CAMILLA "Round two? No, hindi mangyayari yon!" Akala ko makikinig siya pero bigla siyang gumulong at napunta ako sa ilalim niya. I could see the amusement in his eyes as he looked at me, as if he was delighted to see me struggling right now. Para bang pinaparamdam niya sa akin na panalo na siya at wala na akong magagawa lalo na may nangyari na sa amin kagabi. Naiiyak ako, gusto kong mag-lupasay at dagukan ang sarili ko dahil sa katangahan na ginawa ko pero ano pa ba ang silbi e, nasa ibabaw ko na siya habang masayang nakatitig sa akin? Nag-iwas ako ng tingin at bumaba sa leeg ko ang mukha niya. Kumawag ang kamay at paa ko pero masyado siyang malaki at mabigat para kayanin kong makakawala sa kan'ya. "Bitawan mo ako," garalgal na sabi ko. Alam ko ang ginawa ko kagabi kaya hindi ko siy