CAMILLA Parang batang nagbibilang si Dexon ng minuto tapos pinagmamasdan ko rin. Pasaway talaga ang lalaking ito. Nakipag-pustahan pa kay Declan na agad tinawagan matapos maputol ang tawag kay Jared kanina na pinatulan naman nang isa. Naiiling na lang na binasa ko ang mga documents na nasa harap ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga figure dahil wala akong alam sa ganitong trabaho. Sabi ni Dexon ay h'wag ko na raw basahin pero kinuha ko pa rin at tingnan para may pagka-abalahan ako. "Nine and half," narinig kong sabi ni Dexon pero napunta sa biglang bumukas na pintuan ang paningin ko matapos pumasok ng asawa ko. "Ashole!" malakas na sabi ni Jared pero nginisihan lang ni Dexon. "Oh, please avoid my face if you want to hit me," pormal na sabi ni Dexon pero mabilis ang kamay ni Jared at nasik