CAMILLA Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa mga narinig kong sinabi ni Tita Lara. Hindi ako makapaniwalang gano'n ang sinapit ng mga magulang ko dahil ang akala ko ay ayos na ang lahat matapos naming magpakasal ni Jared. "Tita, gusto ko pong malaman kung saang ospital dinala si mommy," naluluha na sabi ko. "Wala akong ideya, Camilla. Nasa labas siya ng gate nang bahay n'yo at ayaw umalis doon. May lumapit na gwardya para paalisin siya doon dahil utos raw ng bagong may ari. I was there, kinakausap ko si Tanya pero paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan mo. She was devastated, gusto ko siyang tulungan pero nagwala siya at nagalit tapos may mga dumating. Hindi nagtagal, may ambulance na kumaha na sa mommy mo at iyon na ang huling beses na nakita ko siya," sagot ni Tita Lara na nagpa