CAMILLA "Sweetheart, wake up." Marahan ang haplos at hagod ng kamay ni Jared sa exposed na braso ko ang gumising sa akin. Inaantok na nagmulat ako ng mga mata at bumulaga sa akin na nakatitig na naman pala siya sa mukha ko habang nakadukwang para gisingin ako na asawa ko. Nakatulog na kasi agad kagabi, hindi ko na nga naramdaman kung natulog ba siya sa tabi ko o hindi dahil malalim ang naging tulog ko palibhasa pagod rin ako dahil inabot ng ilang oras ang exercise ko kahapon dahil na rin sa pakiramdam ko ay mabigat na ang katawan ko dahil puro kain at tulog lamang ang ginagawa ko dito. "Get ready please," malambing na sabi nito. Tumango lang ako at tiningnan ang digital clock sa dingding. Almost four-thirty na pala ng umaga at kailangan ko ng maghanda dahil dapat ay nasa airport na k