Chapter 2

1557 Words
CAMILLA Tulad ng dati, maraming mga tauhan ng kumpanya ang bumati sa akin ng pumasok ako sa building na pag-aari ng daddy ko. "Good morning Miss Camilla, kanina ka pa po hinahanap at tinatawagan ng daddy mo," natataranta na salubong sa akin ni Monique. Siya ang personal secretary ng aking ama noong hindi pa ako nagsisimulang pumasok dito sa opisina. Now, heto dalawa kaming secretary ng dad ko pero asides that hawak ko rin ang marketing team na in charge sa mga promotion ng bagong labas na brand ng juice na gawa ng kumpanya namin. "Bakit daw?" tanong ko agad dito. Alam ko kasi na hindi ako hahanapin at paulit-ulit na tatawagan kung walang kailangan sa akin ang daddy ko. Kung sabagay, hindi na bago ito sa akin. Lagi namang tatawagan ako nito dahil lagi siyang may kailangan. Bukod kasi sa trabaho ko ay taga salo rin ako ng stress at tensyon ni daddy. Walang araw na hindi ako nakarinig ng hindi maganda dito bagay nakasanayan ko na. "Mainit ang ulo ni boss eh. Hindi ko rin alam kung bakit," sagot ni Monique habang naglalakad ng mabilis kasabay ko. Magkasunod na katok ang ginawa ko ng makarating sa harap ng pintuan ng opisina ng aking ama. Marahan ko itong binuksan sa takot na magalit ito dahil ayaw na ayaw ni daddy na na-a-abala ito at maingay. "Good morning po, dad," bungad na bati ko ng makalapit na mesa nito. Galit at padabog na ibinagsak nito sa harap ko ang ilang dokumentong hawak nito. "What is this, Camilla? Nagtatrabaho ka ba o hindi?" galit na tanong nito. Agad na kinuha ko ang papel na nasa harap ko at nakita ko na sales report ito ngayong buwan ng kumpanya. "Dad, tumaas naman po ng two percent ang sales rate natin compared last month," katwiran ko dahil wala akong nakikitang dahilan para magalit ito. "That's not enough Camilla! Masyadong maliit ang two percent na idinagdag ng sales natin! Kahit kailan talaga wala kang kwenta. Ito na nga lang ang trabaho mo hindi mo pa magawa ng tama! Sa tingin mo mapapalago mo ang kumpanya ko dahil sa dalawang porsyento na pinag-mamalaki mo? Wala na bang laman ang utak mo at hindi na makapag-produce ng bagong marketing strategy? Baguhin mo ang promotion ngayong buwan ora mismo! Kapag ganyang figure pa rin ang nakita ko sa susunod, malilintikan ka sa akin!" galit na galit na bulyaw nito sa akin habang nakatayo ako ng tuwid at walang kahit anong emosyon ang mababakas sa mukha ko. Ano pa ba ang aasahan ko, sanay na ako ng ganito. In fact, para na lang itong hangin na dumadaan sa isip ko at lumalabas sa magkabilang tenga ko. Kaya ko na rin takpan ng maskarang suot ko ang masakit na katotohanan na nasasaktan ako sa mga sinasabi nito at naririnig ko. Sa araw-araw na ganito, nagawa ko ng tanggapin. Wala rin namang mangyayari at magbabago kung iiyak ako sa sulok gaya noon. Hindi ko naman kasi ginusto na hindi ako kasing talino ng father ko. Very limited daw ang kaalaman ko at wala akong mararating sa buhay gaya ng sabi nito sa akin. Hindi na ako magtataka na balang araw ay ibigay niya sa iba ang pamamahala ng kumpanya na ito pati na rin ng ibang negosyo ng pamilya namin. Hindi na ako umaasa na pagkatiwalaan ako ni daddy na hawakan at pamahalaan ang lahat ng ari-arian ng pamilya dahil sa totoo lang ay wala siyang tiwala sa kakayahan ko. Lagi niya akong minamaliit. Kahit anong gawin ko ay hindi sapat kaya sa mga pagkakataon na gaya nito ay tahimik lamang akong nakatayo habang pinapakinggan ang mga pang-iinsulto ng aking ama. "Naintindihan mo ba ang sinabi ko ha, Camilla?" malakas na tanong ng aking ama. "Yes, dad," sagot ko matapos magising ang diwa ko. "Wag puro yes lang Camilla! Gawin mo!" bulyaw nito. Tumango lang ako at tuwid na nakatayo na parang rebulto habang patuloy na tinanggap ang masasakit na salitang naririnig ko galing mismo sa bibig ng daddy ko. "Sige lumabas ka na," maya-maya ay utos nito sa akin. Para lang kasi akong robot na walang kahit anong emosyon na nakatayo sa harap niya habang panay ang litanya nito. Agad akong lumalikod at walang paalam na lumabas ng opisina nito. Hangga't maaari kasi ay ayaw ko na magtagal sa loob dahil alam ko naman na ang sasabihin ng daddy ko. "Ayos ka lang Miss Camilla?" nag-aalala na tanong ni Monique ng makalabas ako sa pintuan nang opisina ni daddy. Alam at nakikita kasi nito kung ano at paano ako ituring ng sariling ama ko. "Yeah, kumusta ang schedule niya ngayon?" tanong ko kay Monique sabay tingin ng nakadikit na papel sa ibabaw ng mesa ko. Iniiwan ko kasi ito as remainder dahil na rin sa dami ng trabaho ko ay talagang nauubusan na ako ng oras para isa-isahin ang mga gagawin ko. "Ikaw muna ang bahala sa schedule ni daddy ngayon, Monique. Kailangan ko kasing puntahan ang marketing team ko," sabi ko sabay abot dito ng planner na hawak ko. Masipag si Monique at mapagkakatiwalaan ito. Siya ang katuwang ko sa lahat ng bagay na may kinalaman sa daddy ko kaya nagiging magaan sa akin ang trabaho dahil responsable siyang empleyado. "Sige Miss Camilla, ako na po ang bahala," magalang na sagot nito. Agad akong umalis at iniwan ito dahil masyadong marami akong kailangang gawin. Pinatawag ko ang buong team at dumaan sa matinding planning at revision ang lahat ng upcoming promotion namin. Sa totoo lang naiintindihan ko na malungkot at nanlulumo ang mga kasamahan ko dahil mahabang oras ang ginugol namin para mabuo at matapos ito. Hindi ganon kadali ang gumawa ng isang promotional materials lalo pa at kailangan naming tapusin ito sa loob ng maikling panahon. "Miss Camilla, baka gusto n'yo po na palitan ang endorser natin. Masyadong mahal ang hinihinging talent fee ni Alberto Gaiza. Baka lang pwede po para makatipid tayo at kumasya ang budget na binigay sa atin ni Mr. President. Marami naman tayong models na naka-line up, may mga dating at ibubuga," suggestion ni Tim ang marketing head na siyang nakatalaga sa earn and rewards campaign namin next month. "May approval na ni daddy 'yan, Tim. Alam mo naman na ayaw niya ng paulit-ulit na option," sagot ko dahil kapag nakapag-pasya na ang ama ko ay imposible na mabago iyon. Isa pa, ayaw kong humarap dito para lang sabihin iyon dahil sigurado ako na makakatikim at makakarinig na naman ako ng maanghang na salita mula sa kan'ya. Dahil abala kami, hindi ko na namalayan ang oras na lumipas. Kung hindi pa ilang ulit na tumunog ang cellphone na nasa loob ng shoulder bag ko ay imposible na maalala ko ito. Natampal ko ang noo ko at naalala na kailangan ko palang umuwi ng maaga. "Hello mom," sabi ko ng masagot ko ang tawag ng mommy ko. "Camilla, where have you gone? Didn't I say to come back early? Do I have to keep calling and reminding you of your obligations? How careless are you?" matinis na boses ni mommy ang bumungad sa akin ng sagutin ko ang tawag nito. Napapikit na lang ako, palibhasa wala namang ibang trabaho ang aking ina kung 'di makipag-tsismisan sa mga amiga sa social media at magpaganda kaya hindi n'ya alam ang effort ko kung paano ko pagsabayin ang mga trabaho na binigay ni daddy sa akin at pati na rin ang boring na mga parties na gustong puntahan ng mga magulang ko kasama ako. Para tuloy akong de-susing manika na ang gagawin at susundin ay ang mga kagustuhan nila. "Pauwi na po ako mom. May tinatapos lang po ako," magalang na sagot. "Wala akong pakialam kung anong ginagawa mo d'yan! Umuwi ka rito ngayon para maayusan ka ng beautician na kinuha ko. Ayaw kong mapahiya na pupunta ka doon na mukhang manang ang ayos mo dahil lahat ng dadalo doon ay mga maimpluwensyang tao. Huwag mo akong ipahiya Camilla!" masungit na sabi pa nito. "Yes mom," agad na pinutol ko ang tawag nito at nagpaalam sa mga katrabaho ko. Alam ko na overtime sila ngayon dahil tinatapos nila ang trabahong pinaulit sa amin ng daddy ko. Naaawa man ako sa kanila dahil ako mismo ang saksi kung paano sila napuyat at napagod para makagawa at matapos lamang kami ng maganda at papatok na advertisement sa masa pero nasayang iyon ng ibasura ni daddy ang proposal na ginawa namin. Hindi na ako magtataka sa ginawa nito sa tauhan niya. Sa akin nga na anak niya ramdam mo na wala siyang pagpapahalaga. Paano pa kaya sa mga simple at ordinaryong tauhan na kasama ko sa araw-araw? My dad didn't value relationship. Para sa kan'ya, sa mundo ng negosyo, kumpetisyon ang mahalaga. Hindi umano dapat gumagamit ng puso dahil ito ang magpapabagsak sa kan'ya. Sa bagay na iyon ay hindi ako sang-ayon dahil para sa akin, nasa maayos na pagsasama ng isang negosyante at mga tauhan nito nakasalalay ang tagumpay ng isang negosyo maliit o malaki man ito. Nakakapagod at nakakasawa na. Umayaw at sumuko man ako pero sa hindi hindi ko magawa dahil bukod sa mga magulang ko ay alam kong may mga taong umaasa sa akin. Mga taong kasama ko sa trabaho at hindi ako tinitingnan na mababa kung 'di puno ng paggalang at respeto malayo sa kung paano ako ituring ng mga magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD