APKF-7

1190 Words
Hugo's Pov "s**t!" Inis kong ibinalibag ang laptop na hawak ko. Hindi ako makapag-concentrate dahil sa nangyari kanina. How dare he kissed Jheanne? "Argh!" Naihilamos ko ang palad sa mukha. Ang tagal kong hinintay na mahalikan ang labing iyon, tapos nauwi lang sa iba? Ang lalaking iyon lang makikinabang? I tried to search about the guy on the internet but I found nothing! Sino ba siya? May kakaiba akong nararamdaman sa lalaking iyon. Something strange. Gusto kong malaman ang tungkol sa kan'ya pero kulang ako sa kaalaman. Ni hindi ko alam ang full name niya. "Ubi? How f**k that name!" Kinuha ko ang beer ko na inilapag kanina sa lamesa at tinungga. Hindi ko maiwasang mainis. I think hindi naman ako nagseselos, I just can't accept the fact that after I ran away to our wedding day ay kaagad siyang nagka-fiancé? Nang ganoon ka bilis? Kilala ko si Jheanne, hindi siya kaagad nagtitiwala sa isang lalaki lalo na kung kakakilala niya lang dito. At sa loob ng walong taon naming mag-nobyo ay sigurado ako na ako lamang ang lalaki sa buhay niya. Kaya paano siya nagkaroon ng fiancé nang ganoon ka bilis? Saan nanggaling ang lalaking iyon? "Aha! Maybe..they are pretending?" Napangisi ako sa nasabi ko. Siguro nga nagpapanggap lang ang dalawang iyon. Pero para sa ano naman? Para ipamukha sa akin na kaagad niya rin akong napalitan? Napatawa ako sa aking naisip. Pero papano kung hindi talaga sila nagpapanggap? Paano kung totoo talaga na ikakasal na sila? Naikuyom ko ang aking kamao. "Hindi maaari...hangga't hindi ko nakukuha si Jheanne." Napangisi ako. Bumukas ang pinto ng opisina ko kaya marahas pa akong napabaling roon. "Goddammit! Bakit hindi ka kumakatok?" bulyaw ko sa kaniya. Ngunit imbes na sumagot ay nagulat pa ito sa nasaksihan sa loob ng opisina ko. "What the f**k is happening here, babe?" ani niya. Inismiran ko si Janna. Minsan naaartehan ako sa isang ito e. Masyado rin maingay. But I like her. Kaya nga ipinalit ko siya kay Jheanne. Naglakad siya palapit sa akin. Napakagat-labi pa ako dahil bawat hakbang niya ay sumasabay rin ang malulusog niyang dibdib. Nilapitan niya ako at kaagad na niyakap. "What happen? Are you okay? Tungkol ba ito sa nangyari kanina?" she said. Kaagad akong umiling. Hindi niya dapat malaman ang tungkol doon. "No. Medyo na stress lang ako sa trabaho. Siguro kulang lang ako sa lambing mo," Hinapit ko ang bewang niya at idinikit pa lalo ang katawan niya sa katawan ko. Hinalik-halikan ko rin ang leeg niya. Pero kumalas siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata ng mariin. "What do you feel when you saw them kissing earlier?" Nagkibit-balikat ako. Ewan ko ba kung bakit niya natanong ito. Siguro naninigurado siya na wala na talaga akong nararamdaman sa dati niyang kaibigan. "I felt nothing, babe. Bakit mo natanong?" gagad ko. "Naniniguro lang. So, hindi ka nagselos?" Natawa ako sa sinabi niya. "Babe, never akong magseselos sa kanila. Baka nga sila pa itong magselos sa atin e." Hinapit ko muli ang bewang niya at sa pagkakataon na iyon ay siniil ko siya ng malalim na halik. Hindi ako nagseselos, pero bakit gigil na gigil ako nang halikan ng lalaking iyon si Jheanne? Ibinaling ko na lamang ang atensyon sa paggalugad ng labi ni Janna. At pagkatapos ng nangyari sa amin sa loob ng opisina ko ay umalis siya. Bumalik siya sa kaniyang trabaho na narito lang din sa building namin. Iisang company lang kasi kami. Inayos niya rin muna ang mga kalat sa opisina ko bago siya umalis. "Babe, may