CAMILLA
Hindi ako nakahuma sa narinig ko. Gusto kong tanungin agad si daddy kaya tumayo ako at lumapit sa kan'ya at walang pakundangan na iniwan ang lalaking kausap ko.
"Dad, totoo bang ipapakasal mo ako sa lalaking 'yan?" naiiyak na tanong ko habang nakaturo pa ang hintuturo sa direksyon ng lalaking kinaiinisan ko.
"Lower your tone, Camilla!" nagbabanta ang tinig na utos ni daddy sa akin.
I bite my lower lips to suppress my sobbing. Ayaw kong umiyak sa harap nila lalo na ng walang hiyang lalaking iyon dahil sobrang naiinis ako sa kanilang dalawa. Hindi ko hayaan na magmukha akong kawawa sa harap nila.
"Answer me dad," nanginginig ang tinig na pakiusap ko.
"Yes at pag-uusapan natin ito sa bahay kaya 'wag lang gumawa ng eksena dito, Camilla."
For the first time, umusbong ang matinding sama ng loob ko sa kan'ya. Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang lahat lalo na ang ipag-kasundo niya akong ipakasal sa taong hindi ko man lang kilala ang tunay na kulay ng pagkatao nito in exchange for that silly investment.
Napayuko ako para itago ang pumatak na mga luha mula sa mga mata ko. Nanginginig man ang tuhod ko ay minabuti ko ang lumabas dahil hindi ko kayang humarap sa kanilang dalawa ngayon.
Pakiramdam ko ay umabot na ako sa sukdulan. Patakbong tinungo ko ang pintuan at walang pakialam na iniwan ko silang dalawa. Walang lingon-likod na umalis ako kahit pa narinig ko ang pagtawag ni daddy sa pangalan ko.
Hindi ko nagawang batiin si Monique gaya ng nakasanayan ko ng lumabas ko. Mabigat ang mga paa na tinungo ko ang opisina ko at pasalampak na maupo sa swivel chair sapo ang mukha saka umiyak at tuluyang pinalaya ang sakit at sama ng loob ko sa kasalukuyang sitwasyon ko.
Tanggap ko na ang malamig na turing sa akin ng mga magulang ko pero hindi ko kailan man kayang tangapin ang gusto ni daddy. Buong buhay ko naging sunod-sunuran ako sa kan'ya at bawat sabihin nila ni mommy pero hindi ko akalain na darating ang tagpong magiging collateral ako sa business deal nila ng lalaking basta na lang sumulpot sa buhay namin.
Wala ba siyang girlfriend para ayain ng kasal? He was fine guy, mayaman at mukha namang tao kaya wala akong nakitang dahilan para gustuhin niyang pakasalan ako not unless may hidden agenda siya.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo at nakatitig sa kawalan. Inabot na ng gabi pero bantulot pa rin akong umuwi lalo na at sa tingin ko ay hindi magiging mabuti ang susunod na paghaharap namin ni daddy.
My decision is final. I'm not going to marry that man, and I know my father will surely force me to, but I'm not worried about his wrath this time. He can scold me all he wants, but he can't make me agree to this marriage.
They had already controlled my life for a long time. Naging mabuti akong anak at ginawa ang lahat ng gusto nila kahit pa labag sa loob ko pero hindi ngayon. I had enough.
Sinadya kong malalim na ang gabi ng umuwi ako. Himala na nasa sala pa ang mga magulang ko na para bang hinihintay akong umuwi. Mukhang hindi lilipas ang gabing ito na hindi namin pag-uusapan ang tungkol sa kasal na gusto nilang mangyari.
"Mabuti naman at umuwi ka pa, Camilla," bungad agad ni daddy sa akin ng makitang pumasok ako.
Hindi ako sumagot at humakbang palapit sa kanila at hinarap ko ang mga magulang ko na parehong pormal ang mga itsura ng mga mukha.
Naupo ako kaharap nila pareho at hinihintay kong magsalita ang isa sa kanila at magpaliwanag ng totoong estado ng aming pamilya.
