CAMILLA Parang batang inagawan ng candy na naglupasay ang babae ni Alex sa harap namin ng marinig ang sinabi ko bago umalis. Nagkatawan pa kami pareho ng mawala ito sa paningin ko at sinabi ng pasaway na lalaking kasabay kong kumakain na good job daw pero inirapan ko. "I just helped you kasi mukha ka ng kawawa," mataray na sabi ko na tinawanan ni Alex at sinabing cute ko daw kanina ng palayasin ko ang babae niya. "I can be a father to your child if you want," pabirong sabi nito sa akin pero napa-ngiwi ako. "No, thanks. May tatay ang anak ko," agad na sagot ko. "Na pinagtataguan mo. Why don't you talk with him? Who knows, maybe he changed his mind now that you two have a child, and he doesn't just want your child, but also you," tanong nito pero hindi ako sumagot. Hanggang ngayon ay