pupuntahan lang ako." mahinang bulong ko sa tenga niya. Abala siya sa papel na hawak niya. Binalingan niya ako at nangunot pa ang noo niya, "Saan ka pupunta? Samahan ba kita?" "No, I'm okay. May bibisitahin lang ako. At pagkatapos ay uuwi muna ako sa condo ko." saad ko. "Okay, take care." aniya. Tumango ako at tumalikod na rin. Pagkalabas ko ng building ay kaagad akong tumungo sa kotse ko. Sumakay ako at pinaharurot iyon papunta sa lugar na gusto kong bisitahin ngayon. Sa Condominium Building na pag-aari ng pamilyang Estofa. Nang makarating ako sa condo at mahanap ang unit ni Jheanne ay walang pag-aatubili akong kumatok ng sunod-sunod. Ngunit ilang beses na akong kumakatok ay walang nagbubukas. Napabuntonghininga ako. Siguro walang tao rito. Umikot ako pakaliwa at handa na sanang humakbang para lisanin ang unit niya nang bigla naman silang sumulpot sa dulo ng hallway na magkahawak-kamay ay tatawa-tawa pa. At nang makita nila ako ay pareho pa silang natigilan, pero saglit lamang iyon. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa gahibla na lamang ang layo nila sa akin. "What are doing here?" matigas ang boses na tanong sa akin ni Jheanne. Napangisi ako, lalo na sa kamay nilang magkahawak-kamay. "I came here to check on you," "Check on me? Haha! Okay ka lang ba, Hugo? I'm fine. Why? Do you care about me?" natatawa pa niyang turan sa akin. "Baka kasi nasisiraan ka na ng ulo kaya binisita kita rito," nakangisi kong tugon. Nagbago ang anyo niya dahil sa sinabi ko. Napalitan ng galit ang reaksyon niya. Akmang sasampalin niya ako nang kaagad kong mahagip ang palad niya. "Gago ka! Kahit kailan hindi masisira ang ulo ko dahil lang sa tulad mo! Hindi ka kawalan!" singhal niya sa pagmumukha ko. Napahigpit ang hawak ko sa palad niya dahil sa sinabi niya sa akin. "A-Aray...bitawan mo ako!" sambit niya. Ngunit lalo ko lang hinigpitan ang paghawak sa palad niya. "Aminin mo na sa akin na nagpapanggap ka lang. Na hindi totoo na fiancé mo siya," Sabay baling ko sa lalaking nakatayo lang sa isang tabi at nakatitig sa amin. "Bakit? Hindi mo ba matanggap, huh? Hugo, tanggapin mo na ang katotohanan na kaya ko rin palitan ka ng ganoon ka bilis gaya ng ginawa mo sa akin! Kaya bitawan mo na ako bago pa kita ipakaladkad sa nobyo ko palabas ng building na ito!" Napatiim-bagang ako. Marahas kong binitawan ang palad niya at sunod kong ginawa ay tinulak siya sa pader at idinikit ko ang mukha sa mukha niya. "Sigurado ka?" Nakangisi kong wika. Nanlalaki ang mga mata niya lalo na nang sulyapan ko ang mga labi niya. Hindi siya nakagalaw at hindi na nagawa pang sumagot. Napangiti ako. "I think... you still love me, Jheanne." Inilapit ko ang mukha sa mukha niya at akmang hahalikan siya ngunit bigla na lamang may mabigat na bagay na tumama sa puno ng tenga ko dahilan upang mamingi ako at tila nanilim ang paningin. Tinulak rin ako ni Jheanne palayo sa kaniya at nang balingan ko ito ay nakayakap na siya sa lalaki. Ang lalaki ay galit at kuyom ang kamao. At mukhang handa na naman akong suntokin ngunit pinigilan ito ng dalaga. "Next time na lalapitan mo pa siya at gagawin mo pa iyan ay hindi ako magdadalawang isip na basagin iyang pagmumukha mo." wika niya sa malagim na tono. Hindi ako nakasagot. Hinawakan niya sa braso si Jheanne at inakay papasok sa unit. Habang naiwan naman ako na hawak ang kabilang tenga ko. Pakiramdam ko ay may mga alitaptap na naglalaro sa loob niyon dahil sa pagsuntok ng lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD