Chapter 9

1877 Words
CAMILLA Masama ang loob na umakyat ako sa silid ko. Halos hindi nga ako nakakain kanina dahil sa sobrang frustration ko sa buhay. Daig ko pa kasi ang namatayan sa tuwing iniisip ako ang gustong mangyayari ng mga magulang ko. Para tuloy akong lulugo-lugo na pumasok sa opisina ko ngayon. Masakit kasi ang ulo ko at wala talaga ako sa mood magtrabaho pero dahil kailangan kong pumasok dahil hindi ko naman pwedeng pabayaan ang mga katrabaho ko lalo na at pinapa-rush na ni daddy ang proposal para masimulan na ang next shooting ng promotional video para sa final advertisement ng isa sa new release product ng kumpanya. "Ma'am Camilla, mukhang masama po ang pakiramdam mo," nag-aalala na sabi ni Monique ng makitang mariin na pumikit ako at hinilot ko ang sintido ko. "Yeah, don't worry. Kulang lang ako sa tulog kagabi kaya medyo nahihilo ako ngayon, Monique," pilit ang ngiti na sagot ko. Halos wala kasi akong tulog kagabi dahil panay ang pag-iisip ko kung paano makalabas sa problemang kinasangkutan ko ngayon. Kinalkal ko na yata ang lahat ng detalye ni Jared Laxamana sa lahat ng social media platform hanggang sa nakuha ko ang address ng building na pag-aari nito sa Global City. Tumawag ako sa contact number ng kumpanya niya at humingi ng appointment for today sana pero sabi ng nakausap ko ay hindi pwedeng basta mag-set ng appointment dahil full ang schedule ng boss niya. Nawalan tuloy ako ng pagkakataon na makaharap siya ngayong araw kaya heto trabaho ang hinarap ko pero hindi pa rin ako mapakali dahil ang kasal na gusto nilang mangyari ang tumatakbo sa isipan ko. Matapos tingnan ang opisina ni daddy ay tumuloy ako sa office ko. Laking gulat ko ng may datnan akong bouquet of flowers na first time kong natanggap ng ganito dito pa mismo sa loob ng opisina ko dahil wala naman akong manliligaw kahit noon pa. Bukod kasi sa strict sina mommy ay walang mga lalaki ang nagtangkang lumapit sa akin noon kahit makipag-kaibigan man lang. Siguro hindi talaga ako friendly look sa paningin nila kaya nagkibit-balikat na lang ako. Agad na inabot ko ang bouquet at dinala sa ilong at inamoy. Wow, ganito pala ang pakiramdam ng makatanggap ng bulaklak tapos ang ganda pa ng pagkaka-arrage. Nakangiti na inabot ko ang maliit na envelope na nakasiksik sa loob ng bouquet at binuksan. Daig ko pa ang natukaw ng ahas sa nabasa ko kaya pabagsak na nailapag ko ang card at nabitawan ang bulaklak na hawak ko. "You obviously can't wait to see me again, so you made an appointment. I've always made time for you, sweetheart. I'll see you later." Ang walang hiyang Jared Laxamana na yon. May pa sweetheart at see you pa siyang sinasabi. Ang kapal talaga ng mukha niya para isipin na pupunta ako sa opisina niya dahil namiss ko siya. The nerve! It won't happen, asa pa siya! Simula ng araw na nakaharap ko ang lalaking iyon ay naging magulo na ang mundo ko. Hindi tuloy ako nakapag-pokus sa trabaho ko gaya ng dati. Nagkukukot tuloy ang kalooban na lumabas ako sa opisina ko at pinuntahan ang team ko. "Miss Camilla, ayos ka lang po?" tanong ng isa sa marketing staff ko. "Yes, I'm fine. Pasensya na kayo, inaantok ako," paliwanag ko. Totoo naman yun eh. Inaantok talaga ako at masakit ang ulo ko dahil halos umaga na nang makatulog ako tapos marami pa akong trabahong kailangan na harapin kaya kahit mabigat ang pakiramdam ko ay pumasok ako. Abala ako maghapon at halos hindi ko na nga namalayan ang oras hanggang sa isa-isang nagpaalam ang mga kasama ko na uuwi na raw sila. "Ma'am Camilla, pinatawag po kayo ng daddy mo sa opisina niya," narinig kong sabi ni Monique mula sa kanilang linya. Agad na tinungo ko ang office ni daddy pero nalukot ang mukha ko ng makita na narito na naman ang lalaking kinaiinisan ko. Hindi na sana ako papasok pero malinaw ang mga mata ni daddy, nakita niya agad ako at tinawag para lumapit sa kanila. "Pinatawag n'yo raw po ako daddy?" agad na tanong ko. "Yes, sit down, Camilla." Tinapunan ko ng tingin ang lalaking kaharap ko na nasa akin pala nakatitig ang mga mata. Napa-irap tuloy ako dahil nagsimula na naman uminit ang ulo ko. Nakakapikon na ang lalaking ito, nakainis makita ang pagmumukha niya rito. "Simula bukas, hindi ka na papasok sa opisina mo. Mag-assign ako ng papalit sa 'yo," paliwanag ni daddy. "Po? Bakit dad?" takang tanong ko. Nasa kalagitnaan na kami ng project tapos ganito ang gustong mangyari ni daddy. Sigurado akong mahihirapan ang team ko sa adjustment pero wala akong magawa dahil mukhang tinangal na niya ako sa trabaho. Kung gano'n nga, ano kaya ang plano niya at siguradong iuutos na naman sa akin? "Gusto kong mag-pokus ka na sa arrangements ng kasal mo. Gusto ni Jared na maikasal kayo next week. Mabuti na iyon para may time kayo para sa lahat." Pagkatapos sabihin iyon ay tumayo na si daddy. Inaabot nito ang coat at sinabing umuwi na ako at sinusundo ako ni Mr. Laxamana para sa dinner. Walang kibo na tumayo ako at lumabas ng pinto kasunod ang self proclaimed fiance ko daw. Walang pakialam na naglalakad ako pabalik sa opisina ko para kunin ang gamit at bag ko. Wala akong balak sumama sa kan'ya kahit saan kaya mabuti na rin na sumunod siya sa akin. It's a right opportunity para makausap ko siya. I'm trying my luck for the last time and I'm hoping na maunawaan niya ako at pumayag siya na itigil na namin ang planong kasal na gustong mangyari ng daddy ko. Binaliwala ko ang mga mata niyang nakatingin sa trash bin sa tabi ng mesa ko ng pumasok siya. Mabuti nang nakita mismo ng mga mata niya na naroon ang bulaklak na pinadala niya. Akala siguro ng lalaking ito madadala ako sa pa-flowers niya. "Please sit down, gusto kong mag-usap tayo ng maayos ngayon, Mr. Laxamana," mariin na sabi ko. "About what?" tanong agad nito na nakapamulsa pa ang mga kamay. "Us!" tipid na sagot ko. Ngumiti pero hindi ko nagustuhan dahil para siyang nakakaloko. "Are you going to confess that you missed me today, Camilla?" Napakurap ako, ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa pangalan ko at hindi ko nagustuhan ang epekto noon sa pakiramdam ko. "We are not friends para tawagin mo ako sa pangalan ko, Mr. Laxamana," angil ko. Mahina lang itong tumawa habang naiirita ako na hindi makatiis na singhalan ito. Nakakainis ang pa-ngisi-ngisi niya, para bang sinasabi na agad niya sa akin na panalo na siya. "Ayaw kong magpakasal tayo, Mr. Laxamana. Hindi mo ba naiintindihan na ayaw ko at ano namang mapapala mo kung pakakasalan mo ako?" Nawala ang mapaglarong ngiti sa labi ng lalaking kaharap ko. Naging seryoso siya bigla at tumigas ang repleksyon ng mukha nito. "I don't need to explain everything to you, Camilla. Your father should tell you anything you want to know about this marriage," kibit balikat na sagot nito. "But it's you who agrees with my father's proposal. Kayong dalawa nagkasundo sa kasalang gusto ninyong mangyari," diin ko. "I'm a businessman, Camilla. I don't simply deal without making sure that I'll get something and return it, and that's you, who your father offered me as collateral for my investment." Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na magbabago pa ang pasya ng lalaking kausap ko. Tama nga ang hinala ko, ako ang collateral ng investment niya. "You don't have to marry me, Mr. Laxamana. There are plenty of women out there, so why are you forcing me to agree to this marriage?" frustrated na tanong ko. Seryoso ang mukha na tinapunan niya ako ng tingin. Hindi ko gusto ang uri ng mga mata niyang nakatitig sa akin na tila ba maraming ibig sabihin. "I'm not the one who is forcing you, it's your father who offers you an exchange for me to invest in. Well, I don't mind spending my money with you. He assured me that you would surely agree to be my wife," walang pakundangan na sagot nito. Nag-iinit ang buong mukha ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng isip meron siya para gustuhing bumili ng babae para maging asawa niya. "Hindi ka naman pangit at lalong wala kang kapansanan pero bakit kailangang may involve na pera e pwede ka namang kumuha ng kahit na sinong babaeng siguradong papayag na pakasalan ka ng hindi mo na kailangan na magbayad," frustrated na sabi ko. "Everything is about money, Camilla. Even in this marriage too. Don't think that I want to be with you because I like you, sweetheart. Nothing is special to you except your virginity and your family status." Lalong nag-iinit ang mukha ko sa hiya. Heto na nga ba ang sinasabi ko, talagang pinamukha pa niya sa akin ang lahat. Akala ko pa naman ay pwede ko siyang kausapin ng maayos pero kakaiba pala ang likaw ng pag-iisip niya. "I need to get married to a responsible, beautiful, and strong woman who comes from a well-known family. That is my father's request before he fully gives me the rights and wealth of my family inheritance. You are the best candidate for that, Camilla. It's a good thing that your parents need a huge amount of money urgently, so I easily managed to have a deal with him." Natahimik ako, kagat labi na bumaling ang paningin ko sa pintuan para pigilan ang matinding galit at sama ng loob na bumangon sa puso ko. Pareho lang silang dalawa ng mga magulang ko. Parang isang bagay lang ang turing nila sa akin at wala akong nakikitang pagpapahalaga sa akin kung 'di isa akong dekorasyon na gagamit rin niya. "Get out!" matigas na utos ko. Nakaturo ang daliri ko sa pintuan na tumayo ako dahil ayaw ko ng makita pa siya dito. Kahit anong paliwanag ko, alam ko ng hindi siya makikinig dahil pareho lang sila ni daddy na may personal interest. "Hindi ako aalis ng hindi kita kasama. I had promised to your father that I would send you home," matigas na sagot nito. "I have my own car! Kaya kong umuwing mag-isa," bulyaw ko. Nanliliit ang mga mata nito na hinawakan ang door knob at mabilis na ini-lock ang pintuan. Para siyang galit na leon na humakbang palapit sa akin habang nakatayo ako at hindi malaman ang gagawin. "What are you doing?" kinakabahan na tanong ko. "Camilla, I know you heard me perfectly, but you were stubborn. I'm not going home without you, so let's just stay here and have fun, sweetheart." Nanlaki ang mga mata ko lalo na ng buksan niya ang botones ng suit na suot niya saka niluwagan ang necktie sa leeg. Hindi ko gusto ang nakikita kong mapaglarong ngiti sa mukha niya habang ginagawa ito at nakatitig mismo sa mukha ko na para bang gusto niyang maghubad mismo dito sa loob ng opisina ko kaya umatras ako pero natapilok ako. Pumikit ako dahil akala ko talaga ay babagsak ang p'wet ko sa semento pero maagap na nahawakan niya ako sa bewang at nasalo ng matigas na braso. "Camilla, you can't get away from me or avoid me. You're mine, and when I say mine, I mean it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD