CAMILLA
Suot ang hapit at humahakab na black evening gown, katabi ang aking ina na panay ang litanya sa akin na gumawa daw ako ng paraan para magamit ko ang posisyon ko bilang marketing manager ng kumpanya mamaya sa party.
Ilang ulit niyang sinisiksik sa utak ko na kailangan namin ng maraming investor kaya mahalaga sa kanila ang mga party na ito.
Actually, hindi naman talaga pakikisaya ang pakay ng mga magulang ko sa birthday party na pupuntahan namin kun'di ang makipag-kompetensya sa mga amiga at makahanap ng mas mayaman na pwedeng maging investor o kaya naman business partner ng daddy ko.
Nagtataka ako dahil independent company ang kumpanyang pinamamahalaan ni daddy. Malaki at stable na ang posisyon ng negosyo pero hanggang ngayon parehong hindi marunong makuntento ang mga magulang ko.
Para silang mga batang takot maagawan ng laruan o ng kendi na kinakain. Ramdam ko na pareho silang takot maghirap at ginagawa ang lahat para lalo pang lumaki ang net worth ng kumpanya.
Bagay na naiintindihan ko kasi galing sa mahirap na pamilya ang mommy ko. Nakilala ito nang daddy ko ng minsan siyang lumuwas ng Maynila para sumabak sa beauty contest kung saan naroon ang aking ama dahil isa ang kompanya nila sa sponsor ng nasabing event.
Nagbago ang uri ng pamumuhay ni mommy. Masyado niyang pinahahalagahan ang status niya sa social media bilang beauty queen at hindi niya nagustuhan ang desisyon ko na manatiling pribado ang personal na buhay.
"We're here, Camilla. Gawin mo ang sinasabi ko ng makatulong ka naman sa kumpanya natin," sabi pa nito.
Nagkibit balikat lang ako dahil ayaw kong makipagtalo. Nauna na akong bumaba dahil sa kabilang pintuan siya lumabas.
Sabay kaming pumasok at nakahawak pa sa braso ko ang mommy ko na tila masayang-masaya na nakangiti sa lahat ng taong nakikita nito.
"Smile Camilla, ano ba?" gigil na sabi nito ng lumapit ang mukha sa akin pero nakangiti pa rin ito.
Ang plastic lang ng dating pero sanay na ako. Hindi na bago sa akin ang bagay na nakikita ko.
Mabait, responsable at mapagmahal na ina ang Mommy ko. 'Yan ang image na pinangangalagaan nito sa social media dahilan kaya narito ako para gawing dekorasyon at pang-display ng aking mga magulang.
Pumasok kami sa venue at agad na lumapit kay mommy ng mga kaibigan nito. Iniwan ako nitong nakatayo sa gilid at tuluyang napunta sa mga amiga ang atensyon nito kaya sinamantala ko at mabilis na tumalikod ako para maghanap ng exit.
Ito ang malimit na ginagawa ko sa mga party na pinuntahan ko kasama ang mga magulang ko.
Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa dami mga taong nakikita ko sa paligid. Puro ka plastikan at pagkukunwari ang mundong ginagalawan namin kaya wala akong ganang makisalamuha sa kanila.
Mas gugustuhin ko na lang ang mahiga sa kama sa loob ng silid at magpahinga. Ito kasi ang kulang sa akin dahil buhos ang oras at atensyon ko sa trabaho.
Laking ginhawa ko ng malayang nakasagap ako ng sariwang hangin sa sulok ng garden sa likod ng bahay kung saan nagaganap ang event.
Dito, malaya akong nakatingala at nakatingin sa langit habang pinapanood ang maraming mga nagkikislapang mga bituin.
Mabuti pa ang mga bituin sa langit, kahit malayo ay sama-sama sila. Hindi gaya ng pamilya ko na wala man lamang akong maramdaman na koneksyon namin ng mga magulang ko.
"I don't care, gawin mo ang trabaho mo!" malakas na tinig ng isang lalaki ang narinig ko malapit sa lugar kung saan ako nagkukubli para hindi ako mahanap ng mommy at daddy ko.
Magda-dahilan na lang ako mamaya oras na hanapin ako at tanungin kung saan ako napadpad.
"Sa lahat ng ayaw ko ay palpak ang mga trabaho n'yo. Kung hindi mo kayang gawin ang responsibilidad mo, mas mabuti na magpakamatay ka na lang dahil kapag ako ang gumawa n'yan, hindi mo gugustuhin na mawalan ng hininga sa mga kamay ko!" bulyaw pa nito sa kausap.
