Chapter 7

1834 Words
CAMILLA Nanahimik ako sa loob ng opisina ko at hindi na nagtanong kahit kanino ng tungkol sa nalaman kong problema ng kumpanya. Hindi na rin ako nag-abalang tumawag at magtanong kay mommy dahil sigurado naman akong hindi niya sasabihin sa akin kahit may alam siya tungkol dito. Kung sabagay, bakit pa ba ako aasa kay mommy e, knowing na sa lahat ng mga nangyari sa loob ng bahay namin ay wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang tumango at makinig sa bawat sasabihin ng mga magulang ko dahil yun ang gusto nila. Tahimik na nakaupo ako sa swivel chair habang nakatutok ang mga mata sa nakabukas na laptop sa harap ko nang may biglang kumatok at pumasok si Monique. "Pinatawag po kayo ni Mr. Chairman," magalang na sabi nito. I wonder kung ano na naman ba ang kailangan ni daddy at bakit niya ako pinatawag. Hindi kaya nakarating sa kan'ya ang ginawa kong pagtawag sa banko at pag-usisa sa mga utang niya at kagagalitan ako? Malakas ang kabog ng dibdib at kinakabahan na naglalakad ako papunta sa opisina ni daddy. Pinilit ko kaninang 'wag pumunta at magpakita sa kan'ya dahil hindi maganda ang pakiramdam ko na haharap ako sa kan'ya. Siguro ganito talaga ang pakiramdam kapag gumawa ng isang bagay na alam kong bawal dahil pinakialaman ko ang mga bagay na personal at sekreto na dapat ni daddy kaya lang hindi ako mapakali dahil bilang anak niya ay malaki ang responsibility ko na tulungan siya lalo na at maraming mga empleyado ang umaasa sa kumpanya. Isang malalim na buga ng hangin ang pinakawalan ko bago kumatok. Narinig ko pa ang mahinang pag-click ng pintuan ng opisina ni daddy kaya agad na humakbang ako papasok. Napatda ako ng sa pagpasok ko ay nadatnan kong may kasama si daddy kaharap niya sa receiving area ng opisina niya habang parehong may ngiti sa labi. "Good afternoon dad," magalang na bati ko. Tinapunan ako ni daddy ng seryosong tingin bago inutusan na maupo kaharap niya. Nangunot pa ang noo ko ng sa mismong katabi ni Mr. Laxamana ako pinaupo. Sa lahat ng tao sa mundo, hindi ko inaasahan na siya pa ang makikita ko. Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking ito at pumunta dito. "Are you not going to greet your fiance, Camilla?" tanong ni daddy. Nanlalaki ang mga mata na nag-palipat-lipat ako ng tingin sa kanila. "Fiance?" maang na tanong ko. Ito ba ang sinabi ng walang hiyang lalaking ito kay daddy kaya iyon ang alam niyang relasyon naming dalawa at kaya niya ako pinatawag ay naniwala naman ang magaling kong ama? "But dad.." akmang magpapaliwanag ako ng itaas ni daddy ang kanang kamay niya para pigilan ako. "Sinabi na sa akin ni Jared ang totoo kagabi. He explained that you two are engaged and have agreed on a wedding date," sabi pa ni daddy. Pakiramdam ko ay lumaki bigla ang ulo ko. Anong kalokohan na naman ba ang naisipan ng animal na ito at talagang gustong guluhin ang buhay ko kaya ganito na lang ang pinagsasabi niya? "You don't have to explain anything, sweetheart. I have discussed everything to your father, and he was fine with it," nakangiti na akala mo ay maamong tupa na sabi ni Mr. Laxamana. Sweetheart? What the hell is wrong with him? "Stop lying, Mr. Laxamana. Hindi ka nakakatuwa," mahina at pabulong na sabi ko na bahagyang lumapit ang mukha ko sa kan'ya para hindi marinig ni daddy ang sasabihin ko. Imbis na sumagot ito ay bumaling sa akin ang mukha at kumiling ang ulo. Sa bilis ng pangyayari, tumama tuloy sa pisngi niya ang mukha ko at hindi sinasadyang lumapat ang labi ko sa balat niya. "Thank you for the sweet kiss, sweetheart," malakas na sabi nito na naka-ngisi nang nakakaloko. Inis at hindi nakapag-pigil na tumayo ako at sinampal ko siya sa harap mismo ng daddy ko. "Mr. Laxamana, stop this nonsense! I don't want to play games with you, let alone be used in your games. I don't even know who you are, and now you've called me sweetheart and you wanted to marry me?!" Ramdam ko na hinawakan ako ng mahigpit ni daddy sa braso pero dahil sa sobrang galit ko talagang hindi ko na na-kontrol ang sarili ko kahit pa kaharap ko si daddy at nagawa kong magalit for the first time ng ganito. "Stop it Camilla!" mariin na utos ni daddy mula sa likuran ko. "Sit down and apologize to him!" Tinapunan ko ng masamang tingin ang nakangising lalaking tila natutuwa pa habang hinihimas ang panga na nasapak ko. Siya ang may kasalanan kung bakit lalo lamang na piste ang araw ko kaya kahit kailan, hindi ko pinagsisihan na sinampal ko na naman siya sa harap ni daddy mismo. "It's okay Mr. Gonzalez. I know she's a feisty woman, and I can't blame her: she was just overwhelmed seeing me here." Jezz, ano bang klase ng nilalang ang lalaking ito at ang kapal ng mukha niya talaga para gawin sa akin 'to. Namumula ang mukha sa galit na napaupo ako. Bigla tuloy akong naging ugaling kalye dahil sa lalaking ito. Kung alam n'ya lang kung paano ko siya pinapatay ngayon sa isip ko ay baka hindi na niya magawang ngumiti sa harap ko. "Ipinahanda ko ang lahat ng documents na kailangan natin, Mr. Gonzalez. Don't worry; I'm a man of words. I'll invest in your company, and that's a done deal." So ito pala ang dahilan kaya narito ang lalaking ito. Nabilog ni daddy ang ulo niya at napapayag na mag-invest sa negosyo niya. "I'm glad to hear that, Jared," nakangiti at maaliwalas ang mukha na sagot ni daddy. First name basis na ang tawagan nila as if naman na close na nga sila. Sure na natutuwa si daddy dahil sigurado akong ang lalaking ito ang magsasalba sa kumpanya. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi na ako mag-aalala na posibleng bumagsak ang kumpanya dahil sigurado akong hindi tatanggapin ni daddy ang investment nito kung hindi malaki ang involved na amount. Ilang sandali pa ay may kumatok at pumasok si Monique. May kasama itong may edad na lalaking pormal ang ayos at mukhang kagalanggalang. Agad na binuksan nito ang dalang attache case at kinuha ang isang folder bago inabot kay Mr. Laxamana. Para akong tuod na pinanood ang mga sumunod na pangyayari. Agad na pumirma si daddy matapos niyang buklatin ang inabot sa kan'ya at sa tingin ko ay hindi man lang niya binasa ang content dahil basta na lang niya inabot ang ballpen at pumirma. "It's only for formality purposes. Mr. Gonzalez, I put my trust in you, and I know my money is safe in your hands." Umikot ang mga mata ko sa narinig kong usapan nila ni daddy. Pareho kaming tahimik ng lalaking dumating na abugado pala ni Mr. Laxamana. "Well since everything is settled, we should celebrate, Jared," malaki ang ngiti na alok ni daddy. Inutusan ako nitong kumuha ng alak sa mini bar niya sa dulo ng opisina para ipaghanda sila ng inumin. Wala na ang abogado ni Mr. Laxamana ng bumalik ako. Tanging kaming tatlo lamang ang naiwan at mukhang gagawin pa rin akong dekorasyon at utusan ni daddy dito. "I'm sorry for leaving now, Dad, but I have to. I called an emergency meeting with my team about one of our advertisements," dahilan ko dahil hindi ako makatagal na kasama sila. "Camilla, you don't have to go there and leave us here alone. We have a visitor here; please join us in celebrating," utos ni daddy. Wala akong nagawa kung 'di ang maupo kasama sila. Kahit naman hindi ko gusto na nakikita ang mga mukha nila ay naging professional ako at sinalinan ng alak ang dalawang baso at inabot sa kanila. "Cheers!" malakas na sabi ni daddy at itinaas na pa ang baso. "For our partnership success, Mr. Gonzalez." Parehong masaya ang dalawa habang ako nagkukukot ang kalooban ko. Sigurado akong kung alam lamang ni Mr. Laxamana na halos said at pa bankrupt na ang kumpanya ay alam kong imposibleng pipiliin niyang mag-invest sa negosyo namin. "You don't have to be formal with me, Jared. You are very much welcome to our family, hijo." Biglang nag-ring sa utak ko ang sinabi ni daddy at nag-palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Awang ang labi na pinagmasdan ko kung paano itinaas ni daddy ang baso hudyat na nagkasundo na nga sila. "Dad," agaw ko sa atensyon niya. "What is it Camilla?" tanong ni daddy na pormal at seryoso ang expression ng mukha. "Can we talk for a while?" lakas loob na tanong ko. May hindi magandang hinala kasing naglalaro sa utak ko. My goodness, 'wag naman sanang tama ang iniisip ko dahil hindi ko alam kung paano ko mapipigilan na naman ang sarili ko. "You can say it here now, Camilla. Hindi na iba sa atin si Jared, and I'm sure he won't mind if you say something." Napalunok ako ng ilang ulit, my father's statements were giving me a hint that my assumption might be right. The way he spoke, as if this man beside me were already a part of our family. "Why did you accept Mr. Laxamana's investment?" Bahagya naningkit ang mga mata ni daddy. Alam kong ayaw niya akong magtanong ng ganito but he didn't give me a choice. Nagpaalam ako sa kan'ya at siya mismo ang nagsabi na magtanong ako kahit kaharap ang lalaking ito. "For our business expansion," tipid na sagot ni daddy. I don't believe it, alam kong may mali at hindi niya ako mapaglilihiman pero itinikop ko ang bibig ko. Nakatutok lamang ang mga mata ko sa folder na nakalatag sa center table. Dalawa ito at ang isa ay hawak ng abogado ni Mr. Laxamana. Kanina pa nangangati ang mga kamay ko na abutin ito pero mukhang napansin ni daddy na doon nakatutok ang mga mata ko pero agad na kinuha ang papeles at tumayo. "I have to keep it safe." Sinundan ko ng tingin si daddy hanggang sa pumunta ito sa table niya at nilapag ang papeles. Naiwan tuloy kaming walang imikan ng lalaking katabi ko na sumimsim ng alak na hawak nito. "In a few days, we're getting married, Miss Gonzalez and I want you to be aware of it." Niyanig ang buong pagkatao ko sa narinig kong statement ni Mr. Laxamana. Is he out of his mind para sabihin sa akin ito? "Stop making fun of me, bago pa mag-dilim ang paningin ko at ipakaladkad kita palabas dito," inis na sagot ko. Ngumisi lang ito na inalog pa ang hawak na bago bago bahagyang lumingon sa akin para nginisihan ako. "I bet you haven't absorbed everything yet, Camilla. I am part owner of this company. I own a big share of your family business and from now on, I own you too, sweetheart." Own me? Is it possible that the deal he had with my father ay may kaugnayan rin sa akin kaya ganito na lang kung magsalita ang bastos at walang modong lalaking ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD