CAMILLA Walang nagawa si Jared kung 'di ang pumasok sa opisina niya kaya naiwan ako ditong mag-isa sa unit ko. Ayaw pa nga niya kaninang lumabas kung hindi ko lang pinag-tulakan. Mabuti na lang at nakinig siya dahil nakapag-pahinga ako ng maayos ng makaalis na siya. Paulit-ulit na tinatawagan ko ang cellphone number ng mga magulang ko pero tulad kahapon ay parehong naka-off. Tumawag rin ulit ako sa bahay pero sinabi ng kasambahay na wala umano ang mga ito doon at hindi alam kung nasaan o kailan babalik. Hindi na ako nagtataka na wala sila sa bahay dahil kahit nang maliit pa ako ay lagi naman silang wala doon kaya nga nasanay na akong si Yaya Beth ang kasa-kasama ko araw-araw. Bigla ay parang may kumislap na ilaw sa utak ko. Agad na tinawagan ko ang number ni Yaya Beth pero naka-off na