CAMILLA "Anong nakakatawa sa sinabi ko?" inis na tanong ko. Hindi ko na nga naisip na Tagalog pala ang nasabi ko dahil talagang nag-iinit pati bunbunan ko. Nagawa pa niya akong pagtawanan, samantalang nakikita naman niya na pikon na ako dahil pinapaiikot pa niya ako. Madali naman akong kausap, basta bayaran niya, tapos na agad ang usapan at willing naman akong umalis dito sa bahay niya agad-agad kahit hindi niya sabihin basta may pera lang akong hawak. "You," narinig kong sagot ni Alex kaya tinapunan ko ito ng masamang tingin. "I'm not a clown," inis na sagot ko na inirapan ito. "You look cute when you're angry like that," tumatawa na sagot nito kaya lalo akong naiinis at gumalaw ang paa ko kaya sinipa ko ang malapit sa akin na binti nito. "Ouch! Feisty woman!' daing nito na naka-n