CAMILLA Nagising ako sa mabangong amoy ng pagkain na sigurado akong galing kusina. Dahan-dahan na bumangon ako at bumaba sa kama para pumunta sa banyo. Suot pa rin ang manipis na pantulog ko na lumabas ng silid para puntahan ang asawa ko. It's past six o'clock at nagluluto na pala siya ng almusal para sa aming dalawa. Nakakahiya, ako dapat ang gumagawa noon dahil ako ang babae pero bukod sa hindi naman ako marunong masyado sa kusina ay hindi ako nagising ng maaga at nauna pa siya. Walang ingay na tumayo ako malapit kay Jared na tanging ang boxer na suot mula kagabi ang saplot sa katawan at abala sa ginagawa dito sa kusina. Tahimik na pinagmasdan ko kung paano niya hinalo ang sinangang tapos naghahanda rin ng coffee. Obviously, sanay siya sa kusina bagay na ikinagulat ko talaga nang u