CAMILLA
Walang lingon-likod at mabilis na naglalakad ako sa may kadiliman na kalsada hawak ang laylayan ng gown na suot ko. Minabuti ko na hubarin na lang ang mataas na sapatos na suot ko dahil nahihirapan akong maglakad.
Nakakainis, kasalanan ito nang walang hiyang Jared Laxamana na 'yon eh. Nang dahil sa kan'ya, heto tuloy ako, daig ko pa ang palaboy na pakalat-kalat sa lansangan habang mag-isang naglalakad kahit hindi ako sigurado kung saan patungo ang may kadiliman na kalsadang binabagtas ko.
Nagsisisi tuloy ako kung bakit wala akong pakialam kanina sa daan habang papunta kami sa bahay at party na pinanggalingan ko. Nahihirapan tuloy akong hanapin ang daan palabas ng subdivision.
Malaki at malawak ang lugar. May malalaking mga bahay akong nadaanan at tanging ilaw sa gate nila ang tanglaw sa daan. May pailan-ilang maliwanag na poste ng kuryente sa daan pero bihira lang.
Mayaman ang mga taong nakatira dito pero ang kuripot nila sa ilaw. Sana lang nasa tamang daan ako lalo na at wala man lang akong pwedeng pag-tanungan na kahit sino.
Kinuha ko ang cellphone ko, balak ko sanang i-on para gumamit ng gps pero sigurado akong hindi na naman ako titigilan ni mommy kapag nalaman niyang naka-on at pwede niya akong tawagan anytime.
Gosh, ano kayang lugar 'to? Napunta na kasi ako sa part na may mga talahib na at ang dalawang bahay na dinaanan ko ay medyo malayo na ang agwat sa bawat isa.
"Camilla, calmed down. Makakarating din tayo sa atin! Kalma lang," pagpapalakas sa sarili na bulong ko.
Parang umalingawngaw ito sa isip ko at pilit nilalabanan ang takot at kaba. Hindi ako familiar sa lugar na ito at talagang pinagsisisihan ko kung bakit hindi ko man lang tinanong si mommy kung anong lugar ito at saan kami pupunta kanina.
Ayaw ko kasing kulitin ni mommy at pagsabihan na naman ng kung ano-ano kung sakaling ibuka ko ang labi ko at magtanong sa kan'ya kaya pumikit ako at nagkunwaring tulog kanina sa byahe.
Sa totoo lang pagod na pagod ako maghapon tapos puyat at nananakit na rin ang mga paa at binti ko pero wala akong ibang option sa ngayon kung hindi ang patuloy na maglakad.
Nabuhayan ako ng pag-asa ng makita ko na may paparating na sasakyan. Lakas loob na nag-abang ako at kumaway hanggang sa masilaw ang mga mata ko ng tumama sa mukha ko ang maliwanag na sinag ng headlights na nagmumula sa kotse ng taong pinara ko.
Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ng tumigil ito hanggang sa bumukas ang pintuan mula sa driver seat at iniluwa ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko na naman sa harap ko.
"Why are you here?" inis na tanong ko.
"To fetch you," maikli pero seryoso na sagot ni Mr. Jared Laxamana.
Kung alam ko lang na sasakyan niya ang pinara ko ay hinding-hindi ako mag-a-attempt na parahin siya. Mukhang inaabot yata ako ng kamalasan dahil ang taong tinatakasan ko ang siya pa mismong dadaan dito.
"What for? Kaya kong umuwing mag-isa sa amin!" mataray na sagot ko but instead of responding, his gaze flicked to me and scanned my face and body.
Bahagya pang ngumisi ito ng nakitang nakapaa ako at hawak ko ang sapatos ko.
"Let's go," sabi lang nito.
Tinangka niyang hawakan ulit ako sa braso pero umatras ako. Hindi ko gustong lumalapit siya sa akin lalo na ang basta na naman niya ako hahawakan dahil hindi ko nagugustuhan ang epekto niya sa balat ko.
"Are you going to enter the car voluntarily or do you want me to carry you and throw you inside?"
Nanliliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kan'ya dahil sa tanong na narinig ko na may halong pagbabanta pa.
"Leave me alone! I don't want to see you and I won't ever enter that car. I don't mind walking till dawn, I can go back home alone!" bulyaw ko.
Malinaw na nakita ko kung paano nalukot ang mukha nito at nag-salubong ang mga kilay. Madilim ang mukha na tinapunan ako ng tingin kaya muli ay humakbang ako paatras hanggang sa mabilis na naglalakad ako palayo sa kan'ya.
Wala akong pakialaman kahit saan pa ako dahil ng mga paa ko 'wag lang sumakay sa letse na sasakyan niya at makasama ko na naman siya.
Mariin na napapikit ako ng maramdaman kong hinablot niya ang braso ko mula sa likuran ko at kahit anong piksi ko ay hindi na naman ako makawala sa kan'ya.
"Stubborn!"
Iyon lang narinig ko bago ako basta na lang binuhat at isinampa sa balikat niya. Napasigaw ako habang hinahampas ng sapatos na hawak ko ang likod nito dahil gusto kong bitawan niya ako pero wala yata siyang pakiramdam na ininda ang bawat hampas ko at naglakad ng mabilis pabalik sa sasakyan.
"Jerk! Put me down!" inis na inis na sigaw ko.
"Stop struggling Mrs. Laxamana!"
Nanlalaki na pati butas ng ilong ko sa inis. Anong Mrs. Laxamana ang pinagsasabihan niya? Wala ng ibang tao dito kaya wala ng dahilan para magpanggap siya at gamitin na naman ako.
Para akong batang inilapag sa passenger seat na katapat ng driver seat sa harap.
"Seatbelt!" mariin na sabi nito.
Hindi ko alam kung utos ba iyon o pakiusap dahil mabilis na lumigid si Mr. Laxamana at pumasok sa kabilang pintuan.
Kung sabagay, mabuti nga siguro na ihatid niya ako dahil pagod na pagod na rin talaga ang pakiramdam ko ngayon. Titiisin ko na lang pagka-arogante at kasamaan ng ugali niya basta nakauwi lang ako.
Nahigit ko ang hininga ko ng dumukwang siya Mr. Laxamana bigla at hinatak ang seatbelt saka mabilis na ikinabit sa katawan ko. Wala tuloy akong nagawa kung 'di ang ibaling sa iba ang paningin ko dahil naiilang ako na nanunuot sa ilong ko ang pabangong gamit niya dahil sobrang lapit ng mukha naming dalawa.
"You should not wear this kind of revealing dress of yours," halos pabulong na sabi nito kaya bumaling ako sa kan'ya pero nagulat ako ng makita kung saan nakatutok ang mga mata niya.
"Pervert!" Malakas na sampal ang natanggap ng lalaking kaharap mula sa akin dahil malinaw na nasa mga dibdib ko nakatutok ang paningin nito. Kulang na lang patayin ko siya sa talim ng tingin pero para siyang nakakaloko na bumaba pa ang tingin sa nakahantad na binti ko.
"You hit me again," nailing na sabi nito saka umayos ng upo.
Hindi na ako sumagot ang nagkunwaring walang narinig. Lihim na nakahinga ako ng maluwag nang pinaandar na nito ang sasakyan saka mabilis na pinaharurot palayo sa lugar kung saan niya ako naabutan.
Mabuti na lang pala at sumama ako sa kan'ya dahil mukhang aabutin talaga ako ng umaga sa kalsada kung nagmatigas ako kanina. Bukod kasi sa napakalaki ng subdivision at mukhang sa pinaka-sulok na bahagi pa yata ako napadpad kanina ay wala rin akong nakita kahit anong mode of public transportation sa loob.
Walang kahit anong usapan ang namagitan sa amin. Pinili ko ang 'wag makipag-usap sa kan'ya and I'm glad na hindi rin nag-attempt na magbukas ng kahit anong usapan si Mr. Laxamana.
Ang akala kong ihahatid lang niya ako sa labas ng bahay ay hindi nangyari. Akala mo naman ay welcome siya dito sa amin na tumigil mismo sa garahe at kusang pumasok pa mismo sa loob ng bahay namin kahit hindi ko naman inimbitahan.
Sabihin ng masama ang ugali ko but I don't care. His not welcome here at wala akong balak na makitang matagal ang pagmumukha niya kaya lalo lamang akong naiinis na malakas ang loob niyang kusang punasok pa dito.
"Welcome, Mr. Laxamana." Masaya ang repleksyon ng mukha ni daddy katabi ni mommy dito sa lounge ang bumungad sa amin.
Himala na maaga silang umuwi at mukhang hinihintay pa nila akong dumating. Ano to, bahagi ng pagpapanggap na masaya kaming pamilya sa harap ng lalaking ito?
I wonder kung gaano kayaman ang isang Jared Laxamana at ganito na lang kung pakitunguhan ng mga magulang ko.
"As promised, Mr. Gonzalez, I have delivered your daughter safely," seryoso at walang bakas ng ngiti sa mukha na sagot ng lalaking nakatayo sa tabi ko.
"Good morning mum, dad," bati ko para makaalis na ako sa harap nila.
"I hope you had a great time together."
"We did it, sir. Do you agree, sweetheart?"
Gusto kong masuka sa nakikita kong eksena sa harap ko pero natigil ang pag-ikot ng mga mata ko nang makita ko kung paano ako lihim na pinandidilatan ng mga mata ni mommy.
Saglit pa ay dumating ang isa sa kasambahay namin na may dalang juice at kape. Mukhang wala pa yatang balak paalisin ng mga magulang ko ang bagong pinag-interesan nila hanggang hindi nakakakuha ng kahit ano mula dito.
"I hope you can join us for a cup of coffee, Mr. Laxamana," nakangiting sabi ni daddy.
Wala akong choice kung 'di ang maupo katabi ng lalaking sagad hanggang buto na kinaiinisan ko ng pagbigyan nito ang gusto ni daddy. Para tuloy akong sinisilaban na hindi mapakali sa upuan ko panay ang sipat ko sa orasan.
It's almost four in the morning and here we are, nag-paplastikan. Abot-tenga ang mga ngiti ng mga magulang ko habang parang siya ang may ari ng bahay namin na prenteng nakaupo si Mr. Laxamana sa tabi ko.
"So tell us, how long have you two known each other?"
Hindi ako sumagot, hinayaan kong magsalita si Mr. Laxamana dahil alam ko naman na magaling siyang humabi ng kwento.
Kailan kaya aalis ang lalaking ito? Mukhang wala siyang balak pang lumayas dito sa bahay. Inaantok na ako at nakakatamad maupo na parang tuod kaharap nila. Ganito naman lagi ang sitwasyon ko kapag kaharap ko ang mga magulang ko. Limited ang kilos at galaw ko at tikom ang bibig habang obvious na masaya sila sa presensya ng lalaking katabi ko.
"It's late, I guess it's time for me to go and let this lady besides me sleep," sabi ni Mr. Laxamana na tumayo na dahil narinig na humikab ako.
Patamad na tumayo ako at hindi nakaligtas sa akin kung paano ako muling tinapunan ng masamang tingin ni mommy. Mukhang hindi na naman maganda ang maririnig ko dahil sigurado akong hindi na naman nito nagustuhan ang kilos at galaw ko.
"Mr. Laxamana, it's a pleasure to meet and talk with you. You are welcome to come and see us whenever you want," sabi ni daddy na inilahad pa ang palad at nakipag-kamay.
Tipid na ngumiti lang si Mr. Laxamana kay daddy bago bumaling sa akin. Akala ko magpapaalam lang ito pero hindi ko inaasahan na yuyuko ito at akmang hahalikan na naman ako kaya umiwas ako ng tingin at dumampi ang labi nito sa leeg ko.
"Good night, Mrs. Laxamana. See you soon," bulong nito habang tumatama ang mainit na hinina sa punong-tenga ko.
Nanlalamig ang buong katawan ko maging talampakan ko at tulalang pinanood itong naglalakad papunta sa malaking pintuan kasama si daddy.
See you soon daw, letse siya. Ayaw kong makita ang pagmumukha niyang animal siya.
"Anong kaartehan 'yan, Camilla?" inis na tanong ni mommy ng makitang inis na umirap ako.
"I'm sorry mommy, inaantok na po ako. Aakyat na po muna ako sa silid ko," agad na sagot ko para maiwasan ang sermon nito.
"Are you avoiding me now, Camilla?"
Alam kong nagpipigil siyang bulyawan ako dahil nasa pintuan pa ang magaling na lalaking bisita namin na lumigon sa amin dahil mukhang ako pa rin ang pinag-uusapan nila ni daddy.
As expected, walang nagbago sa ugali ng mga magulang ko ng makaalis ang magaling na bisita namin. Agad na lumapit sa akin si daddy. Akala ko tapos na ang nakakainis na kabanata ng buhay ko today pero mukhang another kamalasan na naman ang narinig ko.
"I didn't like how you acted just now in front of Mr. Laxamana, Camilla!" bungad agad ni daddy ng makalapit sa akin.
"Gusto kong pakitungunhan mo ng maganda si Mr. Laxamana. I need his investment at malaki ang magagawa niya para manatili ang pamilyang ito sa pedestal kaya gawin mo ang lahat para manatili ang interest niya sa 'yo. Naiintindihan mo ba Camilla?"
Naiiyak at masama ang loob na tumango ako, wala naman akong ibang dapat gawin sa mga oras na ito kung 'di ang sumang-ayon sa gusto ni daddy gaya ng dati.
"Sa susunod, ayaw ko nang makikita ang kaartehan na pinakita mo ngayon sa harap ni Mr. Laxamana, Camilla or else, hindi mo magugustuhan ang parusa mo!" bulyaw na naman na sabi ni mommy.
Malaking responsibility ang maging anak ng mga magulang ko. Hindi ko man hiningi sa kanila na pinanganak akong ganito eh pero sadyang matigas ang puso nila pareho. Siguro iba ang naging takbo ng buhay ko kung pinanganak akong mahirap at walang mataas na estado sa buhay na kailangan ko pang pilitin ko ang sarili ko na gawin ang gusto ng mga magulang ko kahit gaya ngayon ay labag na sa kalooban ko.