CAMILLA Nagising ako sa hindi familiar na lugar. Nakakasilaw ang liwanag nang ilaw ng unti-unting nagmulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang puting pintura ng malaki at malawak na silid. Alam ko sa sarili ko na ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang k'wartong ito dahil lahat dito ay bago sa paningin ko. Naniningkit ang mga mata na iginala ko ang paningin ko sa buong paligid only to find out na nakahiga pala ako sa isang malapad na kama at may nakakabit na dextrose sa kamay. Saka ko lang unti-unting naunawaan kung ano ang posibleng nangyari dahil malinaw na natatandaan ko ang huling tagpo bago ako nawalan ng malay matapos hindi kayanin ng katawan ko ang matinding sakit na tumagos sa kaibuturan ko. Kasalanan ito nang isang foreigner na basta na lang pumasok sa kotse ko hangga