanina pero nanatiling nakatingin sa akin. "Hindi ka okay," saad niya. Nagpakawala ako ng isang pekeng tawa, "Okay lang ako. Basta galingan mo lang ang pagpapanggap ha." Tumango siya. Inayos ko ang sarili. Nag-retouch rin ako dahil nahulas na ang light make-up ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Nang maramdaman ko na handa na ako ay binalingan ko si Ubi na tahimik lang na nakamasid sa akin. Kinuha ko na rin ang isang papel na ibibigay ko kay Boss para pirmahan niya. "Dito ka lang ha, babalik ako kaagad." sabi ko kay Ubi. "Sama ako," tugon naman niya. Umiling ako. "Dito ka lang, kakausapin ko lang si Boss. Hintayin mo ako rito." Tumayo na ako at naglakad palabas ng opisina ko. Hindi na sumagot si Ubi. Ilang beses akong humugot-buga ng hangin at marahas iyong ibinubuga bago ko katokin ang pinto ng opisina ni Boss. Kahit nakatalikod ako sa karamihan ay alam kong nasa akin nakatitig ang mga mata nila. Marahil inaabangan nila ang mangyayari sa pagkikita namin ni Hugo ngayon. Naipikit ko ang aking mga mata, nang magmulat ay nagkatok ako. Bumukas ang pinto, at bumungad sa akin si Boss Theo. Napadta pa siya at halatang natigilan. Hindi niya siguro inaasahan na dadating ako. Bakas rin ang pag-aalala niya para sa akin. "A-Anne," sambit niya sa palayaw na tawag niya sa akin. "Magandang araw po, boss. I came here to talk to you." pormal na wika ko. "But—" "I don't care kong nariyan siya sa loob." putol ko sa sasabihin ni Boss. Alam ko kasi na sasabihin niyang nasa loob si Hugo. Hindi ko na hinintay pang sumagot si Boss, ako na mismo ang pumasok sa loob ng opisina niya. Nilagpasan ko siya at nagtuloy-tuloy ako sa loob. At nang makita ko ang lalaki na siyang nangloko at nang-iwan sa akin ay napatigil ako sa paglakad. Nakaprente siyang nakaupo at halata pa ang saya sa mukha niya. Sumiklab ang galit sa puso ko, pero pilit kong kinalma ang sarili. Hangga't maaari ay ayoko na makita niyang nasasaktan ako sa ginawa nila. Ayokong ipakita na apektado ako kahit na ang totoo ay apektado talaga ako. Tumikhim ako upang agawin ang atensyon niya. Napabaling siya sa akin. At nang makita niya ako ay ngumisi siya. Ni hindi man lang siya kinilabutan! Hindi ko tuloy maiwasang isipin kong kailan ba siya nagsimula sa panloloko niya sa akin. Hindi ko man lang napansin kasi, o sadyang magaling lang talaga siya magtago at magpanggap? Tinaasan ko siya ng kilay, natawa naman ang gago! Naupo ako sa isang silya kaharap ng kinauupuan niya. Naupo rin si Boss Theo sa silya nito. Nate-tense si Boss sa pagitan naming dalawa ni Hugo, napansin ko iyon. Pinagpapawisan pa nga siya. "Ah, Anne, ano ang sadya mo?" tanong sa akin ni Boss. Tumikhim ako bago nagsalita ng pormal. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil nasa tabi ko lang si Hugo. Kumukulo ang dugo ko sa kaniya, gustong-gusto ko siyang suntokin ngayon. "Kalma, Jhe, hindi ako nangangain," komento ni Hugo na binuntutan pa ng pagtawa. Nakuyom ko ang aking kamao. Paano niya nagagawang maging kalmado matapos ng lahat? Sinuway ito ni Boss pero patuloy lamang ito sa pagtawa. "Hindi rin naman ako magpapakain sayo, gago!" wika ko sa kaniya. Natahimik siya at naging seryuso. Binalingan ko si Boss, "Magpa-file po ako ng leave, Boss. Kailangan ko kasing asikasuhin ang kasal namin ng fiancé ko, I mean is, aasikasuhin naming dalawa. Kaya need ko ng leave." seryuso kong sabi kay Boss. Naramdaman kong natigilan si Hugo sa kinauupuan niya. Napangisi ako. Akala yata ng gagong ito siya lang marunong ah. "G-Ganoon ba? Nakakagulat naman ang ibinalita mo," saad ni Boss. Bakas