CAMILLA
Masakit ang mga paa, pati na rin ang buong katawan ko nang magising at bumangon ako. Parang binibiyak ang pakiramdam ko sa ulo ko at nahihilo pa ako. Siguro dala ng labis na pagod at puyat kagabi, sabayan pa na may pailan-ilang patak ng ulan habang naglalakad ako tapos malakas at malamig rin ang simoy ng hangin kaya hindi na ako magtataka na masama ang pakiramdam ko ngayon.
Laking ginhawa na naligo ako gamit ang warm water. Nakatulong ito para kahit paano ay bumuti ang mabigat na pakiramdam ko. Minabuti kong bumaba at kumain agad para makainom ng gamot. Hindi ako pwedeng magkasakit dahil lalo lamang mahihirapan ang sarili ko kung hayaan kong lumala ang masamang pakiramdam ko.
For sure, balewala sa kanila na magtrabaho akong halos lupaypay, lalo na kay daddy na ang tingin sa akin ay kapareho ng mga empleyado niya sa kumpanya. Hindi big deal kung masama ang pakiramdam ko o hindi basta ang importante ay magagawa ko ang trabaho ko.
"Mabuti at bumaba ka na hija. Tatawagin na sana kita kaya lang naisip ko na baka tulog ka pa," nakangiting sabi ni Yaya Beth.
Ngumiti rin ako sa kan'ya sabay hatak ng silya ay nanlalambot na naupo.
"Sina mommy po, yaya?" tanong ko na tumingin sa kan'ya.
"Umalis ang daddy mo. Maaga nga, narinig kong mag-gu-gulf sila ng mga kumpare niya tapos ang mommy mo naman ay sinundo ng amiga niya at magpapasalon."
Napangiti ako, kung gano'n wala sila kaya malaya akong makakakain ng pagkain na gusto ko.
"Yaya, may fried rice po ba tayo?" excited na tanong ko.
Basta kasi wala si mommy dito sa bahay ay swerte ko na makakain ako ng mga pagkain na gusto ko at hindi puro salad at prutas gaya ng gusto niya kaya lihim na nag-bubunyi ang kalooban ko.
"Oo, sandali ipapakuha ko. Nagluto agad ako ng makita kong umalis ang mommy mo. Alam ko naman na hahanapin mo ang luto ko oras na bumaba ka. May tocino at longganisa na rin akong inihanda para sa 'yo, anak."
Napatayo ako sabay yakap kay Yaya Beth. Ito ang gusto ko sa kan'ya, alam niya kung ano ang nagpapasaya sa akin at kahit palihim ay bumibili at nagluluto siya ng pagkain na gusto ko kaya talagang napamahal siya sa akin ng husto.
"Thank you, yaya. Kaya super love kita eh!" tuwang-tuwa na sabi ko sabay yakap ng mahigpit.
"Nako bata ka, maupo ka na at ng makakain ka na," utos ni yaya kaya bumitaw ako at tinawag naman niya ang isa sa kasama naming kasambahay at dinala ang pagkain ko sa hapag.
Ang sarap sa pakiramdam na nagawa at nakain ko ang gusto ko. Simpleng bagay lang 'yon pero talagang sumaya ako. Biglang tuloy gumanda ang pakiramdam ko at hindi na ako nahihilo.
Siguro ay dahil nakakain na ako ng maayos at may laman na ang tiyan ko. Minabuti ko ang maupo sa sofa sabay abot ng remote at binuksan ang television.
Wala naman akong nakitang magandang palabas na nagustuhan ko kaya inabot ko na lang ang ang cellphone ko at binuksan ang social media account ko. Parang may nagdidikta sa isipan ko at kusang tumipa ang daliri ko para hanapin ang pangalan ng lalaking sumira sa gabi ko.
Jared Laxamana…
Yeah, pangalan niya ang hinahanap ko sa search button. Walang lumabas na personal account niya sa E-book. Baka ibang pangalan ang gamit niya dahil marami kasi ang gumagamit ng alyas at kung ano-anong pakulo sa social media.
Naubos ko na yata lahat ng may parehong pangalan niya pero wala akong nakita. Same as Declan Madrigal na puro balita at stolen shots lang ang nakita kong post kapag
Ganito siguro talaga ang mga mayaman na gaya nila. Walang panahon sa social media lalo na at usually ay gusto ng pribadong buhay gaya ng daddy ko pero kabaliktaran naman ni mommy na halos lahat na lang ay naka-post mula bawat sulok ng bahay namin, mga damit at sapatos maging hanggang sa pagkain at lugar kung saan siya pumunta.
Maghapon hanggang umabot ang gabi na mag-isa lang ako sa bahay. Bumawi ako ng tulog pero pagsapit ng gabi ay binalikan ko ang tambak na trabahong naiwan ko. Hindi ko na rin napansin kung anong oras umuwi sina mommy dahil nagkulong na ako sa silid ko at hinarap ang laptop ko.
As usual, maaga akong pumasok sa opisina. Binati agad ako ng mga empleyado na nakasalubong ko kaya sumagot at ngumiti ako sa kanilang lahat.
Maaga pa, wala pa si Monique kaya ako na mismo ang nag-ayos ng mga documents na kailangan ni daddy. Gusto kasi niya na walang kahit anong kalat at dumi sa buong opisina kaya tinawag ko na ang janitor para maglinis habang inaayos ko ang mga folder at documents na nagkalat sa ibabaw ng table niya.
"What is this?" takang tanong ko sa sarili ko nang makita ang isang envelope na galing at nakapangalan mula sa isang sikat na banko.
Out of curiosity, binuklat ko ito tutal ay bukas na rin naman ang envelope. Another question came to mind after seeing an eviction notice on one of our properties in one of the exclusive complexes, but it's now stated here that it's now owned by the bank.
Another crumpled paper I discovered near the trash can was a notice from a different bank informing my father that he needed to pay his debt. It is stated that he issued a bounced check to the bank, requesting a replacement or else they will take legal action the next time my father fails to pay his loan, including interest on time.
I'm curious why my father owed so much money to anyone, especially the bank. I quickly returned to my office and checked the company profits, but it stated that we are doing quite well in comparison to last year, so how come he had such a large loan if we don't have any other third-party business that we need to sustain financially?
Something is wrong, and I'm eager to find out what it is.
Inangat ko ang phone sa harap ko at tumawag sa finance department at hinanap ko ang manager pero wala pa ito. I don't have any other choice but to wait for her, even though the time is killing me.
Maybe she'll give me an answer and an explanation. She must know something because she handles every account of this company, which includes every transaction involving my father.
Halos kalahating oras rin ang nakaraan ng may kumatok sa opisina ko. Malakas ang kaba sa dibdib na pinindot ko ang opening button at pumasok ang taong kanina ko pa hinihintay.
"Good morning, Ms. Gonzalez," bati sa akin ng may edad na babae sa pintuan.
"Please come in, Mrs. Alvarez," seryoso na sagot ko.
May pagtataka sa mukha na lumapit ito sa akin at naupo sa harap ko. First time ko kasi siyang ipinatawag dito sa loob mismo ng opisina na gamit ko. Kinakabahan na tumingin ako sa kan'ya dahil posibleng makarating kay daddy ang gagawin ko lalo na at sigurado akong nasa kan'ya ang loyalty ng mga empleyado ng kumpanyang ito.
"What can I do for you Ms. Gonzalez?" seryoso na tanong nito sa akin.
Sa totoo lang ay hindi ko hawak ang department niya at hindi ako dapat makialam pero malakas ang hinala ko na may hindi magandang nangyayari sa loob ng kumpanyang ito.
"I want an honest answer from you Mrs. Alvarez." Bahagya akong tumigil at pormal na tinitigan ang babaeng kaharap ko.
Alam kong professional siya pagdating sa trabaho at sa gagawin ko ngayon ay posibleng ilalagay ko ang sarili ko sa alanganin at maging dahilan para magalit si daddy sa akin. I know my father's personality well; he doesn't like it when I snoop around in his personal matters, especially if they are related to the company or anything that has anything to do with his name and reputation.
"I was curious about this company's current financial situation," I explained with a formal face.
Bakas sa mukha ni Mrs. Alvarez ang gulat sa narinig na tanong ko. She obviously wasn't expecting it from me. She may believe I summoned her for some other reasons.
"Alam po ba ni Mr. CEO ang tungkol dito Ms. Gonzalez?" nag-aarok na tanong nito.
Huminga ako ng mamalim at sumagot ng hindi. Ipinaliwanag ko kung bakit at anong dahilan kaya ko siya pinatawag dahil nag-aalala ako sa posibleng tunay na estado ng kumpanya ngayon.
"I know I'm breaking your father's protocol by giving you some details of the answers to your questions, Ms. Gonzalez, but I will tell you the truth because I believe that you have a good reason."
Tumingin siya sa akin at ngumiti muna bago ipinagpatuloy ang sasabihin. Natuwa naman ako sa narinig ko dahil naging positibo ang resulta ng pagtatanong ko.
"Ms. Gonzalez, the company's finances are at risk. Most of our employees have yet to receive their previous month's salary."
Sobrang nagulat ako sa revelation ni Mrs. Alvarez. This was not something I expected to hear from her. I immediately asked her how it was possible because I knew the company was doing well based on the profit from the previous month's report. It's even up to 2% from the previous month, so how come we're having this kind of problem right now?
"I can't explain any further, Ms. Gonzalez, but one thing I can tell you is that your father transferred a large sum of money to a specific account," Mrs. Alvarez said.
"Would you mind showing me those accounts?" agad na tanong ko.
Possible kasing magkaroon ako ng ideya since alam ko naman ang mga account ng aking ama kaya agad na hiningi ko ito sa finance manager ni daddy na kausap ko.
Saglit na umalis ito at ilang minuto ay bumalik agad dito sa loob ng opisina ko dala ang laptop nito at isang file na may laman ng mga printed receipt at cheque na nakapangalan sa ilang different individual.
Seryoso na inisa-isa ko ang mga papeles na hawak ko pero walang kahit isa dito ang familiar ako. Sunod-sunod ang labas ni daddy ng malalaking amount mula sa personal account ng kumpanya. I wonder kung saan niya ito ginamit at bakit pati ang isa sa mga property namin ay naging colateral pa despite the hundred millions he release to someone.
Posible ba na may bagong kumpanya si daddy o nakipag-sosyo at invest kung kanino? Lalo lamang akong naguluhan lalo na at naalala ko pa kung ilang milyon rin ang laman ng cheque na tumalbog at binayad niya sa banko.
"Ms. Gonzalez, we do not have such a sum in our company account. It's obvious why the check I wrote bounced," Mrs. Alvarez elaborated.
Lalo lamang sumakit ang ulo kakaisip, mukhang mas malaki pa ang problema ng kumpanya kumpara sa iniisip ko. Kaya pala laging mainit ang ulo ni daddy at laging silang nag-aaway ni mommy dahil sa pera at gano'n na lang kung utusan nila akong maghanap ng mayaman na lalaking pwedeng mag-i-invest sa kumpanya na malaki ang magiging pakinabang nila.
Nahilot ko na lang ang ulo ko dahil nagkaroon na ako ng ideya. Hindi ko na nagawang magtanong ulit at nagpasalamat na lang sa mabait na empleyado namin nang magpaalam ito na lalabas na at iwan ako.
When the phone on my table rang, I was deep in thought. The call came from the marketing department, who wanted to know my opinions and feedback on some of their new suggested ideas for the next project.
Lalo lamang akong nawalan ng sabihin sa taong kausap ko dahil masyadong occupied ang isipan ko kaya sinabi ko na lang na saka ko na lang titingnan bagay na pinag-taka ng staff na kausap ko dahil alam niya kung gaano ako ka-hands on pagdating sa trabaho at ito ang unang pagkakataon na ganito ang naging sagot ko.
Naisip kong tawagan ang bangkong nagpadala ng sulat na nakapangalan kay daddy at nagkunwari akong isa sa mga inutusan niya para tanungin kung ano ang tunay na status ng loan niya sa banko at bakit gano'n na lang kalaki ang funds na inutang niya pero wala akong napala dahil hindi nagbigay ng kahit anong impormasyon ang taong kausap ko. Well inaasahan ko na rin naman ito pero sinubukan ko pa rin kahit kinakabahan ako.
Mahirap man at nangangapa pa ako sa ngayon ay pipilitin kong alamin ang totoo, alang-alang sa mga empleyado na tanging sa kumpanya umaasa at posibleng mawalan ng trabaho oras na magsara ang negosyo ni daddy dahil sa mga utang lang niya.