CAMILLA Hindi pa ako nakakasagot ng tumayo na si Jared at para akong batang paslit na kalong niya. Basta na lang naglalakad papunta sa kung saan pero hindi niya binitawan ang labi ko kaya napakapit ako sa balikat niya. Naramdaman ko na lang ang pagbukas at sara ng isang pintuan at bumungad sa akin ang isang puting silid. Hindi ko inaasahan na may engrandeng k'warto pala dito dahil mostly, ang nasa isip ko ay mga mahabang linya ng upuan at vip couches lang ang design sa loob ng isang normal na eroplano. Nakalimutan ko na billionaire nga pala ang asawa ko at sarili niya ang eroplanong ito. Customize ang silid at para lang siyang nasa loob ng bahay at komportableng pwedeng matulog sa oras ng mahabang byahe. "Hmmm!" Impit na daing ang kumawala sa labi ko ng sunggaban niya ang dalawang dibd