CAMILLA Wala akong ibang ginawa sa loob ng dalawang araw na lumipas kung 'di ang kumain at matulog. Ngalay na nga ang katawan ko dahil lagi akong nakahiga pero wala akong magawa dahil hindi naman ako pwedeng kumilos pa lalo na at posibleng bumuka ang sugat ko kaya nag-iingat ako ng husto. Kahit nakakapanghina ang mahiga lagi ay hinayaan ko muna ang sarili kong mabawi ng lakas at makapag-pahinga. Para rin ito sa amin ng baby ko at thankful ako kay Alex na hindi niya ako pinabayaan sa panahong mahina ako. Kahit critical ang lagay niya ay ibinilin pala ako sa mga tauhan na huwag pabayaan. Tama nga ang assessment ko sa kan'ya noon, hindi naman siya masamang tao kaya hindi ako natakot sa kan'ya ng husto. Konti lang dahil nagulat ako nang tutukan niya ng baril sa ulo kaya nanginig talaga an