APKF-6

1276 Words
Jheanne's Pov Nang balingan ko si Hugo ay nakita kong naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa amin ni Ubi. Lihim akong nagdiwang sa naging reaksyon niya. "Hugo, Jana, meet my fiancé. Ubi!" nakangiting untag ko sa kanila. Lalong naningkit ang mga mata ni Hugo sa sinabi ko. Thankful talaga ako at narito si Ubi. Nakayanan ko silang harapin ngayon. Hinawakan ko sa braso si Ubi at idinikit ang katawan ko sa kaniya, at taas noo silang tiningnan isa-isa. Ang mukha ng dati kong bestfriend ay masama ang tabas sa akin. Ano naman ngayon? Tsk! Binalingan ko rin si Ubi. Tahimik lamang siya at nakatitig sa kawalan. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at sinadya kong palambingin ang boses ko. "Baby, alis na tayo? Nagugutom na ako e," malambing kong sabi sa kaniya. Tiningnan niya ako at tumango siya. "Okay!" "Goodbye guys!" ani ko sa dalawang natigilan. Magsasalita pa sana si Hugo pero hinila na ako ni Ubi palabas ng building. Maigi na rin iyon dahil hindi ko na kaya ang presensya ng dalawang dimunyo! Paglabas namin ng building ay kaagad kaming pumasok sa kotse ko. Nang makaupo kami ni Ubi ay pareho kaming hindi naka-imik. Naalala ko ang halik na pinagsaluhan namin kanina. Diyos ko! Nang una, dinala ko siya sa condo, tapos ngayon nakahalikan ko naman siya! Ang bilis ng pangyayari! Pero teka...wala naman akong pagsisisi na nakapa sa puso ko. Nagustuhan ko pa nga ang halik niya. Si Ubi palang ang unang lalaki na nahalikan ako. Dahan-dahan ko siyang sinulyapan. At noon ko lang nalaman na nakatitig na pala siya sa akin. "Ubi–" "Sorry," Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sinabi niya. Bakit naman siya hihingi ng sorry? Dahil ba hinalikan niya ako? Nginitian ko siya. "No problem, Ubi. Nagpapasalamat nga ako na dumating ka kanina, dahil kung hindi? Baka iyak na lang ang nagawa ko sa harapan ng dalawang iyon. Pero dahil nandoon ka, kahit papano ay nakaganti ako sa kanila," Natawa pa ako sa naging itsura ni Hugo kanina. "Nakita mo ba ang reaksyon niya kanina? Hindi siya makapaniwala na may fiancé na ako no?" wika ko sabay tawa. Ngunit ang tawa na iyon ay unti-unting napalitan ng paghikbi. Kahit anong gawin ko ay masakit pa rin. Ganoon talaga siguro kapag nasaktan ka. Hindi basta-basta nawawala ang sakit na idinulot ng taong minahal mo. Oo, mahal ko si Hugo. Hindi naman siguro kami magtatagal ng walong taon kung hindi ko siya mahal. Bente-otso na ako, tumanda na ako kakahintay na ayain niya akong pakasal. Iyon lang naman talaga ang hinihintay ko sa kaniya, kaya tumagal kami ng ilang taon. Nagtiyaga ako dahil mahal ko nga siya. Marami akong manliligaw pero wala akong nagustuhan dahil para sa akin si Hugo na talaga ang gusto kong makasama habang buhay. Kaya nang ayain niya akong magpakasal ay walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ko, pero kung gaano ako kasaya ng araw na iyon ay ganoon lamang iyon kabilis binawi sa araw ng kasal namin. "You're crying..." Napakurap-kurap pa ako nang punasan ni Ubi gamit ng daliri niya ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. "Stop crying. He's not worth it." Napangiti na naman ako sa pag-ingles ni Ubi. Nahihiwagaan talaga ako sa pagkatao niya. Halata talagang sanay siya gumamit ng wikang ingles. "Ubi?" "Hmm?" Naupo ako ng maayos at tiningnan siya ng mabuti sa mga mata. "Ano ang full name mo? At saan ka nakatira?" tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa kawalan at tila napaisip ng malalim. Nangunot rin ang noo niya at tila walang maisip na isasagot sa akin. "Wala ka bang maalala, Ubi?" untag ko sa kaniya nang makuha ko ang ibig sabihin ng reaksyon niya. Umiling siya, "Wala. H-Hindi ko alam kung...sino ako." saad niya. Napabuntonghininga ako. Naawa naman ako sa kaniya. Napapaisip lalo ako kung ano ba ang nangyari sa kaniya. Imposible naman kasi na hindi niya alam ang pangalan niya. Maliban lamang kung nawalan siya ng memorya ukol sa pagkatao niya? Napailing ako. Kung anu-ano kasi ang pumapasok sa isipan ko. "Huwag mo nang alalahanin ang sinabi ko, Ubi. Malay mo isang umaga magising ka na lang na alam mo na kung sino ka talaga. Kung saan ka nanggaling. Tara na, alis tayo. Sa Mall tayo ngayon." nakangiti kong sabi sa kaniya. Tinapik-tapik ko pa ang braso niya. Kapagkuwan ay binuhay ko ang makina ng sasakyan at nagmaneho papunta sa Mall. Pagkarating sa Mall ay masaya akong bumaba ng kotse at pinagbuksan si Ubi. "Tara na, Ubi." Tumango siya at bumaba na rin ng kotse. Hinawakan ko siya sa braso at inakay papasok sa loob ng Mall. Naglibot kami, kumain sa mga kainan, nanood ng sine at ang huli ay namili kami ng mga damit niya. "Heto, Ubi, subukan mo ito!" wika ko sa kaniya. Ibinigay ko sa kaniya ang mga damit na napili ko. Halos hindi siya magkamayaw sa pagkuha ng mga iyon. "Pasok na sa loob," ani ko pa sabay tulak sa kaniya papasok sa loob ng fitting room. Naghintay ako sa kaniya sa labas ng fitting room. Naupo ako sa isang couch at hinintay siyang lumabas para ipakita sa akin ang mga damit na sinusukat niya. Halos lahat ng damit na napili ko ay bagay na bagay sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang mapanganga sa bawat outfit niya. Talaga naman kasing ang yummy niya! "Okay ba lahat?" tanong niya pa sa akin habang sinusuri niya ang sarili. Nakanganga ako habang nakatingin sa kaniya. Nang balingan niya ako ay saka ko na lamang naisara ang aking bibig. "Okay na okay!" saad ko. Tumango na lamang siya. Pagkatapos namin mamili ng mga damit niya ay tumungo kami sa underwear section. Napalunok ako nang makita ko ang iba't ibang klase ng mga underwear na para sa kaniya. Hindi ko naman alam kung alin doon ang gusto niyang klase kaya siya nalang ang hinayaan kong kumuha. "Kasya ba sayo iyan?" nakataas ang kilay kong sabi sa kaniya nang kuhain niya ang size medium na underwear. Nakita ko kasi ang p*********i niya kaya alam kong hindi iyon kakasya sa kaniya. "Ewan..." sagot niya. Napabuntonghininga ako. Kinuha ko ang hawak niyang underwear at pinalitan iyon. "Alam mo ang size na nararapat para sayo, Ubi?" Umiling siya, "extra large, Ubi, dahil ang laki ng pitutoy mo!" Napalakas kong sabi na siyang ikinangiwi niya. May iilan na sales lady na natawa rin sa sinabi ko. Hinila ko na si Ubi at dinala sa cashier. Nagbayad kami ng mga pinamili ko. Palabas na kami ng Mall nang mapansin ko ang isa matandang katulong na titig na titig kay Ubi. Tila ba gusto nitong lapitan si Ubi pero mukha namang nagdadalawang isip. Tiningnan ko pa ang matanda ng maigi, bago ko hinila si Ubi. "Ubi, tara na!" wika ko sabay akay sa kaniya papasok sa loob ng kotse. Someone's Pov "Naku, totoo po ang sinasabi ko, Ma'am Myra! Kamukha po talaga ni Sir Carlos ang nakita ko!" Inismiran ako ni Ma'am Myra. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Abala siya sa mga papeles na nasa harapan niya. "Ikaw na ang nagsabi na kamukha niya lang 'di ba? Saka kakasabi mo lang na hindi Carlos ang pangalan niya. Kaya puwede ba yaya, pagod na ko kakaisip kaya sana huwag mo nang dagdagan pa? Gusto ko na magpahinga ngayon. Kaya sige na, lumabas ka na ng silid ko." Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Ma'am. Siguro nga kamukha lang ni Sir Carlos ang nakita ko. Mahaba kasi ang buhok niyon samantalang maikli lamang ang kay Sir. Baka nga namali lang ako. "Sige po, Ma'am, pasensya na po." Tumango siya sa akin. Nagpaalam na rin akong lalabas. Namalikmata nga lang siguro ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD