CAMILLA
"Bitawan mo nga ako!" inis na singhal ko sa lalaking hawak ako sa siko.
"Kanina ka pa ha, ano ba ang problema mo at basta mo na lang ako ipinaalam sa mga magulang ko at hinatak sumama sa 'yo?"
Sobrang nag-iinit ang ulo ko dahil sa pagka-arrogante ng isang ito. Typical na ugali ng isang mayaman na akala mo ay nabili na ang mundo at lahat ay pag-aari niya dahil may pera siya at kapangyarihan na magpaikot ng tao. Ang nakakainis pa ay basta na lang ako pinamigay ng mga magulang ko sa kan'ya na akala mo mapagkakatiwalaan siya dahil kilala na siya ng magaling kong ama.
Wala akong tiwala sa isang ito, hindi maganda ang impresyon ko sa kan'ya kaya pilit na hinahatak ko ang braso ko sa mahigpit na hawak n'ya pero para siyang ahas kung makalingkis sa akin.
"Kung mahal mo pa ang buhay mo, bitawan mo ako!" gigil na banta ko.
Tinapunan lang ako nito ng matalim na tingin, mga mata na tila ba nagbabanta na may hindi magandang mangyayari sa akin sa oras na sinagad ko ang pasensya niya.
"Will you just shut up?!" angil nito sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi ni Mr. Laxamana. Inis na hinatak ko ang braso ko pero hindi ko magawang makakawala sa kan'ya dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin at mukhang wala siyang balak na bitawan talaga ako.
"I'm not your servant to obey you, Mr. Laxamana. If you've forgotten, I'm not the one who invited you to accompany me. You're the one who dragged me to this s**t! You don't have the authority to yell at me!"
Masama ang tingin na inirapan ko siya pero mukhang wala man lang epekto sa kanya. Hindi ko na alam kung paano makakawala sa lalaking ito na akala mo ay close kami kung umasta sa harap ng publiko.
Magsasalita pa sana ako ng hatakin niya ang bewang ko at basta na lang kinabig palapit sa kan'ya at inabot ang labi ko at sinibasib ng halik.
Sa gulat ay para akong tuod na nakatayo habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa matigas na mukha ng lalaking basta na lang humalik sa akin.
Ramdam ko ang pag-sayad ng mainit na labi at dila niya sa pang-ibabang labi ko. Halos maduling akong nakatitig sa mukha ni Mr. Laxamana habang nag-iinit ang mukha at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko at dapat na maging reaksyon ko sa ginawa niya dahil sa sulok ng mga mata ko ay nakikita kong maraming mga mata ang nakatingin sa amin, kasama na doon ang mga magulang ko at pinapanood kung paano ako basta na lang hinalikan ng lalaking wala yatang balak tigilan at pakawalan ang labi ko.
Ramdam ko ang kakaibang sensasyon sa bawat dampi ng labi niya. I could feel his tongue gliding across the corners of my lips. I felt humiliated, but there was nothing I could do to stop him dahil ang higpit ng pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko habang sapo ng isang kamay ang likuran ng ulo ko habang tila na paralisa ang buong katawan ko.
"If I were you lady, mananahimik na lang ako at susundin ang bawat sasabihin ko dahil baka biglang magbago ang isip ko at hubaran kita dito mismo!"
Humihingal at naghahabol ng hininga na itinikom ko ang bibig ko. This jerk is one of the dangerous devils I should avoid crossing paths with, but it's not one of my lucky days because I stumbled across him.
Posibleng gawin nga niya ang banta sa akin lalo na at nagawa niyang basta na lang ako halikan ngayon at ang lakas ng loob niyang gawin ito sa harap mismo ng napakaraming tao. Paano na lang pala kung may girlfriend siya o asawa? s**t hindi pwede 'to! Mas malaking gulo iyon, ayaw kong maging kabit at lalo na ang matawag na isang third party sa isang relasyon.
Pero teka, may girlfriend nga ba siya?
"What?"
Hindi ko pinansin ang tanong nito na nakatitig pala sa mukha ko. I collected myself and pretended nothing had happened. Yeah, I must think that nothing just happened, and I'm not going to let it happen again! Hahanap ako ng pagkakataon at kapag nakita ako ng kahit maliit na chance, he wouldn't see me ever again!
Hinanap ng mga mata ko ang kinaroroonan ng mga magulang ko. Hindi na ako umaasa na gagawa sila ng paraan para makalayo ako sa lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan pero ang lakas ng loob na basta na lang ako kinaladkad na maging partner niya ngayong gabi.
"Nice to see you here, Mr. Laxamana; I didn't expect you'd come with someone tonight," bati ng lalaking basta na lang lumapit sa amin.
"Yeah, I'm with my fiance, Mr. Francisco," seryosong sagot ng lalaking nakatayo sa tabi ko.
Nagulat ako at tinangkang pumiglas pero talagang mahigpit ang kapit ng animal na lalaking ito sa braso ko. Sa tingin ko nga, sa sobrang diin, sigurado akong magmamarka ito lalo na ramdam ko na ang pananakit ng bahaging kanina pa niya hawak.
"Wow, congratulations, hijo," halatang kunwari ay natutuwang bati ng matanda.
"You both enjoy the party then."
Tinapik pa nito ang katabi ko at ngumiti sa amin pero hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano niya ako pinasadahan ng mapanuring tingin na tila ba tinitimbang kung bahagi ba ako ng alta sosyedad.
Ibinaling ko ang paningin ko sa malayo para magkunwaring hindi distracted sa taong kaharap namin. Mabuti na ito para hindi ko na kailangan na makipag-plastikan sa mga taong tulad nila.
"Daddy!" malambing na tawag ng isang babae na lumapit sa matandang kaharap namin at pumulupot sa braso ng ama.
"Well, since she's here, Mr. Laxamana. I'd like to introduce you to Patricia, my daughter. She is currently studying at one of Paris's prestigious business schools. She's smart and beautiful, which gives me a headache because so many young men are chasing her."
Lihim na umikot ang mga mata ko sa usapan at kaplastikan ng mga taong kaharap ko. Akala mo ay isang mamahaling bagay na binebenta ng tatay niya anak nito na obvious naman na nagkukunwaring nahihiya pero malinaw na nakikita ko kung gaano kalagkit ang titig nang pa cute na babaeng ito sa lalaking katabi ko.
"Nagseselos ka ba Camilla?" tudyo ng kabilang bahagi ng isip ko.
Ako nagseselos? Never! Naiinis ako sa nakikita ko! Hinding-hindi ako magseselos ng dahil lamang sa lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan dahil lamang hinalikan ako at ipinakilala niyang fiancee sa kausap niya.
While listening to them, my teeth grate as I mentally kill them all. Hindi ko tuloy sinasadya na napatingin ako sa babaeng pa simple na kinagat ang pang-ibabang labi at obvious na inaakit ang kasama ko.
"We must leave before my fiance burns me alive. She dislikes it when she sees another woman flirting with me in front of her, right sweetheart?" biglang sabi nito na bumaling pa sa akin.
Awang ang labi na gusto kong umapila pero nagpigil ako. Nakakainis, ako pa ang ginawa niyang rason para makawala sa babaeng hitad na biglang sumimangot at mukhang hindi man lang nito ininda ang sinabi ng lalaking nilalandi niya
Bigla na lang bumaba sa bewang ko ang kamay ni Mr. Laxamana na ikinagulat ko at lalo lamang dumagdag sa inis ko.
I despise playing games with anyone, let alone someone who is using me for their own gain. It's no different with my parents, who only use me as a showpiece and decoration to pretend that we're all one happy family.
"What exactly was that?" I inquired, irritated.
Hindi man lang ako sinagot kaya lalo lamang kumulo ang dugo ko sa inis. Natatandaan ko pa ang sinabi niya sa kausap kanina lang. Malinaw pa sa pandinig ko at alam kong hindi ko yon makakalimutan.
"I'm not sure what you expect from me, but I'll tell you this once: stop lying to everyone here. I'm not going to pretend you're finance to anyone, as you did to me, because I don't want to be involved in your lies!"
I looked at him with disgust as I walked towards the table that might have been reserved for him. Para siyang bingi na walang pakialam sa mundo. Napakaseryo ng awra na akala mo ay kagalang-galang pero ubod ng kasamaan ang ugali. Nginisihan lang niya ako at inutusan na maupo katabi niya na lalo lamang naging dahilan para malukot ang mukha ko sa inis at labis na pagtitimpi na awayin siya dito mismo.
Walang usapan ang namagitan sa amin. Dinukot nito ang cellphone at may tinawagan na naman. Nagbibingi-bingihan na lang ako at iginala ang paningin sa mga taong sumasayaw sa gitna.
"Bro," bati ng gwapong lalaking lumapit sa kan'ya.
Kilala ko ang isang ito dahil masyadong maingay sa medya ang pangalan nito na akala mo ay isang sikat na celebrity na lagi ay pinag-uusapan at sinusundan ang bawat balita tungkol sa kan'ya.
"You're late again. I've been here since then but it takes you an hour to show up," naka-ngisi na sagot ng katabi ko.
"I assume you're not bored while waiting, Jared, and I don't think you mind if I arrive late because you have someone besides you to entertain you."
So Jared pala ang pangalan ng walang hiyang lalaking ito. Ang bantot ha, bagay sa masamang ugali niya.
Napairap ako ng tapunan ako nito ng tingin tapos nginisihan ang lalaking dumating at ngayon ay umupo kaharap ko habang akala mo ay ka-close ko siya habang prente ba nakaupo sa tabi ko.
"Well, brother, meet my fiance."
Bumaling ang tingin sa akin ni Declan Madrigal. Kahit hindi ipakilala sa akin ang lalaking ito ay alam ko ang pangalan nito dahil laging laman ng mga magazine na lagi ay dala ng secretary ko.
Well, gwapo naman pala talaga siya lalo sa personal kaya maraming babae ang nagkakandarapa at nahuhumaling sa kan'ya. Malakas nga ang karisma pero bagay silang maging magkaibigan nitong mayabang na si Mr. Laxamana dahil pareho silang mukhang arrogante.
"Nice to meet you, Miss…"
Inilahad ni Declan Madrigal ang palad at
dala na rin ng kagandahang asal ay inabot ko ang kamay nito at nakipag-kamay. Sinabi ko ang pangalan ko pero bigla na naman sumabad si Mr. Laxamana at sinabing soon I'll become Mrs. Laxamana.
Sa inis gumalaw ang kanang paa ko sa ilalim ng mesa at malakas na sinipa siya. Tumingin pa si Declan sa kaibigan na naka-ngiwi at nag-palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa habang umayos ng upo ang katabi ko.
Pakiramdam ko ay nanalo ako kaya napangiti ako ng matamis. I was celebrating my little victory lalo na mataas at matulis ang takong ng sapatos ko na sigurado akong napuruhan siya dahil narinig ko kung paano impit na dumaing dahil marahil nasaktan ko ng todo.
"What happened, Jared?" curious na tanong ni Declan pero umiling lang ito.
"An ant bit my leg," sagot nito.
I rolled my eyes again; it seemed like he used to lie and that making up an alibi was second nature to him. He just looked at me and drank the glass of wine in front of him straight.
Mukhang kinagat naman ni Declan ang paliwanag nito at may binanggit pa na dalawang pangalan. Siguro ay mga kaibigan o kasosyo nila sa negosyo dahil casual lang naman ang pagkakasabi niya ng hanapin kung nakita ba raw namin ang anino ng nagngangalang Alexander and Dixon.
Akala ko okay na ang lahat pero nanginginig ang buong katawan ko ng maramdaman kong dumapo sa nakahantad na kanang hita ko ang kamay ni Jared at pinisil ng mariin sabay halos na tila ay inaakit ako.
Lalo lamang akong magsisi na sinunod ko ang utos ni mommy dahil masyadong mataas ang slit at saktong dito pa sa bahaging abot kamay ng katabi ko.
Nanigas ang kalamnan ko ng humampos sa balat ko ang bastos na kamay nito. Napatingin ako sa katabi ko na tila walang ginagawa ang kamay na patay malisya na nakikipag-usap sa kaibigan niya.
Kung hindi lang dahil maraming tao at sigurado akong gulo ang dala nito sa buhay ko ay sinampal ko na sana ng malakas si Mr. Laxamana dahil sa kabastusan nito pero nagpipigil ako at dahil ayaw kong maiskandlo.
"Where are you going?" tanong ni Jared ng makitang tumayo ako.
"Rest room," walang gana at nanginginig ang mga binti na sagot ko.
Tatayo sana si Jared ng tawanan ito ni Declan Madrigal at sinabing hayaan muna ako at huwag nang bakuran dahil siguro naman daw ay hindi ako mawawala ngayong gabi dahil alam ko ang daan pabalik dito.
That was his mistake dahil instead of going to toilet, mabilis na naglalakad ako palabas. Wala akong pakialam kung nasaang liblib na lugar kami at kung may masasakyan ba ako ngayong gabi pabalik sa bahay dahil ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa lintik na lugar na iyon lalo na sa lalaking siraulo at bastos na si Jared Laxamana.