Lihim na napa-iling na lang ako sa naririnig na sinasabi ng lalaking malapit sa akin sa taong kausap nito.
Ganito na talaga kapag maraming pera at kapangyarihan. Wala silang pakundangan kung magsalita kahit nakakasakit na sila ng damdamin ng iba.
Base sa mga naririnig ko ay hindi ko pa man kilala ang lalaking may kausap sa cellphone nito malapit sa akin ay nagsisimula ng bumangon ang galit na namumuo sa puso ko para dito.
Katulad na katulad niya magsalita ang Daddy ko. Sila ang uri ng mga taong kinamumuhian ko. Mga walang puso at konsiderasyon sa kapwa.
"Gawin mo! Gusto ko ay bukas na bukas may maibibigay ka ng report at matinong sagot sa akin. Naiintindihan mo?" masungit na tanong nito sa kausap.
Natigil lang ang pakikinig ko ng biglang tumunog ang cellphone sa loob ng clutch na hawak ko.
Oo nga pala, hindi ko man lamang naisip na i-silent mode ang cellphone ko.
Hindi ko ito sinagot ng makita na si mommy ang tumatawang. Alam ko na ang sasabihin nito dahil posibleng hinahanap na niya ako sa mga oras na ito. Pinatay ko na lang ang cellphone na hawak ko at muling ibinalik sa loob ng clutch ko.
"Are you spying on me here?" baritono na boses at tanong ng isang lalaki mula sa likuran ko. Kahit hindi ko lingunin ito alam ko na siya ang lalaking may kausap kanina lamang.
"And why would I do that?" mataray na tanong ko.
Hindi ito sumagot pero mabilis na nakalapit pala ito sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko saka mabilis na naiharap dito.
Nanlalaki ang mga mata na bumungad sa paningin ko ang seryosong mukha ng isang lalaki na ngayon ko lang nakita at nakaharap.
"Sa lahat ng ayaw ko ay ang may sumusunod sa akin at nakikinig sa personal na conversation namin ng kausap ko," seryoso at matigas na sabi nito.
"Bakit naman kita susundan? Hindi ko na kasalanan na bulag ka at hindi mo ako nakita na nasa sulok bago ka dumada sa kausap mo. Kasalanan ko bang reckless ka?" pikon na sagot ko habang hinihila ang braso sa mahigpit na pagkakahawak nito.
Kita ko kung paano nagsalubong ang makapal na kilay nito at tiim bangang na tinitigan ang mukha ko.
"Hindi mo kailangan na magkunwari para mapansin ko. Well," sabi pa nito saka pinasadahan ng tingin ang mukha at katawan ko.
"Maganda ka at nakuha mo ang interest ko. Shall we go? Your place or mine?" halos pa bulong na tanong nito saka biglang hinapit ang bewang ko dahilan para magkalapit ang mga katawan namin.
"Bitiwan mo ako!" inis na piglas ko.
Sa lahat ng ayaw ko ay pinipilit ako at pinangungunahan sa lahat ng bagay. Walang pinagkaiba ang lalaking ito sa kung paano ang asta nito sa trato ng mga magulang ko sa akin.
Wala akong nagawa ng hawakan ako nito sa batok saka mabilis na bumaba ang mukha nito sa mukha ko at sinibasib ng halik sa labi.
Halik na naging dahilan para mapako ako sa kinatatayuan ko. Siya ang unang pangahas na lalaking humalik sa akin ng walang paalam.
Sa inis ko ay kinagat ko ng mariin ang labi nito at hindi ko binitiwan hanggang hindi ko nalalasahan ang dugo sa bibig ko.
Lumuwag ang kapit nito sa akin bagay na sinamantala ko habang sapo nito ang nasugat na labi kaya mabilis ang naging galaw ko at tinuhod ito sa gitna ng hita nito dahilan para magulat sabay hawak sa nasaktan na p*********i nito.
"Para sa kaalaman mo, hindi ka gwapo at lalong hindi ako interesado sa 'yo para sundan ka dito! Wala akong pakialam kung sino ka man na herodes ka, pero sa susunod na bastusin mo ako, babangasan ko iyang pangit na mukha mo!" gigil na duro ko dito saka humakbang paatras.
Kita ko na mukhang bumuti na pakiramdam nito kaya lumayo at piniling pumasok sa loob dahil baka kung ano pa ang gawin ng estranghero na 'yon sa akin lalo pa at dalawa lang kami sa garden.
"Saan ka ba nagpunta na babae ka? Kanina pa kita hinahanap para ipakilala sa mga anak ng amiga ko," inis na salubong ni mommy sa akin.
Kulang na lang ay ikutan ko ito ng mga mata sa inis. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, sinama niya lang ako para makilala ang mga anak na binata ng amiga nito na kadalasan ay nauuwi sa tampulan at reto na mapapangasawa ko.
"Tinatanong kita! Saan ka galing? Sinasabi ko sa 'yo Camilla 'wag kang gagawa ng kahit anong ikasisira ng reputasyon at pangalan natin," mariing sabi at tanong ng aking ina habang nakangiti na akala mo may kung anong masayang bagay na sinasabi pero matalim ang mga mata na tila humihiwa sa pagkatao ko.
"Where have you been?" ulit na tanong nito dahil hindi ako umimik at walang emosyon na kaharap nito.
"She's with me, Mrs. Gonzalez," sagot ng lalaking kanina lang ay iniwan ko habang namimilipit sa sakit sa garden.
Inis na napapikit ako. Disaster sa akin ang gabing ito at mukhang ipapahamak pa ako ng lalaking nasa likuran ko na alam kong ilang pulgada na lang ang distansya namin dahil ramdam ko ang presensya niya.
"Mr. Laxamana," malakas na bati ni daddy sa lalaking ngayon ay nasa tabi ko matapos pumantay sa akin at titigan ako.
"Mr. Gonzalez," seryoso na sabi nito sabay abot ng nakalahad na mga kamay ng daddy ko habang maningning ang mga matang nakatingin sa amin na tila kaaya-aya sa mga mata nito ang nakikita.
Full force ang ngiti sa mga labi ni mommy na kalaunan ay bumaling sa daddy ko matapos kabigin siya at halikan sa ulo.
Typical na mga pa sweet at display of affection ang drama ng mga magulang ko bagay na gusto ko ng masuka dahil sa bahay ay hindi naman nagpapansinan ang mga ito at magkahiwalay pa ng silid.
"I didn't know that you two knew each other," komento ni daddy na nakatingin sa amin.
Siguro kilala sa mundo ng business world ang lalaking nasa tabi ko dahil hindi ito papansinin ng ama ko kung wala itong matatag na pangalan at mataas na status sa buhay.
"Yes, masaya ako na nakilala ang anak n'yo," walang paligoy-ligoy na sabi nito sa mga magulang ko na lalong lumuwag ang mga ngiti sa labi.
Nakaka-boring ang mga sumunod na pangyayari dahil panay ang daldal ng mga magulang ko sa lalaking tinawag na Mr. Laxamana na tila ba matagal ng kausap habang ito naman ay bilang at tipid lamang ang mga salitang binitiwan.
"Pwede ko bang hiramin muna ang anak n'yo ngayong gabi?" tanong nito sa mga magulang ko.
"Sure, alam ko na hindi mo pababayaan ang anak namin," nakangiti na sagot ng daddy ko sabay sulyap sa akin.
Gusto kong umalma kasi para lamang akong isang bagay na pinamigay ng mga magulang ko sa lalaking katabi ko matapos kaming talikuran ng mga ito para makipag-sosyalan sa mga taong narito sa party.
Lukot ang mukha na humakbang ako palayo sa perwisyo na lalaking sumira ng gabi ko pero mabilis ang naging galaw nito at naabot ang braso ko.
"Let me go!" piksi ko.
Naiinis na ako ng sobra sa lalaking ito dahil feeling close makahawak sa braso ko na akala mo ay magkakilala kami.
"Narinig mo na sa akin ka pinagkatiwala ng mga magulang mo. Stay with me," puno ng authority na sabi nito.
Nakataas ang kilay na bumaling ako rito.
"Hindi ka naman siguro bingi para hindi mo marinig na hindi ako sumang-ayon sa usapan n'yo," mataray na sagot ko sabay apak sa paa nito para bitawan sana ako pero mabilis na nailayo nito.
"Feisty woman, hindi mo na ako maiisahan," nakangisi na sabi pa nito.
"Ako ang makakasama mo sa ayaw at gusto mo," sabi pa nito.
Gusto kong sumigaw ng malakas dahil sa labis na inis at pagkapikon. Kung bakit ba naman kasi napapaligiran ako ng mga taong gustong-gusto eh kontrolin ang buhay ko.
Walang karapatan ang lalaking kinaiinisan ko ngayon na gawin sa akin ito dahil in the first place, hindi kami magkakilala man lamang dahil ngayon ko lang na siya nakita.