sa anyo niya na hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Ang alam kasi ng lahat ay si Hugo lang talaga ang lalaki sa buhay ko. Totoo naman iyon, noong hindi pa niya ako niloko. "Naku, huwag kang magulat, boss. Masanay na po kayo," tugon ko. Inabot ko sa kaniya ang papel na dala ko. "Pirmahan mo na po, boss." Kinuha naman iyon ni Boss at walang kagatol-gatol na pinirmahan. Samantalang si Hugo ay tahimik lang sa isang tabi. Hanggang sa bigla na lamang ito nagsalita. "So, ikakasal ka na rin pala ulit? Kanino naman?" tanong niya sa akin. Napa-irap ako rito. "None of your business." walang gana na tugon ko. Tumawa siya. Iyon bang tawa na nakakainsulto. "Ikakasal rin kasi ako. Kaya nag-file rin ako ng leave. At...alam mo na siguro kong kanino ako ikakasal?" nakangisi niyang saad. "Of course hindi sayo, Jheanne. Kundi sa bestfriend mong si Jana." Nalulon ko ang dila ko sa sinabi niya. Ang kaninang tapang-tapangan na pinakita ko ay naglaho na parang bula. Nang balingan ko siya ay puno na ng mga luha ang aking mga mata. Akala ko ay kaya ko na, hindi pala. Ang sakit pa rin, lalo na sa kaniya ko mismo iyon marinig. "Hayop ka, Hugo! Ang kapal ng mukha mo!" Tumayo ako at nilapitan siya. Sinabunutan ko siya, at pinagsasampal sa mukha. "f**k! Bitawan mo akong babae ka!" singhal niya sa akin. Pati si Boss ay napatayo na rin para awatin kami ni Hugo. "Tama na!" hinila ako ni Boss palayo kay Hugo. Namumula ang pisngi ni Hugo sa pagsasampal ko at halata ang galit niya. Makaganti man lang ako sa ginawa nila sa akin. Kulang pa nga iyon. "Hindi ka na nga kaguwapuhan, manloloko ka pa!" singhal ko sa kaniya. Mapakla siyang natawa. "Pero nasaktan ka naman? Alam mo, Jheanne, hindi naman talaga kita minahal e, kaya lang kita niligawan dahil gustong-gusto ko iyang katawan mo. Sayang lang at hindi ko natikman. Masyado ka kasing pabebe. Alam mo kung sino ang mahal ko? Si Jana. Magpapakasal na kami, at ikaw? Maiiwan kang luhaan. Iyang sinasabi mong fiancé mo, alam kong kasinungalingan lang iyan. Dahil wala ka naman talagang naging lalaki kundi ako lang. At alam kong hindi ka pa nakakapag-move on sa akin. Syempre mahal ko ako, e." nakakasuya niyang pahayag. Napakurap-kurap ako at lalong namalisbis ang mga luha ko sa pisngi. Lalo pa akong napa-iyak nang bumukas ang pinto at pumasok ang kaibigan kong si Jana. Pakembot-kembot itong lumapit sa akin at malakas akong sinampal. "That's for hurting my boyfriend!" angil niya. Nilapitan niya si Hugo at niyakap. Sabay nila akong binalingan, pagkatapos ay nginisian nila ako. Kapagkuwan ay naghalikan sila mismo sa harap ko! "Mga hayop!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Hindi ko na nakayanan pa ang sakit. Tumakbo ako at tinungo ang pinto ng opisina ni Boss. Binuksan ko ito. Ngunit sa paglabas ko ay isang tao ang nabunggaran ko. Si Ubi. He's standing there and waiting for me. Nakatitig siya sa akin at bakas ang pag-aalala sa mga mata niya. Tumakbo ako papunta sa kaniya, at walang paalam na sinalubong siya ng mahigpit na yakap. "Ubi..." sambit ko sa pagitan ng dibdib niya. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa balikat ko. Kahit paano ay muli akong nabuhayan ng loob. Naramdaman ko rin ang mga yapak sa likuran ko. Sa tingin ko ay sina Hugo at Jana iyon. Kumalas ako ng yakap kay Ubi at tiningala siya. Ngunit nanlaki pa ang mga mata ko nang salubungin ng labi niya ang labi ko. He kissed me. At wala akong nakapang pagtutol bagkus, ipinikit ko pa ang aking mga mata upang namnamin ang mga halik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD