CAMILLA Tulad ng araw-araw na pumapasok ang asawa ko ay naiwan akong mag-isa dito sa unit ko nang umalis na si Jared at pumasok sa opisina. Napagkasunduan namin na mas mabuting h'wag na akong magtrabaho sa ibang company at kapag pakiramdam ko ay okay na ako at maayos na ang kondisyon ay may posisyon daw siyang ibibigay sa akin para malapit ako lagi sa kan'ya and of course, safe ako. Alam kong ginagawa ni Jared ang lahat para protektahan ako and he wants to secure my safety kaya hindi ako nakipagtalo sa kan'ya. Kilala ko si Jared at alam kong hindi niya ako papayagan na magtrabaho sa iba after the dangerous attack that happened that day na nag-apply ako sa kumpanya ni Dexon. Maghapon na inabala ko ang sarili ko sa paglinis ng unit ko. Kailangan kong ibinaling sa ibang bagay ang atensyo