"I had a fixed agreement with your fiance, Camilla, and it's final. Huwag mo akong ipahiya sa kan'ya at ayaw kong may maririnig na kahit ano mula sa 'yo at lalong ayaw ko nang makikita ulit ang kabastusang ginawa mo kanina sa loob ng opisina ko!" singhal no daddy sa akin.
"I'm sorry dad but, I can't marry him," naluluha na sagot ko.
Mabigat sa loob ko ang pag-usapan ang tungkol dito lalo na ang sumagot kay daddy at salungatin ang gusto niya dahil never ko pa itong ginawa sa buong buhay ko pero kailangan dahil ayaw kong matali at magpakasal sa lalaking minsan ko lang nakita ay kasal na agad ang usapan.
Ano ba ang gusto at kailangan niya sa akin?
"Ayaw kong matuloy ang kasal na gusto mong mangyari daddy. Hindi ako papayag sa gusto mo," full of determination na paliwanag ko.
For the last time, I'm hoping na makikinig si daddy sa akin at i-consider niya ang gusto ko. Anak niya ako ako at buhay at kinabukasan ko ang nakasalalay dito.
Hindi ko inaasahan ang sumunod na mangyayari. Tumayo si daddy at lumapit sa akin. Malakas na sampal ang natanggap ko sabay haklit niya sa braso ko kaya napatayo ako.
Walang ginawang kahit ano si mommy na tiim ang labi na para bang walang nangyayari sa harap niya. Tuluyang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko habang hindi alintana ang masakit at pakiramdam ko ay namamaga na kanang pisngi ko dahil sa malakas na sampal na natanggap ko.
"Sa lahat ng ayaw ko ay ang sinusuway ako, Camilla. Baka nakakalimutan mo na ama mo ako at kaya kong baliin ang sungay mo!"
Marahas na binitawan ako ni daddy at itinulak kaya pasalampak na bumagsak sa sofa. Tiningnan ko si mommy na nakasimangot katabi ni daddy na hinilot ang sintido.
"Iyan na nga lang ang magagawa mo para sa pamilyang ito, umaarte ka pa, Camilla. Aba, hindi ka na lugi kay Mr. Laxamana, mayaman at mataas ang estado sa buhay. Galing sa buena familia at gwapo pa. Ano pa ba ang inaarte mo?"
Napailing ako sa narinig ko. Mukhang wala na akong magagawa para baguhin ang pasya nilang pareho. Status at pera ng lalaking iyon ang mahalaga sa kanila at balewala na ayaw ko.
"Alam kong naghihirap na tayo ngayon at bagsak na ang kumpanya pero hindi nyo kailangang ipagpalit ang buhay at kalayaan ko para sa pera," nanginginig at humihikbi na sagot ko.
"Anong sinabi ko? Ulitin mo, Camilla!" tiim ang bagang na tanong ni daddy.
"Nakita ko ang sulat na ipinadala ng banko sa opisina mo. Malaking pera ang utang mo sa kanila at tumalbog pa ang cheque na ibinayad mo dahil wala tayong ganong kalaking amount sa account ng kumpanya," nanghihina na sabi ko.
"What did you do with the money dad? Ilang milyon ang sunod-sunod na inilabas mo sa kumpanya, nakasanla at nailit ang isa sa mga building natin na may malaking trust fund pero bakit hindi pa rin sapat iyon at kailangan mo pa na makipagkasundo Kay Mr. Laxamana?"
"Don't you dare question me, Camilla. Ama mo ako at anak lang kita!" singhal ni daddy sa akin.
Matalim at nagngangalit ang bangang na tinapunan ako ng masamang tingin ni daddy na may halong pagbabanta na para bang gusto niyang ipahiwatig na manahimik ako gaya ng dati. Galit siya dahil sa sinabi ko at hindi man lang siya nag-abala na ipaliwanag ang totoo.
Baka sakali na kapag ginawa niya iyon ay maunawaan ko pa ang lahat pero hindi man lang siya nag-abala na sabihin kung ano ba talaga ang totoong nangyari.
"Tanungin mo ang magaling na mommy mo kung saan niya dinala ang malaking pera na winaldas niya bago mo i-question ang disisyon ko!"
Nalipat ang tingin ko kay mommy, nakasimangot siya pero wala man lang kahit anong wrinkle sa mukha niya. Alaga kasi siya sa botox at banat na banat ang balat niya.
"I invested in my friend's business, and I still had a chance to get that money back, so don't point your f*****g finger at me, Carlo!" mataray na sagot ni mommy.
"I'm not like you na naadik sa sugal at casino. Nagwaldas ka ng daang milyong peso at nagpaloko sa babae mo!"
Lumabas ang tunay na kulay ng mga magulang ko. Sobra pa pala sa akala ko ang tunay na estado ng pamilya namin. Alam ko naman na hindi na maayos ang pagsasama nila pero bakit hinayaan nilang umabot sa ganito?
Nanlumo na pinanood ko ang bangayan ng dalawa. Sobrang nalulungkot ako sa sinapit ng pamilya namin dahil nasa amin na ang lahat pero dahil hindi parehong kontento at masaya ang mga magulang ko ay nauwi kami sa ganito at ngayon ako ang nakita nilang panakip butas sa mga pagkakautang nila para isalba ang kumpanya.
Ilang ulit na napapikit ako habang humahakbang palayo sa nagtatalo na mga magulang ko. Nag-aaway pa sila e, pareho lang naman pala silang may kasalanan. Alam ko na noon pa kung gaano kahalaga kay mommy ang alta sosyedad pero ito rin ang humila sa kan'ya pababa.
Masyado siyang naging magastos at nilustay ang pera ng pamilya tapos si daddy naman pala ay nalulong sa sugal at casino tapos nang babae pa.
What a shame to a well known family like us. Bakit hindi na lang sila naghiwalay para hindi na umabot sa ganito? Baka sakali na kung ginawa nila 'yon ay nagkaroon pa kami ng disente at maayos na buhay pare-pareho.
"Hija, gusto mo bang kumain muna?" tanong ni Yaya Beth ng lumapit ako sa kan'ya sa kusina.
Malungkot na umiling ako at mabilis na yumakap sa kan'ya ng mahigpit. Laging ganito ang eksena sa tuwing masama ang loob ko. Kay Yaya Beth ako tumatakbo. Pakiramdam ko kasi ay mayroon akong kakampi kapag kasama ko siya.
Tanging si Yaya Beth lamang ang nakakaintindi sa akin at wala ng iba. Kahit sarili kong mga magulang ay walang panahon sa akin kahit noon pa dahil pareho silang aabala sa kani-kanilang mga buhay hanggang sa nakasanayan ko na ang ganito.
"Hayaan mo anak, magiging maayos rin ang lahat. Huwag ka ng umiyak, tahan na," pang-aalo ni Yaya Beth.
Humihikbi na umiling-iling ako, alam ko kasi na imposibleng mangyari yun lalo na at nakita ko kung gaano pursigido pareho ang mga magulang ko na ipakasal ako sa lalaking iyon para isalba ang nanganganib na reputasyon nila.
"Anong gagawin ko yaya? Ayaw kong nagpakasal sa lalaking gusto ni daddy para sa akin. Sigurado akong magiging miserable lang ang buhay ko kasama siya dahil walang kahit anong pagmamahal ang namamagitan sa aming dalawa."
Wala akong ibang narinig mula kay Yaya Beth maliban sa advice niyang magdasal ako at manalig sa panginoon. Ito naman lagi ang sinasabi niya tuwing pinanghihinaan na ako ng loob. Gusto kong maniwala pero nawawalan na ako ng pag-asa na magbabago pa ang ugali at pasya ng mga magulang ko lalo na ngayong may involve na pera kaya sigurado akong mahirap ng baguhin ang pasya nila.
Buo na ang ang pasya ko at kahit anong mangyari, hindi ako papayag na matuloy ang kasal na gusto nila. Kung kinakailangan na kausapin ko si Mr. Laxamana ay gagawin ko matigil lang ang lahat ng ito…