CAMILLA
Ang lapit ng distansya naming dalawa, halos sumayad na sa mukha ko ang dulo ng matangos na ilong ni Mr. Laxamana. Ramdam ko rin ang bawat pagtama ng mainit na buga ng hininga niya sa balat ko kaya talagang kinakabahan ako ng husto sa posibleng gawin niya sa akin lalo na at dalawa lang kami dito sa loob ng opisina ko.
"Let me go," mahinang usal ko.
Napalunok ako ng bumaba sa labi ko ang mga mata niya at titigan ako. Ang akward ng sitwasyon namin kaya hindi na ako magtataka na parang may mga dagang nagrarambulan sa loob ng dibdib ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng tumayo siya ng maayos at binitawan ako. Kahit paano nagkaroon kami ng distansya kaya agad na lumayo ako sa kan'ya at inabot ang handbag bag ko.
Pareho kaming walang imikan ng makarating ako sa parking lot. Nagtataka ako kung bakit nakasunod pa rin siya sa akin gayong iba naman ang parking para sa mga visitors na gaya niya.
Nahilot ko ang noo ko ng makitang flat ang gulong ng kotse ko. Sa sobrang pagmamadali ko kanina at absent minded na rin ay hindi ko na napagtuunan ng pansin at basta ko na lang iniwan at umakyat sa opisina ko.
"Get in, Camilla," utos ni Jared na nakatayo sa tabi ng magarang sasakyan niya.
Binigyan na rin pala siya ni daddy ng vip parking at katabi pa ng sasakyan ko kaya nakasunod pala siya sa akin papunta dito.
Walang imik na pumasok ako sa nakabukas na pintuan at mabilis na sumakay at ikinabit ang seatbelt. Ayaw ko kasing bigyan na naman ng pagkakataon na lumapit siya sa akin dahil dito.
Bumaling ang tingin niya sa akin at tinanong kung saan ko gustong kumain pero sinabi kong wala akong gana dahil masama ang pakiramdam ko.
Tikom ang bibig at hindi ako nagtangkang magtanong o magbukas ng kahit anong usapan sa byahe. Talagang pinaparamdam ko sa kan'ya na hindi ko siya gusto kaya wala akong balak kausapin siya hanggang makarating kami sa bahay ng mga magulang ko.
Sabay pa kaming pumasok sa loob pero agad na nagpaalam ako na aakyat na ako sa silid ko. Walang nagawa ang mga magulang ko para pilitin akong humarap sa kanilang tatlo ngayon dahil agad na tinalikuran ko sila at naglakad palayo sa kanila.
Masamang-masama ang loob ko sa kanila kaya hindi ko nagawang magkunwaring ayos lang ako. Ginawa ko ang lahat ng gusto nila pero matapos nilang magpakasasa at maubos ang pera sa kumpanya ako ang nais nila akong ng gawing collateral at hindi naman tinanggihan ni Mr. Laxamana dahil pabor ito sa kan'ya.
Malayo ang tingin habang malalim na ang gabing nakatayo ako sa harap ng bintana. Kanina pa ako nag-iisip pero wala akong maisip na sagot na pwedeng magbago sa kasalukuyang sitwasyon ko.
"Anak," tawag ni Yaya Beth mula sa likuran ko. Pumasok pala siya pero hindi ko man lang nararamdaman dahil sobrang magulo ang isip ko.
"Yaya, wala na po akong ibang maisip na ibang paraan para pigilan ang gusto ni daddy. Nagkasundo na sila tungkol sa kasal at simula bukas, kailangan ko ng maghanda," malungkot na sabi ko.
Hinagod ni Yaya Beth ang likod ko ng yumakap ako sa kan'ya. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin lalo na ng sabihin ko sa kan'ya na sobrang nahihirapan ako.
"Gawin mo ang sa tingin mo ay tama, Camilla. Nasa iyo ang suporta ko, sabihin mo lang kung ano ang maitutulong ko anak at gagawin ko."
Sa sinabi ni Yaya Beth ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na ituloy ang pangalawang option na naisip ko kanina. Nang una ay nag-aalinlangan ako pero biglang nawala ang takot at pag-aalala sa puso ko ngayong narito sa tabi ko ang nag-iisang taong alam kong nagmamahal sa akin ng totoo.
"Gusto ko pong umalis at tumakas dito yaya. Ayaw ko pong magpakasal sa lalaking gusto nilang ipakasal sa akin."
"Sige mag-sabi ka lang kung ano ang maitutulong ko anak," sagot ni Yaya Beth.
Sapat na 'yon para lumakas ang loob ko. Mabilis na lumapit ako sa cabinet ko at nag-impake ng mga importanteng gamit na kailangan ko. Si Yaya Beth na rin ang tumawag ng taxi na sasakyan ko na naghihintay sa backdoor ng mansyon at walang gwardya na nakabantay dahil bihira lang gamitin iyon at matagal ng naka-lock.
Mahigpit na yakap ang ginawa ko sa babaeng walang ibang gusto kung 'di ang maging masaya ako. Hindi ko maiwasan ang hindi umiiyak ng magpaalam sa kan'ya dahil pinag-tulakan akong umalis bago pa makahalata ang mga magulang ko.
Sa isang hotel ako tumuloy dito sa Makati. Pakiramdam ko ay para akong ibon na nakalaya sa kulungan na matagal kong tiniis. Magaan ang pakiramdam na nakatulog ako at tanghali na ng magising ako.
Wala akong ginawa kung 'di ang mahiga at matulog matapos kumain. Hindi ko pa nagawa ang ganito sa buong buhay ko dahil lagi ay subsob ako sa trabaho kaya talaga namang nag-enjoy ako.
Wala na akong pakialam sa mga magulang ko, nag-enjoy naman sila habang naglulustay ng pera so, bakit ako magdurusa ng dahil sa kanila?
Gabi na ng lumabas ako ng hotel suot ang isa sa paborito kong dress. Nagpahatid ako sa isang bar at agad na pumasok. Alam ko na may mga matang nakatingin sa akin, ramdam ko ito lalo na at ilang lalaki rin ang lumapit sa akin para samahan ako sa table ko pero tumanggi ako.
Gusto kong malasing, mag-enjoy ngayong gabi at kalimutan ang lahat. Kahit nahihilo dahil hindi sanay ay tumayo ako at pumunta sa dance floor. Parang may sariling isip ang mga braso na winagayway ko ang mga kamay ko sa ere kasabay ng maharot na tugtog sabay giling ng katawan.
I feel so free, ito ang gusto ko. Malaya at walang pakialam sa paligid. Maraming sumasayaw, siksikan at walang pakialam sa kahit kanino ang mga taong kasama ko dito sa dance floor. Tila iisa ang gusto namin at iyon ang sumayaw hanggang gusto namin.
Saglit pa ay bumalik ako sa table ko at uminom ng tubig dahil pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako but instead of water, I picked the green apple vodka.
It tastes great in my throat. This vodka has a natural essence of green apples that gives it a distinct sweet and sour flavor. I had no idea that drinking like this could help me overcome my fear of crowded places.
My blurry eyes scanned the entire area. madilim at pabago-bago ang kulay ng ilaw. Magulo sa gitna habang ang mga taong panay ang sayaw ay walang pakialam sa paligid.
Sa kabilang banda katapat ng vip table ko ay may ilang naka-hilerang mga sofa. Ilan lamang ang naroon at umiinom. May kanya-kanya sila ng partner at mukhang ako lang pala ang mag-isa kaya maraming nagtangka na lumapit sa akin mula kanina.
Kibit-balikat na sumimsim ako ng vodka na nasa harap ko. I was feeling tipsy na medyo nag-do-double na rin ang paningin ko. Siguro dahil hindi ako sanay uminom ng alak kaya mabilis akong tinamaan at nalasing pero sige lang.
"Hello, Mister. You are not permitted to sit with me. It's my personal space, and I don't want anyone to bother me," mataray na sabi ko.
Napangiti pa ako ng pakiramdam ko dinaya ako ng paningin ko ng mag-angat ang namumungay na mga mata dahil pati ba naman dito ay hinahabol ako ng anino ng lalaking kinaiinisan ko.
"Want some drinks?" hindi natiis na tanong ko na itinuro pa ang baso.
Hindi siya sumagot kaya tumayo ako at iniwan ko siya. I don't want to bother myself just because of random guys who seem to be having a bad day. Lukot na lukot ang mukha na akala mo naman gwapo siya e, kamukha niya ang laking kinaiinisan ko.
Kung hindi lang umiikot ang paningin ko at blurred na rin ang tingin ko sa lahat ay baka akalain ko pa na siya nga ang animal na yon. Well, impossible namang mangyari 'yon dahil hindi niya alam kung nasaan ako.
Walang pakialam na bumalik ako sa dance floor. Nakipag-siksikan sa gitna at sumayaw ng walang pakialam sa paligid. Who cares if I don't have a partner there's plenty guy around me kaya lang wala sa kanila ang atensyon ko.
The alcohol started to affect me pero hindi nakaligtas sa pakiramdam ko na may humapit sa bewang ko mula likuran at sinabayan ako ng sayaw.
Marunong akong sumayaw during my high school and college. Isa rin ito sa activities ko sa bahay para pagpawisan ako kaya kahit hindi ako exposed sa bar, updated naman ako sa mga dance moves.
Ramdam ko ang bukol na tumatama sa likuran ko sa tuwing igalaw ko ang ang katawan ko. Hmm, It appears that whoever is behind me has a massive crotch, and this is confirmed.
Napapikit ako at sumandig sa malapad na katawan niya. Bigla kasi akong nahilo dahil na rin siguro sa panay ang sayaw ko. Lalo tuloy akong napalapit sa lalaking yakap ako at ramdam ko ang paggapang ng palad niya sa tiyan ko.
A moan suddenly scape from my lips, naramdaman pang tumatama sa leeg ko ang mainit buga ng hininga niya sabay lapat ng dila sa leeg ko. He licked my skin in a sensual motion, as if he were seducing me.
"Let's go sweetheart," bulong nito na hinatak ako palayo sa dance floor.
Para akong wala sa sarili na sumunod sa kan'ya. Natatandaan ko na bumalik kami sa table ko at kinuha ko ang clutch bag ko then I found myself inside someone's car without regret.
Ramdam ko kung paano niya ako kinabitan ng seatbelt sa katawan. Nakasandig ang ulo ko habang nakapikit at hinayaan siyang gawin ang gusto.
I didn't even object when I felt this stranger's hand caressing my skin softly from my waist down to my exposed legs.
"f**k!"
I heard him cursing, but his words didn't register on the right side of my mind. My arms wrapped around his shoulders, grabbed the nape of his neck, and smashed my lips against him.
Hindi ako marunong humalik, alam kong lakas loob lang ang meron ako kaya ilang ulit kong nakagat ang labi ng lalaking kahalikan ko. Sinundan ko lang kung paano gumalaw ang labi at dila niya na gumalugad s loob ng bibig ko hanggang sa bahagya siyang tumigil at humiwlay sa akin.
"Let's go to my place, sweetheart," humihingal na bulong nito bago pinatakan ng halik ang leeg ko.
I agreed with him by nodding. I don't care who he is or where we're going, basta makalayo lang ako dito. I don't even bother looking at him or asking his name because I'm not interested. He was just a random lucky guy who got me and my virginity na gustong makuha ni Jared Laxamana kaya gusto niya akong pakasalan.
Whatever happens, he will not have me, and I am certain of it. I'd rather give myself to strangers than to a jerk like him. He will undoubtedly regret purchasing me because, in the end, someone managed to obtain my virginity, and surely that's not him.