CAMILLA Nahihilo at umikot ang paningin ko kaya hindi ko nagawang magmulat ng mga mata nang tumigil ang sasakyan at bumukas ang pintuan. Naramdaman ko na lang na kinalas ng kasama ko ang seatbelt sa katawan ko saka mabilis niya akong binuhat. Pakiramdam ko ay para akong dinuduyan. Napasiksik pa ako sa balikat niya dahil parang inuugoy ang katawan ko. Ganito pala ang pakiramdam 'pag buhat-buhat habang naglalakad. Para lang akong batang kalong niya at hindi man lang ininda na mabigat ako tapos mukhang malaki rin ang katawan niya dahil kahit nahihilo ako ay nararamdaman ko ang malapad na dibdib niya. Isang ungol ang kumawala sa labi ko ng maramdaman kong sumayad ang katawan ko sa malambot na kama. Gusto kong matulog dahil inaantok na ako tapos para pa akong inaakit ng malambot na higaan