CAMILLA Ayaw kong maging tsismosa kaya kahit pansin ko na aligaga si Dexon at maya't maya kung sumulyap kay Aubrey kaharap namin ay hinayaan ko lang. Mamaya tatanungin ko si Jared na alam kong amused habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng kaibigan. Curious talaga ako lalo na at bigla na lang nagbago ang kilos ng lalaking ito. Naging mas masungit at strikto si Dexon simula ng dumating si Aubrey dito sa opisina niya na para bang hindi ito kumportable na makita ito dito kasama namin. "Ah, mauuna na po ako sa inyo. May mga homework kasi akong gagawin sa bahay saka hindi po ako nagpaalam kay Nana na mala-late ako nang uwi ngayon," paalam ni Aubrey na ngumiti sa akin. "Ihahatid na kita, Aubrey. Busy ang Kuya Dexon mo saka pauwi na rin naman ako," nakangiting sabi ni Declan. "No need; I c